Kabo Berde

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Republika ng Kabo Berde
República de Cabo Verde
Pambansang Awit: Cântico da Liberdade (Portuges)
"Awit ng Kalayaan"

Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Praia
14°55′N 23°31′W / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Opisyal na wika Portuges (opisyal)
at siyam na mga wikang Crioulo ng Kabo Berde
Pamahalaan Republika
 -  Pangulo Pedro Pires
 -  Punong Ministro José Maria Neves
Kalayaan mula Portugal 
 -  Kinilala Hulyo 5, 1975 
Lawak
 -  Kabuuan 4,033 km2 (ika-172)
1,557 sq mi 
 -  Katubigan (%) -
Populasyon
 -  Pagtataya ng Hulyo 2006 420,979 (ika-165)
 -  Senso ng 2005 507,000 
 -  Kakapalan 126/km2 (ika-79)
326/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2005
 -  Kabuuan $3.055 bilyon (ika-158)
 -  Per capita $6,418 (ika-92)
TKT (2004) Increase 0.722 (medium) (ika-106)
Salipi eskudo ng Kabo Berde (CVE)
Pook ng oras Oras ng Kabo Berde (CVT) (UTC-1)
 -  Tag-araw (DST) wala (UTC-1)
Internet TLD .cv
Kodigong pantawag 238

Ang Republika ng Kabo Berde o Kabo Berde (internasyunal: Republic of Cape Verde, Portuges: Cabo Verde) ay isang republika na matatagpuan sa kapuluan ng ekorehiyon ng Makronesya ng Hilagang Dagat Atlantiko, sa labas ng kanlurang pampang ng Aprika. Natuklasan at ginawang kolonya ang dating walang-nakatirang mga pulo ng mga Portuges noong ika-15 daang taon; naging sentro ito ng kalakalan ng mga aliping Aprikano sa kalaunan.

Pagpapangalan[baguhin]

Ang pangalang Kabo Berde ay nagmula sa Cap Vert (wikang Pranses na nangangahulugang "Lunting Kapa") sa Senegal, ang pinakakanluraning pook sa kontinente ng Aprika.

Kasaysayan[baguhin]


Walang naninirahan sa Kabo Berde nang magsidating ang mga Portuges noong 1460 at gawing bahagi ng imperyong Portuges ang mga kapuluan. Dahil sa lokasyon nito sa may dalampasigan ng Aprika ang Kabo Berde ay naging isang mahalagang tubigang himpilan, na noon ay isang lugar na taniman ng mga tubo, at naging pangunahing pinagkukunan ng mga alipin para sa kalakalang transatlantiko, na nang kalaunan ay humubog ng Diyasporang Aprikano, o sapilitang pagkalat ng bilang ng mga Aprikano sa ibang mga lupain.

Noong 1975, nakamit ng Kabo Berde ang kasarinlan mula sa Portugal matapos ang isang mahabang pakikibakang sandatahan sa mga kagubatan ng Guinea-Bissau. Ang Partidong Aprikano para sa Kasarinlan ng Guinea-Bissau at Kabo Berde (PAIGC) ay ang nagiisang kinatawan na nagdulot ng kalayaan para sa Kabo Berde. Bilang karagdagan, may ginanapan ding papel ang rebolusyanoryang popular ng armadong hukbo ng Kuba sa pagsasarili ng Kabo Berde. Pagkatapos ng kasarinlan, sinubok ng PAIGC na pag-isahin ang Kabo Berde at Guinea-Bissau para maging isang bansa, na hinahawakan ng PAIGC ang dalawang pamahalaan, ngunit naunsiyami ang plano dahil sa pag-aalsa (kudeta) ng Guinea-Bissau noong 1980. Bilang resulta, ang titik na G - na panandang titik para sa Guinea-Bissau, ay tinanggal mula sa daglat na PAIGC. Mula sa paglaglag na ito, nabuo ang PAICV o Partidong Aprikano para sa Kasarinlan ng Kabo Berde. Sa Kabo Berde, namuno ang PAICV hanggang sa ganapin ang halalang makademokrasya ng 1991, na nagdulot ng pagpapalit ng pamahalaan. Nagwagi sa eleksiyong ito ang Mobimyento para sa Demokrasya (MPD, Mga Galaw para sa Demokrasya). Muling nahalal ang MPD noong 1996. Muling nagbalik sa kapangyarihan ang PAICV noong 2001, at muling nanalo noong 2006.