Komisyon ng Halalan (Pilipinas)

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Komisyon ng Halalan
Commission on Elections
Ang sagisag ng Komisyon ng Halalan
Ang sagisag ng Komisyon ng Halalan
Kabatiran ng ahensiya
Pagkabuo Abril 11, 1940
Hurisdiksyon Pamahalaan ng Pilipinas
Mga himpilan Intramuros, Maynila, Pilipinas
Tagapagpaganap ng ahensya Sixto Brillantes, Jr., Tagapangulo
Pinagmulan na ahensya Komisyong konstitusyonal
Websayt
www.comelec.gov.ph
Pilipinas
Coat of Arms of the Philippines.svg

Ang lathalaing ito ay bahagi ng mga serye:
Pulitika at pamahalaan ng
Pilipinas



Mga iba pang bansa · Atlas
 Portal ng Pamahalaan ng Pilipinas
tingnan · pag-usapan · baguhin

Ang Komisyon ng Halalan (COMELEC) (Inggles: Commission on Elections) ay isa sa mga pinagpipitaganang mga Komisyong Konstitusyon sa Pilipinas.[1] Ang COMELEC ang naatasang magpatupad ng mga batas panghalalan at magsagawa ng malinis, maayos, tahimik at malayang halalan.

Mga nilalaman

[baguhin] Kabuuan

Ang Komisyon ay binubuo ng isang Tagapangulo at anim na mga Komisyonado. Ang mga kwalipikasyon ay ang mga sumusunod:

  1. Katutubong inianak na mamamayan ng Pilipinas;
  2. Tatlumpu't limang taong gulang sa panahon ng pagkakahirang sa kanila;
  3. Naghahawak ng titulo sa kolehiyo; at
  4. Hindi kailanman naging kandidato sa anumang katungkulang halal sa halalang kagyat na sinundan

Ang mayorya, kasama na ang Tagapangulo, ay dapat na mga kabilang sa Philippine Bar na nagpraktis bilang abugado sa loob ng sampung taon man lamang.[2]

Ang Tagapangulo at mga Komisyonado ay dapat hinihirang ng Pangulo sa pagsang-ayon ng Komisyon sa Paghihirang sa isang pitong taong taning ng panunungkulan na hindi muling mahihirang. Sa mga naunang nahirang, tatlong (3) kagawad ang manunungkulan sa loob ng pitong taon, dalawang kagawad sa limang taon at mga nalalabing kagawad sa tatlong taon na hindi na muling mahihirang. Ang paghirang ukol sa ano mang bakante ay dapat lamang na sa di-natapos na bahagi ng taning na panahon ng panunungkulan ng hahalinhan. Hindi dapat hirangin o italaga ang sinumang kagawad sa katayuang pansamantala.[3]

[baguhin] Kapangyarihan ng Komisyon sa Halalan

Nasa ika-5, 7 at 8 palapag ng Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila ang punong tanggapan ng Komisyon sa Halalan.

Ang Komisyon ay may kapangyarihan ng tulad ng sumusunod:[4]

