Pumunta sa nilalaman

Unang Pahina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Napiling artikulo

Punong-himpilan ng NAPOCOR sa Lungsod Quezon.
Punong-himpilan ng NAPOCOR sa Lungsod Quezon.

Ang Pambansang Korporasyon sa Elektrisidad (NAPOCOR o NPC; Ingles: National Power Corporation) ay isang korporasyong pag-aari ng pamahalaan na naglilingkod bilang pinakamalaking tagapagbigay at tagapaglikha ng elektrisidad sa Pilipinas. Ito rin ang pangunahing tagapagbigay ng kuryente para sa MERALCO, ang natatanging tagapamahagi ng kuryente sa Kalakhang Maynila at mga karatig na mga lalawigan. Nagsilbi din ang NPC bilang tagapamahala at may-ari ng grid ng kuryente sa Pilipinas at mga kaugnay nitong pasilidad at ari-arian mula sa paglikha nito noong Nobyembre 3, 1936 (sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 120 na ipinasa ni Pangulong Manuel L. Quezon) hanggang sa paglipat ng operasyon, pagpapanatili, at pagmamay-ari ng grid sa ibang korporasyong pagmamay-ari ng gobyerno, ang Pambansang Korporasyon sa Transmisyon (National Transmission Corporation o TransCo), noong Marso 1, 2003. Dating pinakamalaking korporasyon sa bansa ang NAPOCOR sa larangan ng kita. Suliranin sa pagkakaroon ng kita ang pangunahing alalahanin nito dahil ang negosyo nito ay misyonaryong elektripikasyon na nagbibigay ng kuryente sa liblib, at malayo sa grid na lugar at pulo na nakasubsidiya. Bilang isang korporasyong pagmamay-ari at kontrolado ng pamahalaan, napapailalim ang NAPOCOR sa pagsisiyasat ng Komisyon ng Awdit (Commission on Audit o COA) at Komisyon sa Pamamahala para sa Mga Korporasyong Pag-aari at Kinokontrol ng Pamahalaan (Governance Commission for Government Owned and Controlled Corporations o GCG). Pinapamahalaan din nito ang mga malalaking dike at 11 watershed (o lugar na pinanggagalingan ng tubig) sa bansa at patuloy na pinapangasiwa ang pagsasapribado ng mga natitirang hindi pa naaayos na ari-arian ng gobyerno. Mula noong Disyembre 2015, mayroon ang NPC ng kabuuang 1,735 Megawatt ng nililikhang kapasidad, na kinabibilangan ng 345 MW ng maliliit na mga henerador (o generator) sa maliliit na mga pulo at malayo sa grid na mga lokasyon, at 1,390 MW sa hidroelektrikong mga planta ng kuryente at mga malayang plantang na naglilikha ng kuryente sa pangunahing mga grid.

Alam ba ninyo ...

Napiling larawan

Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.

May-akda ng larawan: NASA

Sa araw na ito (Disyembre 13)

Disyembre 13

Taylor Swift
Taylor Swift

Mga huling araw: Disyembre 12Disyembre 11Disyembre 10

Patungkol

Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.

Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.

Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na:
47,980
artikulo
148
aktibong tagapag-ambag

Paano makapag-ambag?

Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.

Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan

Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.

Kaganapan