Francisco Mañosa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Francisco Mañosa
Si Mañosa
Kapanganakan12 Pebrero 1931(1931-02-12)
Maynila, Pilipinas
Kamatayan20 Pebrero 2019(2019-02-20) (edad 88)
Muntinlupa, Pilipinas
NasyonalidadFilipino
NagtaposUnibersidad ng Santo Tomas
Parangal National Artists of the Philippines
Kadalubhasaan/Kasanayanmanosa.com
Mga gusaliCoconut Palace, EDSA Shrine

Si Francisco "Bobby" Tronqued Mañosa (12 Pebrero 1931 – 20 Pebrero 2019) ay isang arkitektong Pilipino na itinuturing na isa sa mga pinaka-maimpluwensyang arkitektong Pilipino sa ika-20 siglo para sa pangunguna sa sining ng arkitekturang neovernacular sa Pilipinas.[1][2] Ang kanyang mga ambag sa pag-unlad ng arkitektura ng Pilipinas ay humantong sa pagkilala sa kanya bilang isang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Arkitektura noong 2018.[3][4]

Bukod sa pagkilala sa kanya bilang arkitekto ng Coconut Palace sa Maynila,[5] kabilang rin sa kanyang mga kilalang gawa ang Dambana ng EDSA sa Lungsod Quezon, ang Parokya ng Maria Imakulada (Nature's Church o Simbahang Kalikasan) sa Las Piñas, ang Davao Pearl Farm, at ang Amanpulo Resort sa Palawan.[6]

Inialay ni Mañosa ang kanyang buhay sa paglikha ng pagkakakilanlang Pilipino sa larangan ng arkitektura, pagtataguyod ng mga design philosophy na bumabalik sa bahay kubo at sa bahay na bato, at iba pang tradisyunal na istrukturang katutubo.[7] Nakilala si Mañosa sa paghahalo ng mga tradisyunal na anyo at katutubong materyales sa modernong teknolohiya upang makalikha ng mga istruktura na sa tingin niya ay angkop sa tropikal na klima ng Pilipinas.[6][8][9]

Talambuhay[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kapanganakan at edukasyon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Mañosa sa Maynila noong Pebrero 12, 1931. Lumaki sa isang magiliw na kapitbahayan si Mañosa sa kalye ng Azcarraga (na kalaunan ay pinalitan ng pangalan bilang Abenida Recto ).[10] Ang kaniyang mga magulang ay sina María Tronqued, isa sa mga unang artista ng Pelikulang Pilipino, at Manuel Mañosa Sr., isang sanitary engineer na nakapagtapos sa Pamantasang Harvard na direktor ng Sistema ng Patubig at Alkantarilya sa Kalungsuran-Tanggapang Pangkorporasyon mula 1947 hanggang 1955.[10]

Tinaguriang "Bobby" sa istilong hango mula sa mga Amerikano, tumutugtog si Mañosa ng jazz piano at noong una ay nagnanais siya na magkaroon ng karera sa musika, ngunit nag-aral ng arkitektura sa Unibersidad ng Santo Tomas sa pagpilit ng kanyang ama.[10]

Karera[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Mañosa, na ginagawaran ng dating pangulong si Rodrigo Duterte noong 2018.

Kilala si Mañosa sa kanyang adbokasiya na isulong ang arkitekturang neovernacular ng Pilipinas. Kasama sa kanyang design aesthetic ang mga Pilipinong design motif at mga lokal na materyales tulad ng niyog at mga lokal na hardwood.[3]

Inspirasyon mula sa Hapon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gumugol ng isang taon sa Hapon si Mañosa kaagad pagkatapos ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo na iginiit sa kanya ng kanyang ama. Pinili ni Mañosa na pumunta sa bansang Hapon, na siyang naging inspirasyon din ng arkitektong si Frank Lloyd Wright.[1] Siya ay nabighani sa paraan na ang arkitektura ng Hapon ay sumasalamin sa kabuuan ng disenyo na iginuhit mula sa kultura ng Hapon, hindi alintana kung gaano kahusay ang gusali, o kung ito ay tradisyonal o moderno. Kinuwento ng kanyang asawang si Denise, na pinakasalan niya sa panahong ito, na ang karanasang ito ay nagbigay inspirasyon kay Mañosa na ipagpatuloy ang isang design aesthetic na sumasalamin sa kulturang Pilipino.[11]