  1. Magpatupad at mamahala sa pagpapatupad ng lahat mga batas at regulasyon na kaugnay ng padaraos ng halalan, plebisito, initiatibo, reperendum at recall;
  2. Gampanan ang eksklusibong orihinal na hurisdiksyon sa lahat ng mga hidwaan tungkol sa mga halalan, mga kinalabasan, at katangian ng lahat ng halal na mga pinunong pangrehiyon, panlalawigan, at panglungsod;
  3. Magpasya, magtangi doon sa mga may kinalaman sa karapatan sa pagboto, sa lahat ng mga suliranin tungkol sa mga halalan, kasama ang pagpapasya sa bilang at kinalabasan ng mga botohan , paghirang ng mga pinuno at mga inspektor ng halalan, at pagrerehisto ng mga botante;
  4. Magsugo,sa pagsang-ayon ng Pangulo, sa mga sangay at kasangkapang taga-pagpatupad ng batas ng Pamahalaan, kasama ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, ukol sa tanging layuning matiyak ang malaya, maayos, malinis, mapayapa at kapani-paniwalang halalan;
  5. Irehistro, pagkaraan ng sapat na paglalathala, ng mga partido, mga organisasyon,o mga koalisyong pampulitika na bukod sa iba pang mga katangian, ay kinakailangang magharap ng kanilang plataporma o programa ng pamahalaan, at kilalanin ang mga lingkod-bayan ng Komisyon sa Halalan;
  6. Batay sa beripikadong sumbong o sa pagkukusa nito, magharap ng mga petisyon sa hukuman ukol sa pagdarakip o pagwawaksi ng mga botante sa rehistro ng mga kwalipikadong botante, sisiyasatin at usigin ang paglabag sa mga batas sa halalan;
  7. Itagubilin sa Kongreso ang mga mabisang hakabangin upang mapaliit ang gastos sa halalan, ang pagtatakda ng lugar na paglalagyan ng mga kagamitan sa propaganda, mapigil at maparusahan ang lahat ng uri ng pandaraya, mga pagkakasala at masasamang gawain sa halalan;
  8. Itagubilin sa Pangulo ang pag-aalis sa sinumang pinuno o kawani na isinugo nito o pagpapataw ng anumang iba pang aksyong disiplinaryo, dahil sa paglabag o pagwawalang-bahala , o pagsuway sa mga tagubilin, utos , o pasya nito, at;
  9. Iharap sa Pangulo at sa Kongreso ang komprehensibong ulat tungkol sa pamalakad ng bawat halalan, plebesito, initiative, reperendum, o recall.

Ang Komisyon ay may kapangyarihang magpasya en banc o sa dalawang dibisyon. Dapat ding maglagda ng mga alituntunin ng pamamaraan nito upang mapadali ang pagpapasya sa mga kaso na may kaugnayan sa halalan kabilang ang mga hidwan bago iproklama ang nanalo.

Ang alin mang patawad, amnestiya, o suspensyon ng kaparusahan sa paglabag sa mga batas , tuntunin, at mga alituntunin ng halalan ay hindi dapat ipagkaloob ng Pangulo nang walang pagsang-ayon ng Komisyon.

[baguhin] Mga Kagawaran ng Komisyon

Ang punong tanggapan ng Komisyon sa Intramuros, Maynila ay binubuo ng siyam na kagawaran:

  1. Kagawaran ng Batas (Law Department)
  2. Eleksyon at Gawaing Pambarangay
  3. Protestang Elektoral at Adhudikasyon
  4. Kagawaran ng Edukasyon at Kabatiran (Eduacation and Information Department)
  5. Talaan ng Eleksyon at Estadistika
  6. Gawaing Administratibo
  7. Gawaing Pananalapi
  8. Pantauhan (Personnel)
  9. Pagpaplano (Planning Department)

[baguhin] Kasaysayan

Ang Komisyon ng Halalan noong 1978 ay binubuo nina [mula sa kaliwa]:Komisyonado Flores A. Bayot, Komisyonado Venancio S. Duque, Tagapangulo Leonardo B. Perez, Komisyonado Domingo C. Pabalete at Komisyonado Vicente Santiago, Jr.

Bago naitatag ang Komisyon, ang mga halalan sa Pilipinas ay pinamamahalaanan ng mga Kalihim Panloob na may malawak na kapangyarihan at karapatang pigilin o alisin sa tungkulin, sa pahintulot ng Pangulo ng Pilipinas, ang sino mang inaakalang hindi kanais-nais na opisyal sa pamahalaan. Ang hukuman ang dumidinig sa mga suliraning kaugnay sa karapatan sa pagboto at protesta ng mga kandidatong talunan. Ang Komisyong Elektoral na binubuo ng tatlong (3) Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman at anim (6) na kasapi ng Pambansang Asembleya (National Assembly) ang siyang dumirinig at humahatol sa mga protesta ng mga kaanib nito.

