Pumunta sa nilalaman

Zozibini Tunzi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Zozibini Tunzi
Si Tunzi noong 2020
Kapanganakan (1993-09-18) 18 Setyembre 1993 (edad 31)
Tsolo, Eastern Cape, Timog Aprika
NagtaposCape Peninsula University of Technology
Titulo
Beauty pageant titleholder
Hair colorItim
Eye colorKayumanggi
Major
competition(s)
  • Miss South Africa 2017
    (Top 26)
  • Miss South Africa 2019
    (Nagwagi)
  • Miss Universe 2019
    (Nagwagi)

Si Zozibini Tunzi (ipinanganak noong 18 Setyembre 1993), na kilala rin bilang Zozi Tunzi, ay isang modelo, artista at titulo ng beauty pageant sa Timog Aprika na kinoronahan bilang Miss Universe 2019.[1] [2] Siya ang pangatlong babae mula sa Timog Aprika na nanalo ng titulo, at ang unang itim na babae mula nang si Leila Lopes ng Anggola ay nakoronahan bilang Miss Universe 2011.

Buhay at pag-aaral

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Tunzi noong 18 Setyembre 1993 sa Tsolo, Eastern Cape sa mga magulang na sina Philiswa Nodapu at Lungisa Tunzi.[3][4] Si Tunzi ay isa sa apat na magkakapatid na babae.[5] Kalaunan ay lumipat siya sa Lungsod ng Cabo at nanirahan sa suburb ng Gardens, upang makapag-aral sa Cape Peninsula University of Technology. Nagtapos siya na may National Diploma sa public relations management noong 2018. Noong 2017, nagtrabaho si Tunzi bilang isang modelo at nanirahan sa East London, Eastern Cape.

Bago ang kanyang pagkapanalo bilang Miss South Africa, nagtapos si Tunzi ng Bachelor of Technology graduate degree sa public relations management sa Cape Peninsula University of Technology, at nagtrabaho bilang isang graduate intern sa public relations department ng Ogilvy Cape Town.

Mga paligsahan ng kagandahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Miss South Africa 2019

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinimulan ni Tunzi ang kanyang karera sa beauty pageants noong 2017, nang siya ay tinanggap bilang isa sa dalawampu't-anim na mga semi-finalist ng Miss South Africa 2017.[6] Bumalik siya sa pageantry upang lumahok sa Miss South Africa 2019. Noong 26 Hunyo 2019, kinumpirma si Tunzi bilang isa sa Top 35 semi-finalists ng kompetisyon. Pagkatapos ng mga karagdagang audition, inanunsyo si Tunzi bilang isa sa labing-anim na pinalista noong 11 Hulyo.

Matapos mapili bilang isa sa mga pinalista, nagpatuloy si Tunzi upang lumahok sa Miss South Africa 2019 pageant na naganap sa Pretoria noong 9 Agosto. Umabante si Tunzi sa kompetisyon mula sa top ten, pagkatapos sa top five, at panghuli ang top two hanggang sa siya ay kinoronahan bilang Miss South Africa 2019 ng kanyang hinalinhan na si Tamaryn Green. Ang kanyang runner-up ay si Sasha-Lee Olivier na siyang ipinadala sa Miss World 2019.

Kasunod ng kanyang panalo, tumanggap si Tunzi ng mga premyo kabilang ang R1 milyon, isang bagong kotse, at isang apartment na kumpleto sa gamit sa kabayanan ng Sandton, Johannesburg na nagkakahalaga ng R5 milyon, para magamit niya sa buong panahon ng kanyang katungkulang. Ang tagumpay ni Tunzi ay nagbigay-daan sa kanya upang kumatawan sa Timog Aprika sa Miss Universe 2019.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Miss Universe 2019: 'May every little girl see their faces reflected in mine'". BBC News (sa wikang Ingles). 9 Disyembre 2019. Nakuha noong 6 Pebrero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Njoku, Benjamin (13 Mayo 2023). "Miss Universe 2019, Zozibini Tunzi, IK Osakioduwa to co-host AMVCA". Vanguard News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Wilson, Samantha (8 Disyembre 2019). "Zozibini Tunzi: 5 Things To Know About Miss Universe 2019". Hollywood Life (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Women's Day messages from Miss SA finalists". Independent Online (sa wikang Ingles). 9 Agosto 2019. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Walsh, S.M. (8 Disyembre 2019). "Zozibini Tunzi, Miss Universe 2019: 5 Fast Facts You Need to Know". Heavy (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Pebrero 2023. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Prince, Shanaaz (10 Agosto 2019). "Miss SA 2017 Semi-Finalists revealed!". Eyewitness News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Nobyembre 2016. Nakuha noong 4 Hulyo 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Parangal at Natanggap
Sinundan:
Pilipinas Catriona Gray
Miss Universe
2019
Susunod:
Mexico Andrea Meza
Sinundan:
Tamaryn Green
Miss South Africa
2019
Susunod:
Sasha Lee-Olivier