Rolando S. Tinio

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas
National Artist of the Philippines.svg
Teatro at Panitikan
1997
Rolando S. Tinio
Rolando S. Tinio.JPG
Tunay/Buong pangalan Rolando Santos Tinio
Kapanganakan 5 Marso 1937
Gagalangin, Tundo, Maynila
Kamatayan 7 Hulyo 1997
Lungsod ng Quezon
Kabansaan Pilipino
Larangan Dulaan at panunulat
Pinag-aralan/Kasanayan Pamantasan ng Santo Tomas, Pamantasang Estado ng Iowa, Pamantasang Bristol

Si Rolando Santos Tinio ay isang Pilipinong makata, dramatista, tagasalin, direktor, tagapuna, manunulat ng sanaysay at guro.[1][2][3][4]

Talambuhay[baguhin]

Isinilang si Tinio sa Gagalangin, Tundo, Maynila noong 5 Marso 1937 nguni't may pinag-ugat mula sa Nueva Ecija, kung saan nagmula ang kanyang mga magulang na sina Dominador Tinio at Marciana Santos. Noong bata pa lamang siya, nagkahilig si Tinio sa pagsasaayos at direksiyon sa mga kalaro para sa mga pagdiriwang nakakasuotan. Siya ay isang masigasig sa paglalahok sa mga industriya ng mga pelikulang Pilipino at nawiwili sa pagtatrabaho sa mga sikat na artistang Pilipino kung saan hinangaan siya noong nasa kabataan niya. Siya ay naging aktor ng pelikula at manunulat ng dulang pampelikula. Palagi siyang inilarawan bilang madasalin, tahimik at may pambihirang talino.

Nagtapos ng mababang paaralan sa Mababang Paaralan ng Lakandula sa Tundo noong 1948, at mataas na paaralan sa Mataas na Paaralang Letran noong 1951. Nakamit niya ang Batsilyer ng Pilosopiya na nakamit niya ang dangal na magna cum laude sa edad ng 18 sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1955 at Pantas ng Pinong Sining sa Malikhaing Pagsusulat sa Pamantasang Estado ng Iowa noong 1958. Nagtapos din ng maikling kurso sa sining pandulaan sa pamamagitan ng iskolarsyip na ipinagkaloob ng Sangguniang Britaniya sa Pamantasang Bristol noong 1968. Nagturo siya ng Inggles, Filipino, at kursong sining pandulaan sa Pamantasang Ateneo de Manila, 1958–1975, kung saan namuno siya ng Kagawaran ng Inggles, at sumunod ang Kagawaran ng Filipino.

Sa Iowa, nakilala si Tinio bilang magaling na manunulat na gumamit ng Inggles bilang midyum ng Pilipinong manunulat. Sumulat siya ng kanyang koleksiyong pangmakata: Poot at Ritwal (Rage and Ritual) kung saan nanalo ng gawad mula sa Pamantasan ng Pilipinas. Inilarawan ni Bienvenido Lumbera ang nalikom na ito bilang mabikas at may tunay na walang-kamatayang hagkis kung nakuha mula sa Europeong mapamunang pagsusuring pampanitikan. Sa oras na ito, naniwala si Tinio na ang Inggles ay makakalagis ng mga tikha na ninais niyang magbatid para sa kanyang mga likha. Sa pagkakataon, sa isang panayam, naghatid ng isang manunulat ang kanyang paniniwala sa halaga ng wikang Tagalog sa Malikhaing Pagsusulat. Sa tugon nito, naglathala si Tinio ng isang lathalain sa pahayagang pang-iskolar na Araling Pilipino, kung saan ang mga nagtataglay na bahagi ng mga tulang Inggles na isinalin sa Tagalog. Ang layunin ng lathalain ay mapatunayan ang kakulangan ng Tagalog bilang midyum ng manunulat ayon kay Lumbera.[5]

Sa kalagitnaan ng dekada 60, bagama't, nagpasiya si Tinio na magsulat sa wikang Tagalog at ang produkto ng pagsubok na ito ay ang mga koleksiyon ng mga tula na kasalukuyang tinatawag na Bagay. Si Rolando Tinio ay ang natatanging imbentor ng "Taglish" sa panulaang Pilipino. Sa pamamagitan nito, binigay niya ang tunay na hagkis sa tula ng likas na Pilipinong nasa kalagitnaang antas ng lipunan. Noong 1972, sumulat si Tinio ng isa pang koleksiyong panulaan: Sitsit sa Kuliglig at dito ipinakita ang mahusay na pagkakaiba ng kanyang luma at bagong adbokasiya. Kung sa Poot at Ritwal (Rage and Ritual), mga paglalarawan ng sining at ang artista na di-gaanong may ugnayan sa pamamaraan ng pamumuhay ng Pilipino, ang Sitsit sa Kuliglig ay malinaw na naglalarawan ang mga pang-araw-araw karanasan ng lumaki sa Tondo na nakatira sa kasalukyan sa kataasan ng Loyola. Langit at lupa; ang awang sa pagitan ng mga likha ni Tinio sa Inggles at mga nasa sa Tagalog.[5]

Siya ay ikinasal kay Ella Luansing, isa ring aktor at direktor, at may dalawang supling na isa sa kanila ay aktor na si Victoria.