Subali't sumapit ang sandaling nagkaroon ng hinalang ang halalan ay ginagamit na kasangkapan ng mga Kalihim Panloob upang pagbigyan ang partido pulitikal ng Pangulo na kanila ring kinaaaniban. Ang malapit na ugnayang namamagitan sa Pangulo at Kalihim Panloob ang hinihinalang sanhi ng kalimita'y hindi malinis na halalang nagaganap. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari, ang Pambansang Asembleya ay nagpasyang susugan ang Saligang Batas (ng 1935) at bumubuo ng isang Komisyon sa Halalan na papalit sa gawain ng Kalihim Panloob. Pinagtibay ng Pambansang Asembleya sa bisa ng resolusyon Bilang 73 noong ika-11 ng Abril 1940 ang tatlong susog sa probisyon ng Saligang Batas (ng 1935) na:

  1. Payagan ang re-eleksyon ng Pangulo;
  2. Magtatag ng sistemang bikameral na lehislatura na bubuhay sa Senado; at
  3. Lumikha ng nagsasariling Komisyon sa Halalan.

Ang mga susog na ito sa Saligang Batas ay niratipikahan ng mamamayan ng magdaos ng plebisito noong ika-17 ng Hunyo 1940 na isinumite sa Pangulong Franklin Delano Roosevelt upang pagpasyahan. Sa dahilang hindi pa nagkakabisa ang mga pagbabagong nabanggit, ipinasa ng Pambansang Asembleya ang Batas Komonwelt Bilang 607 nagtatag ng isang Komisyon sa Halalan na mamamahala sa halalang idadaos sa ika-10 ng Disyembre 1940. Samantala, ang mga susog sa Saligang Batas ay ganap na nagkabisa noong ika-2 ng Disyembre 1940 matapos itong sang-ayunan ng Pangulo ng Estados Unidos.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng reorganisasyon ang Komisyon noong ika-22 ng Hunyo 1941 at sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 657, mula sa pagiging batas ay naging ganap na katauhang Konstitusyonal ang Komiyon. Itinakda ng 1935 Saligang Batas, na sinusugan, na manunungkulan ang Tagapangulo nito ay manunungkulan ng siyam (9) na taon, ang unang kagawad ay anim (6) na taon at ang pangalawang kagawad ay tatlong (3)taon. Sila ay maari lamang maalis sa kanilang tungkulin sa pamamagitan ng impeachment. Sila ay tatanggap ng sahod ma hindi maaring dagdagan o bawasan sa panahon ng panunungkulan, mamamahala at magpapatupad ng mga batas panghalalan at may kapangyarihang humatol sa mga suliraning may kinalaman sa halalan maliban sa karapatan sa pagboto na tanging mga hukuman lamang ang may kapangyarihang humatol.

