Pumunta sa nilalaman

Emperador Nakamikado

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Yasuhito)
Nakamikado
Emperador ng Hapon
Paghahari1709–1735
KapanganakanJanuary 14, 1702
KamatayanMay 10, 1737 (aged 35)
PinaglibinganTsukinowa no misasagi (Kyoto)
SinundanHigashiyama
KahaliliSakuramachi
AmaHigashiyama


Si Yasuhito ang ika-114 na Emperador ng Hapon na umupo sa Trono ng Krisantemo mas kilala bilang Emperador Nakamikado. Nanungkulan siya bilang Emperador noong ika-27 ng Hulyo ng taong 1709 hanggang ika-13 ng Abril ng taong 1735. Bago siya naging Emperador tinawag siyang Prinsipe Masu (Masu-no-miya).

Noong anim na taong gulang siya (1708) kinaronahan siya bilang Prinsipeng Tagapagmana na Imperyo at isang taon lang makalipas ay noong siya ay pitong taong gulang pa lamang siya ay naging Emperador na siya ng Japan. Dahil sa kanyang murang edad ang kanyang amang si Asahito (ang Retiradong Emperador Higashiyama) at ang kanyang lolong si Satohito (ang Retiradong Emperador Reigen) ang namuno muna sa pangalan niya.

Ang kanyang panunungkulan ay umayon sa panunungkulan ni Sugun (Shogun) Ienobu Tokugawa hanggang sa ikawalong Sugun na si Yoshimune Tokugawa. Sa panahong ito naging maganda ang ugnayan sa pagitan ng Trono ng Krisantemo at ng Bakufu o ang gubyernong tunay na namamamahala sa Japan na nasa ilalim ng Sugun. Sa katanuyan nagkaroon nga ng kasunduan sa pagitan ng pag-iisang dibdib nina Yoshiko (Prinsesa Yaso) na anak ni Satohito (Retiradong Emperador Reigen) at si Sugun Ietsugu Tokugawa. Iyon nga lang hindi siya natuloy dahil sa biglaang pagkamatay ni Ietsugu.

Noong taong 1735, ipinaubaya niya ang kanyang trono kay Teruhito na naging si Emperador Sakuramachi. Dalawang taon pagkatapos nito ay namatay na si Yasuhito.

Si Yasuhito ay ang ikalimang anak ni Asahito (Emperador Higashiyama) at Lakambining Yoshiko Kushige.

Meron siyang 16 na anak (14 na anak at dalawa ang inampon) sa anim na asawa.

Kay Lakambini Hisako Konoe ipinanganak niya si Teruhito ang naging si Emperador Sakuramachi. Apat ang naging anak niya kay Lakambining Nag-aantay Iwako Shimizutani. Isang anak kay Lakambining Nag-aantay Tsuneko Sono. Lima kay Binibining (Handmaid) Natsuko Kuze. Isa kay Binibining Hiroko Gojou at dalawa sa isang Konsorte. Ang dalawang batang inampon ay galing kay Prinsipe Yorito sa Bahay ng Arisugawa (Arisugawa-no-miya) at kay Prinsipe Naohito sa Bahay ng Kan’in (Kan’in-no-miya) .

Ang mga nengo sa panahon ni Yasuhito ay:

Pumanaw siya noong ika-10 ng Mayo ng taong 1737 at inilibing siya sa Tsukinowa no Misasagi sa bahaging Higashiyama sa Prepektura ng Kyoto.