Karera sa Pilipinas[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkauwi ni Mañosa galing sa Hapon, kaagad siyang nagtrabaho para sa kompanya ng kanilang pamilya na Mañosa Brothers, kasama ang kanyang mga kapatid na sina Manuel Jr. at José, na itinatag noong 1954.[12] Giniit niya na kumukuha lamang siya ng mga proyektong Filipino ang disenyo, kaysa sa Modernist o International style na mga gusali na uso noon.[11] Bumuo si Mañosa ng modernong esitlo na ang pamantayan ay ang tradisyunal na bahay kubo. Gumamit siya ng mga katutubo at lokal na mga materyales at nag-eksperimento sa mga makabagong teknolohiya upang magamit ang mga ito sa modernong konteksto. Ilan sa mga gusaling kanilang idinisenyo ng magkasama ay ang Sulô Restaurant at ang Colegio de San Agustin sa Makati.[12]

Inilalarawan ni Gerard Lico, isang historyador ng arkitektura ng Pilipinas, ang istilo ni Mañosa, na nagsasabing:[1]

"His approach to traditional design is based on the ability of the architect to identify the essential building elements and to translate them into a contemporary image. His architecture is not a mere mechanical mimicry of vernacular architecture, which many would think to be locked in time. He initiated a contemporary mode that uses and revitalizes the knowledge from previous generations, recovering age-old constructive methods and finishing materials, emphasizing their optical and thermal qualities.”

The Parish Church of St. Joseph[baguhin | baguhin ang wikitext]

Punong-tanggapan ng San Miguel Corporation sa Ortigas, Mandaluyong

Mula noong 1971 hanggang 1975, ibinalik sa dating kalagayan nina Mañosa at Ludwig Alvarez ang Saint Joseph Parish Church sa Las Piñas, na siyang tahanan ng Bamboo Organ, at ang mga kalapit nitong mga gusali, sa ilalim ng administrasyon ni Fr. Mark Lesage, CICM, upang ibalik ito sa itsura ng simbahan noong ika-19 na siglo, at para ipuwesto ang pangunahing altar na nakaharap sa masa, ayon sa hinihingi ng mga bagong patnubay ng Simbahang Ekumenikal.

San Miguel Corporation Headquarters Building[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsimula ang tagumpay ni Mañosa bilang arkitekto habang siya ay nagtatrabaho pa sa Mañosa Brothers nang kinuha ang kompanya upang idisenyo ang bagong punong-tanggapan ng San Miguel Corporation sa Mandaluyong.[1] Dinisenyo ng magkakapatid ang isang gusali na siyang pinukaw mula sa Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe.[13]

Ang Coconut Palace[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa paggiit nitong kumuha lang ng mga proyektong may pagkakakilanlang Pilipino, nagdesisyon si Mañosa na humiwalay na sa Mañosa Brothers at itinayo ang kanyang sariling kompanya na Francisco Mañosa & Partners noong 1976.[12] Dahil binuo niya ang kanyang pangalan sa pagtayo ng punong-tanggapan ng San Miguel Corporation sa Mandaluyong, siya ay kinuha ng noo'y Unang Ginang na si Imelda Marcos na itayo ang Tahanang Pilipino o kilala bilang Coconut Palace, sa loob ng Cultural Center of the Philippines Complex.[5]

Naging kontrobersyal ang proyektong ito dahil binayaran ang mariwasang disenyo nito gamit ang pondo ng pamahalaan, at kalaunan ay ginamit bilang isang halimbawa ng kalabisan ng Edifice Complex ng administrasyong Marcos.[14] Nakumpleto ang palasyo noong 1978, tatlong taon bago dumating sa Pilipinas si Papa Juan Pablo II para sa beatipikasyon ni San Lorenzo Ruiz. Inimbitahan ni Imelda Marcos ang Santo Papa upang manuluyan sa palasyo ang Papa, ngunit tinaggihan nito ang alok ng Unang Ginang dahil masyado itong mariwasa bigay ng antas ng kahirapan sa Pilipinas.[15] Kalaunan ay naging guest house ang palasyo para sa mga kilalang personalidad na panauhin ng mga Marcos, hanggang sa sila ay pinatalsik at ipinatapon ng mg sibilyan sa Rebolusyong EDSA ng 1986. Bagaman ang kontrobersya at ang kaugnay na hindi paggamit ng gusali mula noong itayo ito, ang Coconut Palace ay kinilala bilang isa sa mga pinakakilalang halimbawa ng arktiekturang neovernacular ng Pilipinas.