[baguhin] Mga Dating Opisyal ng Komisyon

LEONARDO B. PEREZ
Tagapangulo
Mayo 29, 1973 - Mayo 17, 1980
VICENTE SANTIAGO, JR.
Tagapangulo
Mayo 17, 1980 - Mayo 17, 1985
Komisyonado
Mayo 18, 1978-Mayo 17, 1980
HAYDEE B. YORAC
Pansamantalang Tagapangulo
Dis. 7, 1989-Hun. 5, 1991
Komisyonado
Hul. 15, 1986-Peb. 11, 1993
BERNARDO P. PARDO
Tagapangulo
Peb. 17, 1995-Okt. 08, 1998.
BENJAMIN S. ABALOS, SR.
Tagapangulo
2002-Nobyembre 2007.
Taon Pangalan Tungkulin Panunungkulan
1940
Pedro Concepcion
Jose C. Abreu
Rufino Luna
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Sety. 01, 1940-Mayo 11, 1941
Sety. 01, 1940-Okt. 11, 1944
Sety. 12, 1940-Hul. 12, 1945
1941
Jose Lopez Vito
Jose C. Abreu
Rufino Luna
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Mayo 13, 1941-Mayo 07, 1947
Hul. 12, 1945-Nob. 09, 1949
Sety. 12, 1940-Hul. 12, 1945
1945
Jose Lopez Vito
Francisco Enage
Vicente de Vera
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Mayo 13, 1941-Mayo 7, 1947
Sept. 01, 1940-Okt. 11, 1944
Hul. 12, 1945-Abr. 08, 1947
1947
Vicente de Vera
Leopoldo Rovira
Rodrigo Perez, Jr.
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Abr. 09, 1947-Abr. 10, 1951
Mayo 22, 1947-Sety. 10, 1954
Dis. 08, 1949-Hun 21, 1956
1951
Domingo Imperial
Leopoldo Rovira
Rodrigo Perez, Jr.
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Ago. 14, 1951-Mar. 31, 1958
Mayo 22, 1947-Sety. 10, 1954
Dis. 08, 1949-Hun. 21, 1956
1955
Domingo Imperial
Rodrigo Perez, Jr.
Gaudencio Garcia
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Ago. 14, 1951-Mar. 31, 1958
Dis. 08, 1949-Hun. 21, 1956
Mayo 18, 1955-Mayo 11, 1960
1956
Domingo Imperial
Gaudencio Garcia
Sixto Brillantes
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Ago. 14, 1951-Mar. 31, 1958
Mayo 18, 1955-Mayo 11, 1960
Dis. 20, 1956-Hun. 20, 1965
1958
Jose P. Carag
Gaudencio Garcia
Sixto Brillantes
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Mayo 19, 1958-June 20, 1959
Mayo 18, 1955-Mayo 11, 1960
Dis. 20, 1956-Hun. 20, 1965
1958
Gaudencio Garcia
Sixto Brillantes
Genaro Visarra
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Mayo 12, 1960-Hun. 20, 1962
Dis. 20, 1956-Hun. 20, 1965
Mayo 12, 1960-Nob. 10, 1962
1958
Juan V. Borra
Sixto Brillantes
Genaro Visarra
Cesar Miraflor
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Ago. 02, 1962-Hun. 20, 1968
Dis. 20, 1956-Hun. 20, 1965
Mayo 12, 1960-Nob. 10, 1962
Nob. 11, 1962-Hun. 20, 1971
1962
Juan V. Borra
Sixto Brillantes
Genaro Visarra
Cesar Miraflor
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Ago. 02, 1962-Hun. 20, 1968
Dis. 20, 1956-Hun 20, 1965
Mayo 12, 1960-Nob. 10, 1962
Nob. 11, 1962-Hun. 20, 1971
1965
Juan V. Borra
Cesar Miraflor
Gregorio Santayana
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Ago. 02, 1962-Hun. 20, 1968
Nob. 11, 1962-Hun. 20, 1971
Hun. 26, 1965-Mayo 31, 1966
1966
Juan V. Borra
Cesar Miraflor
Francisco Ortega
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Ago. 02, 1962-Hun 20, 1968
Nob. 11, 1962-Hun. 20, 1971
Dis. 25, 1966-Mar. 20, 1967
1967
Juan V. Borra
Cesar Miraflor
Manuel Arranz
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Ago. 02, 1962-Hun. 20, 1968
Nob. 11, 1962-Hun. 20, 1971
Ago. 27, 1967-Okt. 17, 1968
1968
Manuel Arranz
Cesar Miraflor
Jaime N. Ferrer
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Okt. 18, 1968-Hun. 02, 1969