Pamamahala sa dulaan[baguhin]

Dulaang Pang-eksperimento ng Ateneo[baguhin]

Si Tinio ay isa ring aktor, direktor, at tagapagdisenyo ng entablado at kasuotan. Hinawakan niya ang mga tungkuling ito sa kapanahunan ng kanyang pagtahan sa Dulaang Pang-eksperimento ng Ateneo. Siya ay pumipili ng mga dula, nagdidisenyo ng entablado, namamahala, naglilikha ng mga kasuotan at nagpapasiya ng mga lapat pangmusika at iba pang mga tunog. Ang mga pagtatanghal ng Dulaang Pang-eksperimento ng Ateneo ay kanyang ganap na pananaw. Sa kanyang pagtatanghal ng Oedipus Rex, hinalili niya ang mga kasuotang Griyego na may mga makabagong rendisyong gawa sa tubong metal na inakalang ipahayag ang kaisipan ng malaindustriyang ika-20 siglo.[5]

Ang kanyang likha sa Dulaang Pang-eksperimento ng Ateneo ay ipinahiwatig ang konsepto ng aktor sa pagiging isa sa mga antutay ng direktor sa paghuhubog ng entablado; ipinahiwatig ang kanyang pananaw sa pamamagitan ng aspekto ng pagtatanghal. Ang pagtatanghal ay ginanap sa silid-aralan sa halip na awditoryum at ginawa ni Tinio ang mga aktor na makisalamuha nang malaya kapiling ang mga manonood. Walang tunay na "kahulugan" sa kilos at wala ring pihadong hangganan ng kuwento. Ang "kahulugan" ay nakatago sa mga tikis na kilos ng mga aktor at di-inaasahang tugon ng mga manonood.[5]

Teatro Pilipino[baguhin]

Mula't sapul, lalo na para sa Teatro Pilipino kung saan itinatag niya at namahala sa direksiyon mula 1975 hanggang 1992, nakapagsalin siya ang mga pangunahing dula nina Euripedes, William Shakespeare, Anton Chekhov, Albert Camus, Oscar Wilde, Eugene lonesco, at marami pang iba.

Nagpakita rin siya bilang aktor sa mga dula, gumaganap bilang Caligula sa Caligula noong 1988; ang baron sa Ang Ginang sa Hostel, 1984; Leonidik sa Kawawang Marat ni Arbusov noong 1986.

Siya rin ang nagdisenyo ng entablado at mga kasuotan ng ibang mga pagtatanghal ng Teatro Pilipino, lalo na ang Paghihintay Kay Godo.

Noong Pebrero 1992, nagpasiyang isara ang dulaang ito sa pamamagitan ng pagtatanghal ng pamamaalam na Ikalabindalawang Gabi ni William Shakespeare pagkatapos ng kamatayan ni Ella Luansing.[6]

Mga likha[baguhin]

Mga lipumpon ng tula[baguhin]

  • Sitsit sa Kulilig (Whistling at Cicadas) (1972)
  • Dunung-dunungan (Pedantry) (1975)
  • Kristal na Uniberso (Crystal Universe) (1989)
  • Lansi ng Salamin (Trick of Mirrors) (1993)

Mga isinalin na dula[baguhin]

Mga nilikha at pinamahalang dula[baguhin]

Mga isinalin na awit[baguhin]

Ang mga awit na isinalin ni Tinio ay inilapat ng musika ni Willy Cruz at inawit ni Celeste Legaspi, at pinalabas sa Munting Tanghalan ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Tanghalang Aurelio Tolentino) noong huling dekada 70.