EDSA Shrine

Ang Dambana ng EDSA[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matapos maipatapon ang mga Marcos noong 1986, naisip ni Jaime Kardinal Sin ng Archdiocese of Manila ng isang dambana na ipagdiriwang ang People Power Revolution na nagpatalsik sa kanila.[16][17] Ang apela ni Kardinal Sin para sa mga tao na maghimagsik sa mga lansangan ay may mahalagang papel sa pagtiyak na ang pag-aalsa ay nagtagumpay nang hindi nangangailangan ng pagdanak ng dugo, at ang malaking Katolikong mayorya ng Pilipinas ay nagpakilala sa tagumpay nito bilang isang "himala."[17] Dahil dito, nilapitan ni Kardinal Sin si Mañosa tungkol sa pagdidisenyo ng isang dambana bilang paggunita sa kaganapan.[16]

Unang iminungkahi ni Mañosa ang isang ganap na kakaibang disenyo para sa dambana, sa ibabaw ng lupa, at batay sa bahay kubo. Gayunpaman, ang disenyong ito ay hindi naaprubahan nang pinilt ng "isang maimpluwensyang miyembro ng komite" na ihango sa disenyong Espanyol na disenyo ang dambana. Umalis si Mañosa sa proyekto, na nananatiling tapat sa kanyang "I design Filipino, nothing else policy".[16] Kinalaunan ay sinipi siya ng kanyang asawa sa komite:

"A Spanish colonial church commemorating a Philippine revolution on Philippine soil? Never![....] I believe I am not your architect. I cannot do that to our country or to our people…”

Hiniling ni Cardinal Sin kay Mañosa na muling pag-isipan, kaya bumalik si Mañosa at binuo ang baong disenyong "People’s Plaza" na gagamitin para sa aktwal na proyekto.[16] Nakumpleto ang dambana noong 1989.

Personal na pamumuhay[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong dekada 2010s, isang retirado ngunit pinalamutian na arkitekto na si Mañosa. Ang kanyang tatlong anak ay pawang nagtatrabaho sa kumpanya ng kanilang pamilya na Mañosa & Company. Si Isabel, ang panganay at nag-iisang anak na babae, ang pinuno ng interior design department, gayundin ang direktor ng Tukod Foundation, isang foundation ng Mañosa Group na nagtataguyod sa pagsulong ng disenyong Pilipino, sining at estetika. Si Francisco Jr. ay gumaganap bilang CEO ng buong Mañosa Group, at siya ang tagapagtatag at CEO ng Mañosa Properties. Ang bunsong anak ni Francisco na si Angelo, ang nagtataglay ng pamanang arkitektural ng kanyang ama bilang CEO ng Mañosa & Company.

Habang hindi gumagawa ng kanyang mga proyekto para sa kanilang kumpanya, naging bahagi rin si Mañosa ng jazz band na The Executives na kanyang tinatag.[18]

Noong 2012, nahulog si Mañosa at nabasag ang dalawang gulugod na kailangang pagsamahin upang gumaling. Kailangan din niya ng heart bypass surgery para maayos ang nakamamatay na ventricular blockage.[19]

Pagkamatay[baguhin | baguhin ang wikitext]

Namatay si Mañosa noong 20 Pebrero 2019, dahil sa kanser sa prostata.[20][21] Siya ay 88. Nakatanggap ng full state honors ang mga labi ni Mañosa nang ihimlay sa Libingan ng mga Bayani.[22]

Mga gawa[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga simbahan[baguhin | baguhin ang wikitext]

  • St. Joseph Church (Las Pinas)
  • World Youth Day Papal Altar[20]
  • Mary, Mother of God Parish (Muntinlupa)

Residensiyal[baguhin | baguhin ang wikitext]

  • Mañosa Residence (Ayala Alabang)
  • Arnaiz Residence
  • Cahaya "The Sanctuary"
  • Diego Cerra Homes
  • Floirendo Residence
  • Hoffmann Residence
  • Hofileña Residence
  • Pabahay - Bayanihan
  • Pabahay -PNP
  • Valenciano Residence
  • The Astley Residence - Timberland Heights

Komersiyal[baguhin | baguhin ang wikitext]

  • Eagle Ridge Building
  • JMT Corporate Center
  • The New Medical City (itinayo noongg 2002)
  • Nielson Towers (Makati)
  • Saztec Building
  • Sulo Restaurant

Institusiyonal[baguhin | baguhin ang wikitext]

  • Aquino Center
  • Ateneo Education Building
  • Ateneo Professional Schools
  • Bamboo Mansion
  • Centro Escolar University
  • Coconut Palace
  • Corregidor Island War Memorial
  • Environmental Research Center
  • Elsie Gatches Village
  • Lanao del Norte Provincial Capitol
  • Learning Child
  • Philippine Friendship Pavilion
  • St. Andrew's School (Parañaque)