Nob. 11, 1962-Hun. 20, 1971
Mayo 23, 1969-Hun. 09, 1969
1969
Jaime N. Ferrer
Cesar Miraflor
Lino M. Patajo
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Hun. 10, 1969-Mayo 28, 1973
Nob. 11, 1962-Hun. 20, 1971
Hun. 16, 1969-Mayo 31, 1973
1971
Jaime N. Ferrer
Lino M. Patajo
Jose M. Mendoza
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Hun. 10, 1969-Mayo 28, 1973
Hun. 16, 1969-Mayo 31, 1973
Sety. 06, 1971-Mayo 17, 1976
1973
Leonardo B. Perez
Jose M. Mendoza
Venancio S. Duque
Flores A. Bayot
Venancio L. Yaneza
Casimiro R. Madarang,Jr.
Fernando R. Veloso
Liningding Pangandaman [1]
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Mayo 29, 1973-Mayo 17, 1980
Sety. 06, 1971-Mayo 17, 1976
Hun. 01, 1973-Mayo 17, 1980
Mayo 30, 1973-Mayo 17, 1980
Mayo 30, 1973-Mayo 17, 1978
Mayo 30, 1973-Mayo 17, 1978
Mayo 30, 1973-Mayo 17, 1978
Mayo 30, 1973-Nob. 15, 1973
1974
Leonardo B. Perez
Jose M. Mendoza
Venancio S. Duque
Flores A. Bayot
Venancio L. Yaneza
Casimiro R. Madarang,Jr.
Fernando R. Veloso
Hashim R. Abubakar
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Mayo 29, 1973-Mayo 17, 1980
Sety. 06, 1971-Mayo 17, 1976
Hun. 01, 1973-Mayo 17, 1980
Mayo 30, 1973-Mayo 17, 1980
Mayo 30, 1973-Mayo 17, 1978
Mayo 30, 1973-Mayo 17, 1978
Mayo 30, 1973-Mayo 17, 1976
Hul. 25, 1974-Mayo 17, 1976
1976
Leonardo B. Perez
Venancio S. Duque
Flores A. Bayot
Venancio L. Yaneza
Casimiro R. Madarang,Jr.
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Mayo 29, 1973-Mayo 17, 1980
Hun. 1, 1973-Mayo 17, 1980
Mayo 30, 1973-Mayo 17, 1980
Mayo 30, 1973-Mayo 17, 1978
Mayo 30, 1973-Mayo 17, 1978
1978
Leonardo B. Perez
Venancio S. Duque
Flores A. Bayot
Venancio L. Yaneza
Vicente M. Santiago, Jr.
Domingo C. Pabalate
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Mayo 29, 1973-Mayo 17, 1980
Hun. 01, 1973-Mayo 17, 1980
Mayo 30, 1973-Mayo 17, 1980
Mayo 18, 1978-Mayo 17, 1983
Mayo 17, 1978-Mayo 17, 1980
Mayo 17, 1980-Mayo 20, 1985
1980
Vicente M. Santiago, Jr.
Domingo C. Pabalate
Victorino A. Savellano
Jaime C. Opinion
Noli M. Sagadraca
Romeo N. Firme.
Ide C. Tillah
Luis L. Lardizabal
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Mayo 17, 1980-Mayo 17, 1985
Mayo 17, 1980-Mayo 20, 1985
Mayo 17, 1980-Abr. 1, 1986
Mayo 17, 1980-Mayo 17, 1985
Mayo 17, 1980-Mayo 17, 1983
Mayo 17, 1980-Mayo 17, 1983
Mayo 17, 1980-Mayo 17, 1983
1983
Vicente M. Santiago, Jr.
Domingo C. Pabalate
Victorino A. Savellano
Jaime C. Opinion
Noli M. Sagadraca
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Mayo 17, 1980-Mayo 17, 1985
Mayo 17, 1980-Mayo 20, 1985
Mayo 17, 1980-Mayo 20, 1985
Mayo 17, 1980-Abr. 01, 1986
Mayo 17, 1980-Mayo 17, 1985
1984
Vicente M. Santiago, Jr.
Domingo C. Pabalate
Victorino A. Savellano
Jaime C. Opinion
Noli M. Sagadraca
Froilan M. Bacungan
Ramon H. Felipe, Jr.
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Mayo 17, 1980-Mayo 17, 1985
Mayo 17, 1980-Mayo 20, 1985
Mayo 17, 1980-Mayo 20, 1985
Mayo 17, 1980-Abr. 01, 1986
Mayo 17, 1980-Mayo 17, 1985
Mar. 21, 1984-Ago. 31, 1986
Mar. 21, 1984-Abr.11,1986
1985
Victorino A. Savellano
Jaime C. Opinion
Froilan M. Bacungan
Ramon H. Felipe , Jr.
Mario D. Ortiz
Quirino A. Marquinez
Mangontawar B. Guro
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Mayo 20, 1985-Mar. 24, 1986
Mayo 17, 1980-Abr. 01, 1986
Mar. 21, 1984-Ago. 31, 1986