  • Ako'y Bakyang-Bakya (The Lady is a Tramp)
  • Mga Liwasan ni MacArthur (MacArthur's Park)
  • Giliw Ko (Loving You)
  • Langit Ko, Ulap Mo (Summer Me, Winter Me)

Mga nilikhang awit[baguhin]

Mga sanaysay[baguhin]

  • Isang Paham ng Wika, Nang Bumigo ang Inggles (A Master of Language, Where English Fails) (1977)

Mga lathalain sa pahayagan[baguhin]

Dulang pampelikula[baguhin]

  • Magandang Umaga, Sikat ng Araw (Good Morning, Sunshine) (1980)
  • Gamitin Mo Ako (1985)
  • Hanggang sa Magkita tayo (Till We Meet Again) (1985)
  • Milagros, sa direksiyon ni Marilou Diaz-Abaya (1997)
  • Bayad-Puri, sa direksiyon ni Joel Lamangan (1997)

Mga isinalin na dulang pantelebisyon[baguhin]

Dulang pantelebisyon[baguhin]

Ipinalabas ang mga ito sa GMA Telesine ng GMA 7 noong 1993.

  • Camilia, Ang Lalaki sa Pisngi ng Buwan
  • Sumpang Pag-ibig
  • Ang Kuwento ni A.

Libreto[baguhin]

Pagpapalabas sa pelikula at telebisyon[baguhin]

  • Karnal, gumanap bilang Mang Bino (1983)
  • A Dangerous Life, gumanap bilang Jaime Kardinal Sin (1988)
  • Demonstone (1989)
  • Noli Me Tangere (produksiyong pantelebisyon ng CCP), gumanap bilang Pilosopong Tasyo (1993)
  • Manila Girl: Ikaw ang Aking Panaginip (1995)
  • Muling Umawit ang Puso (1995)
  • Ang Kuwento ni Flor Contemplacion (The Flor Contemplacion Story) (1995)
  • Bakit May Kahapon Pa? (1996)
  • Ang Kuwento ni Sarah Balabagan (The Sarah Balabagan Story) (1997)
  • Milagros (1997)
  • Mananayaw (1997)
  • Kadre (1997)
  • Sa Pusod ng Dagat, sa direksiyon ni Marilou Diaz-Abaya (1997)

Kamatayan[baguhin]

Sumulat siya ng libreto ng Ang Larawan na siya rin ang direktor noong 1997, isang dulang pangmusika na hinang mula sa A Portrait of the Artists as Filipino ni Nick Joaquin. Sampung araw bago ang unang pagtatanghal nito sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, siya nalagutan ng hininga nang dahil sa atake sa puso sa taon ng 60.

Mga napanalunan sa Gawad Palanca[baguhin]

Ang mga napanalunan ni Tinio sa Gawad Carlos Palanca:

Dibisyong Filipino[baguhin]

  • May Katwiran ang Katwiran, ikalawang gantimpala, kategoryang dulaang may isang yugto (1972)
  • Sitsit sa Kuliglig, tanging gantimpala, kategoryang tula (1972)
  • Tula, tanging gantimpala, kategoryang tula (1975)
  • Himutok at Iba Pa, unang gantimpala, kategoryang tula (1989)
  • Ang Kuwento ni A., unang gantimpala, kategoryang dulang pantelebisyon (1993)
  • Kulay Luha ang Pag-ibig, unang gantimpala, kategoryang dulang pampelikula (1994)
  • Kalapati, ikalawang gantimpala, kategoryang dulang pampelikula (1995)

Dibisyong Inggles[baguhin]

  • Abril na, Ano'ng Ginagawa Natin Dito? (It's April What Are We Doing Here?), unang gantimpala, kategoryang dulaang may isang yugto (1964)
  • Ang mga Kahon (The Boxes), ikatlong gantimpala, kategoryang dulaang may isang yugto (1972)
  • Lansi ng Salamin (Trick of Mirrors), ikalawang gantimpala, kategoryang tula (1973)
  • Ang Buhay sa Pook ng mga Iskwater (A Life in the Slums), unang gantimpala, kategoryang dulaang may isang yugto (1975)
  • Si Claudia at ang Kanyang Ina (Claudia and Her Mother), unang gantimpala, kategoryang dulaang may isang yugto (1984)

Mga parangal[baguhin]

Tingnan din[baguhin]

Sanggunian[baguhin]

  1. Lathalain ng Asiaweek tungkol kay Rolando Santos Tinio ni Ricardo Saludo,We Hardly Knew You
  2. Rolando S. Tinio Asiaweek Obituary
  3. "Teatro ng Pilipinas", Nicanor G. Tiongson (ed.), Ensiklopedyang CCP ng Sining ng Pilipinas, Tomo VII, 1994
  4. Rolando Tinio, Aktor, Punong Pahina ng mga Sine, New York Times, NYTimes.com, 1989 at 1998, nakuha noong: 17 Hunyo 2007
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 B. Lumbera, Pagpapakilala sa May Katwiran Ang Katwiran, Palimbagan ng Pamantasan ng Pilipinas, Lungsod Quezon
  6. M. L. Maniquis, Ensiklopedyang CCP, Tomo VII-Teatro, pahinang 410

Mga panlabas na kawing[baguhin]