Iba pa[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Caruncho, Eric (15 Pebrero 2017). "Mañosa at National Museum: The Filipino artist who should have been National Artist". Philippine Daily Inquirer (sa Ingles). Nakuha noong 24 Oktubre 2018.
  2. Caruncho, Eric S. (29 March 2018). "Bobby Mañosa: The autumn of the architect". The Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 23 October 2018.
  3. 3.0 3.1 Zulueta, Lito B. (24 October 2018). "7 new national artists to be proclaimed Wednesday". The Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 24 October 2018.
  4. Placido, Dharel. "Palace names new national artists". ABS-CBN News. Nakuha noong 24 October 2018.
  5. 5.0 5.1 Lico, Gerard (2003). Edifice Complex: Power, Myth, and Marcos State Architecture. Ateneo University Press. ISBN 9789715504355.
  6. 6.0 6.1 Caruncho, Eric S. (29 March 2018). "Bobby Mañosa: The autumn of the architect". The Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 23 October 2018.
  7. Dayao, Dodo (21 Pebrero 2019). "A Tribute: National Artist For Architecture Francisco "Bobby" Mañosa Has Died At 88". Metro (sa Ingles). Nakuha noong 25 Abril 2023.
  8. Sorilla IV, Franz (21 Pebrero 2019). "Remembering National Artist for Architecture Francisco Mañosa". Tatler Asia (sa Ingles). Nakuha noong 9 Marso 2023.
  9. Carucho, Eric (20 Pebrero 2019). "Francisco "Bobby" Mañosa, tireless champion of modern Filipino architecture". Philippine Daily Inquirer (sa Ingles). Nakuha noong 9 Marso 2023.
  10. 10.0 10.1 10.2 Caruncho, Eric S. (15 February 2017). "Mañosa at National Museum: The Filipino artist who should have been National Artist". Nakuha noong 24 October 2018.
  11. 11.0 11.1 Jaucian, Don (21 Hunyo 2017). "One man's quest to define 'Filipino architecture'". CNN Philippines (sa Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 5 Setyembre 2023. Nakuha noong 5 Setyembre 2023.
  12. 12.0 12.1 12.2 de la Cruz, Gabrielle (12 Pebrero 2024). "Faithfully Filipino: Revisiting the Life and Works of Francisco Mañosa". Kanto (sa Ingles). Nakuha noong 24 Abril 2024.
  13. Alcazaren, Paulo (12 Marso 2021). "Landmark for a better world". Philstar Life (sa Ingles). Nakuha noong 8 Abril 2024.
  14. "A Peek Inside the Coconut Palace, A Reminder of Imelda Marcos' Edifice Complex". Esquire Philippines (sa Ingles). 22 Abril 2020. Nakuha noong 24 Abril 2024.
  15. Afinidad-Bernardo, Deni Rose M. "Edifice complex | 31 years of amnesia". Philippine Star (sa Ingles). Nakuha noong 24 Abril 2024.
  16. 16.0 16.1 16.2 16.3 Mañosa, Denise S. (25 Pebrero 2017). "5 things you didn't know about the Edsa Shrine". Philippine Daily Inquirer (sa Ingles). Nakuha noong 24 Abril 2024.
  17. 17.0 17.1 Claudio, Lisandro E. (2013). Taming people's power : the EDSA revolutions and their contradictions. Quezon City: Ateneo University Press. ISBN 9789715506557. OCLC 864093220.
  18. Alcazaren, Paulo (18 Marso 2017). "Mañosa: A Man for all seasons". Philippine Star (sa Ingles). Nakuha noong 24 Abril 2024.
  19. Caruncho, Eric S. (28 Marso 2015). "Bobby Mañosa: The autumn of the architect". Philippine Daily Inquirer (sa Ingles). Nakuha noong 24 Abril 2024.
  20. 20.0 20.1 Ramos, Gerard (20 Pebrero 2019). "National Artist Bobby Mañosa, 88". BusinessMirror (sa Ingles). Nakuha noong 24 Abril 2024.
  21. "National Artist for Architecture Bobby Mañosa has died". ABS-CBN News (sa Ingles). 20 Pebrero 2019. Nakuha noong 24 Abril 2024.
  22. Estopace, E. (24 Pebrero 2019). "Bobby Mañosa laid to rest with state honors". Philippine Daily Inquirer (sa Ingles). Nakuha noong 24 Abril 2024.
  23. "5 Famous Designs Of Architect Francisco Manosa". Real Living (sa Ingles). 24 Oktubre 2018. Nakuha noong 24 Abril 2024.

Panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang wikitext]