Mar. 21, 1984-Abr.11,1986
Hul. 30, 1985-Hul. 23, 1986
Ago. 1, 1985-Hul. 23, 1986
Hul. 30, 1985-Abr. 11, 1986
1986[2]
Victorino A. Savellano
Jaime C. Opinion
Froilan M. Bacungan
Ramon H. Felipe, Jr.
Mario D. Ortiz
Quirino A. Marquinez
Mangontawar B. Guro
Ruben Agpalo
Jaime J. Layosa
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Mayo 20, 1985-Mar. 24, 1986
Mayo 17, 1980-Abr. 1, 1986
Mar. 21, 1984-Ago. 31, 1986
Mar. 21, 1984-Abr.11,1986
Hul. 30, 1985-Hul. 23, 1986
Ago. 1, 1985-Hul. 23, 1986
Hul. 30, 1985-Abr. 11, 1986
Ene. 02, 1986-Hul. 23, 1986
Ene. 02, 1986-Hul. 23, 1986
1986[3]
Ramon H. Felipe, Jr.
Froilan M. Bacungan
Leopoldo L. Africa
Haydee B. Yorac [4]
Anacleto D. Badoy, Jr.
Andres R. Flores
Dario C. Rama
Tomas V. dela Cruz
Tagapangulo[5]
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Hul. 11, 1986-Peb. 03, 1988
Mar. 21, 1984-Ago. 31, 1986
Hul. 14, 1986-Peb. 15, 1991
Hul. 15, 1986-Peb. 11, 1993
Hul. 16, 1986-Peb. 3, 1988
Hul. 17, 1986-Peb. 15, 1991
Hul. 18, 1986-Peb. 15, 1993
Dis. 11, 1986-Sety. 13, 1987
1987
Ramon H. Felipe , Jr.
Leopoldo L. Africa
Haydee B. Yorac
Anacleto D. Badoy, Jr.
Andres R. Flores
Dario C. Rama
Tomas V. dela Cruz
Alfredo E. Abueg, Jr.
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Hul. 11, 1986-Peb. 03, 1988
Hul 14, 1986-Peb. 15, 1991
Hul. 15, 1986-Peb. 11, 1993
Hul. 16, 1986-Peb. 3, 1988
Hul. 17, 1986-Peb. 15, 1991
Hul. 18, 1986-Peb. 15, 1993
Dis. 11, 1986-Sety. 13, 1987
Dis. 16, 1987-Nob. 3, 1994
1988
Hilario G. Davide Jr.
Leopoldo L. Africa
Haydee B. Yorac
Andres R. Flores
Dario C. Rama
Alfredo E. Abueg, Jr.
Magdara B. Dimaampao
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Peb. 15, 1988-Dis. 7, 1989
Hul. 14, 1986-Peb. 15, 1991
Hul. 15, 1986-Peb. 11, 1993
Hul. 17, 1986-Peb. 15, 1991
Hul. 18, 1986-Peb. 15, 1993
Dis. 16, 1987-Nob. 3, 1994
Peb. 15, 1988-Peb. 15, 1995
1989
Haydee B. Yorac[6]
Leopoldo L. Africa
Andres R. Flores
Dario C. Rama
Alfredo E. Abueg, Jr.
Magdara B. Dimaampao
Pansamantalang Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Dis. 7, 1989-Hun. 5, 1991
Hul. 14, 1986-Peb. 15, 1991
Hul. 17, 1986-Peb. 15, 1991
Hul. 18, 1986-Peb. 15, 1993
Dis. 16, 1987-Nob. 3, 1994
Peb. 15, 1988-Peb. 15, 1995
1991
Christian S. Monsod
Haydee B. Yorac
Andres R. Flores
Dario C. Rama
Alfredo E. Abueg, Jr.
Magdara B. Dimaampao
Regalado E. Maambong
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Hun. 6, 1991-Peb. 15, 1995
Hul. 15, 1986-Peb. 11, 1993
Hul. 17, 1986-Peb. 15, 1991
Hul. 18, 1986-Peb. 15, 1993
Dis. 16, 1987-Nob. 03, 1994
Peb. 15, 1988-Peb. 15, 1995
Hun. 6, 1991-Peb. 15, 1998
1991
Christian S. Monsod
Haydee B. Yorac
Andres R. Flores
Dario C. Rama
Alfredo E. Abueg, Jr.
Magdara B. Dimaampao
Regalado E. Maambong
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Hun. 6, 1991-Peb. 15, 1995
Hul. 15, 1986-Peb. 11, 1993
Hul. 17, 1986-Peb. 15, 1991
Hul. 18, 1986-Peb. 15, 1993
Dis. 16, 1987-
Peb. 15, 1988-Peb. 15, 1995
Hun. 6, 1991-Peb. 15, 1998
1992
Christian S. Monsod
Haydee B. Yorac
Dario C. Rama
Magdara B. Dimaampao
Regalado E. Maambong
Vicente B. de Lima
Remedios Salazar- Fernando
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Hun. 6, 1991-Peb. 15, 1995
Hul. 15, 1986-Peb. 11, 1993
Hul. 18, 1986-Peb. 15, 1993
Peb. 15, 1988-Peb. 15, 1995
Hun. 6, 1991-Peb. 15, 1998
Peb. 7, 1992-Nob. 04, 1994
Peb. 14, 1992-Peb. 15, 1998

