Wikipedia:Sinupan ng mga nagdaang napiling larawan/Sinupan 1
Mga napiling larawan noong 2006 (kabuoang bilang: 5)
[baguhin ang wikitext]
Ang Marte (o Mars) ay ang ika-apat na planeta mula sa Araw sa ating sistemang solar. Ipinangalan ito sa Romanong diyos ng digmaan (Ares sa Mitolohiyang Griyego). Kilala din ang Marte bilang "Ang Pulang Planeta" hinggil sa mamulang anyo nito kapag nakikita mula sa Daigdig sa gabi. May dalawang buwan ang Marte, ang Phobos at Deimos, na maliliit at kakaiba ang hugis at posibleng nakuhang mga asteroyd katulad ng 5261 Eureka. Makikita ang Marte mula sa Daigdig sa pamamagitan ng hubad na mata na may kaliwanagan ng hanggang -2.9 magnitud, nilalagpasan lamang ng Venus, Buwan at Araw. Kuha ng: NASA |
Ang Tāj Mahal ang pangalan ng isang bantayog na matatagpuan sa Āgrā, Indya. Ipinatayo ito ng emperador na Mughal na si Shah Jahan, anak ni Jahangir, bilang mausoleum para sa kaniyang Persian na asawang si Arjumand Banu Begum, kilala rin bilang Mumtaz-ul-Zamani o Mumtaz Mahal. Nagtagal ang 23 taon ang paggawa nito (mula 1630 hanggang 1653) at tinuturing ito bilang obra maestra ng arkitekturang Mughal. Kuha ni: Sandeep Dhirad |
Ang apoy, isang uri ng kombustyon, ay isang reaksiyong kimikal, kinakasangkutan ng dalawa o higit pa na mga kimikal kung saan handang magkaroon ng reaksiyon ang mga molekula sa bawat isa upang makabuo ng karadagang mga kimikal. Kadalasang kulay kahel, maiinit at mausok ito. Kuha ni:Fir0002 |
Ang Katedral ng San Vitus ay isang katedral sa Prague, Czech Republic, at ang luklukan ng Arsobispo ng Prague. Katedral ng San Vito, San Wenceslas at San Adalberto ang buong pangalan nito. Matatagpuang ito sa loob ng Kastilyo ng Prague at naglalaman ng mga labi ng maraming haring Bohemya, isang magandang halimbawa ito ng arkitekturang Gotika at tinuturing na pinakamalaki at mahalagang simbahan sa bansa. Kuha ni:Diliff |
Ang paruparong Viceroy (Limenitis archippus) ay isang paruparo sa Hilagang Amerika. May kulay itim at kahel ang pakpak nito na kawangis na paruparong Monarch (Danaus plexippus). Sa Florida, Georgia, at sa Timog-kanluran, hindi gaanong karaniwang ang Monarch, at nakikibahagi ang itsura ng mga Viceroy sa Reynang paruparo (Danaus gilippus). Kuha ni: PiccoloNamek |