1. ^  Si Lininding Pangandaman ang kauna-unahang Muslim na nahirang bilang Komisyonado ng Komisyon sa Halalan.

2. ^  Ang mga bumubuo ng Komisyon bago naganap ang Rebolusyong Lakas Sambayanan sa EDSA

3. ^  Ang mga bumubuo ng Komisyon bago naganap ang Rebolusyong Lakas Sambayanan sa EDSA

4. ^  Si Haydee B. Yorac ay ang kauna-unahang babaeng nahirang na Komisyonado ng Komisyon.

5. ^  Si Ramon H. Felipe ay gumanap na Tagapangulo ng Komisyon mula Abril 11, 1986 hanggang sa siya'y hirangin ni Pangulong Corazon C. Aquino bilang ganap na Tagapangulo noong ika-23 ng Hulyo, 1986.

6. ^  Nang si Davide ay hirangin ni Pangulong Aquino bilang Tagapangulo ng Fact Finding Commission na naatasang magsiyasat sa kudeta noong 1989, si Yorac ang gumanap na tagpanhulo ng Komisyon hanggang ang bagong Tagapangulo Christian S. Monsod at mapili noong 1991.

[baguhin] Mga Halalang Pinangasiwaan ng Comelec

[baguhin] Pampanguluhan (Presidential)

Petsa Deskripsyon Resulta
Disyembre 10, 1940
Unang halalang sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador at kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan na pinangasiwaan ng Komisyon sa bisa ng Batas Komonwelth Bilang 666. Pangulo:Manuel L. Quezon (Partido Nacionalista)
Pangalawang Pangulo:Sergio Osmeña
Abril 23, 1946
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 725 Pangulo: Manuel Roxas(Partido Nacionalista - Liberal wing)
Pangalawang Pangulo: Elpidio Quirino
Nobyembre 8, 1949[1]
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan Pangulo:Elpidio Quirino (Partido Liberal- Quirino Wing)
Pangalawang Pangulo: Fernando Lopez
Nobyembre 10, 1953
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan Pangulo: Ramon Magsaysay (Partido Nacionalista)
Pangalawang Pangulo: Carlos P. Garcia
Nobyembre 12, 1957
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan Pangulo:Carlos P. Garcia (Partido Nacionalista)
Pangalawang Pangulo:Diosdado Macapagal (Partido Liberal)
Nobyembre 14, 1961
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan Pangulo:Diosdado Macapagal (Partido Liberal)
Pangalawang Pangulo:Emmanuel Pelaez
Nobyembre 9, 1965
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan Pangulo:Ferdinand Marcos (Partido Nacionalista)
Pangalawang Pangulo: Fernando Lopez
Nobyembre 11, 1969
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan Pangulo:Ferdinand Marcos (Partido Nacionalista)
Pangalawang Pangulo: Fernando Lopez
Hunyo 16, 1981
Halalan sa pagka-Pangulo at reperendum tungkol sa pagdadaos ng halalang pambaranggay Pangulo:Ferdinand Marcos (Kilusang Bagong Lipunan)
Pangalawang Pangulo:[2]
Pebrero 7, 1986
Halalang "Snap" sa pagka-Pangulo at Pangalawang Pangulo Pangulo:Ferdinand Marcos[3] (Kilusang Bagong Lipunan)
Pangalawang Pangulo: Arturo Tolentino
Mayo 11, 1992
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, (24) na Senador, mga Kinatawan at mga lokal na posisyon Pangulo:Fidel Ramos (Lakas-NUCD)
Pangalawang Pangulo: Joseph Ejercito Estrada (Partido ng Masang Pilipino-Nationalist People's Coalition)
Mayo 11, 1998
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, (12) na Senador, mga Kinatawan at mga lokal na posisyon Pangulo:Joseph Ejercito Estrada (LDP-PMP-NPC-LAMMP Coalition)
Pangalawang Pangulo:Gloria Macapagal-Arroyo (Lakas-NUCD-KAMPI)
Mayo 10, 2004
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, (12) na Senador, mga Kinatawan at mga lokal na posisyon Pangulo:Gloria Macapagal-Arroyo (Lakas CMD-KAMPI-Liberal-Nacionalista Party-K4 Coalition)
Pangalawang Pangulo: Noli de Castro

1. ^ Batay sa Batas Republika Bilang 725, gaganapin tuwing ikalawang Martes sa buwan ng Nobyembre kada apat na taon ang halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Kinatawan sa Kongreso at mga lokal na posisyon, at kada dalawang taon naman sa mga Senador.

2. ^ Ang tanggapan ng Pangalawang Pangulo ay inalis sa Saligang Batas ng 1973 ngunit ito ay ibinalik ng susugan ang Saligang Batas noong 1984

3. ^ Si Ferdinand Marcos ang opisyal na ipinoroklama ng Batasang Pambansa na nagwagi sa halalang Snap ngunit ito ay pinawalang-bisa ng EDSA People Power Revolution na nagpabagsak sa pamahalaang Marcos noong ika-25 ng Pebrero 1986. Ayon sa bilang ng NAMFREL, si Corazon Aquino diumano ang tunay na nagwagi sa halalan.

[baguhin] Kongresyonal (Congressional)

Petsa Deskripsyon
Disyembre 10, 1940
Unang halalang sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador at kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan na pinangasiwaan ng Komisyon sa bisa ng Batas Komonwelth Bilang 666.
Abril 23, 1946
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, labing-anim (16) na Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 725.
Marso 11, 1947
Espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan sa ikaunang distrito kongresyonal ng Iloilo, ikalimang distrito kongresyonal ng Pangasinan, at sa nag-iisang distrito kongresyonal ng Bukidnon.
Nobyembre 11, 1947
Halalan sa walong (8) Senador
Espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan ng ika-6 na distrito kongresyonal ng Cebu (sa bisa ng Proklamasyon Bilang II 33).
Marso 23, 1948
espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan ng ika-4 na distrito kongresyonal ng Iloilo at ikaunang distrito kongresyonal ng Leyte (sa bisa ng Batas Republika Bilang 25).
Nobyembre 8, 1949[1]
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Nobyembre 13, 1951
Halalan sa walong (8) Senador at mga lokal na posisyon sa mga lalawigan, lungsod, at bayan.
Nobyembre 10, 1953
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at 102 kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Nobyembre 8, 1955
Halalan sa walong (8) Senador at mga lokal na posisyon sa mga lalawigan, lungsod, at bayan.
Espesyal na halalan sa pagka-Senador upang punan ang posisyong iniwan ni Carlos P. Garcia na nahalal na Pangalawang Pangulo noong 1953
Espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan ng ikaunang distrito kongresyonal ng Albay, at ikaunang distrito kongresyonal ng Samar (sa bisa ng Proklamasyon Bilang 178 [Agosto 10, 1955]).
Nobyembre 12, 1957
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at 102 kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Nobyembre 10, 1959
Halalan sa walong (8) Senador at mga lokal na posisyon sa mga lalawigan, lungsod, at bayan.
Nobyembre 14, 1961
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at 104 kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Nobyembre 12, 1963
Halalan sa walong (8) Senador at mga lokal na posisyon sa mga lalawigan, lungsod, at bayan.
Espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan sa ikaunang distrito kongresyonal ng Batangas (upang punan ang iniwang posisyon ng yumaong Apolinario Apacible) at ikaunang distrito kongresyonal ng Negros Occidental (upang punan ang posisyong iniwan ng yumaong Vicente Gustillo, Sr.)[sa bisa ng Proklamasyon Bilang 154 at 150].
Nobyembre 9, 1965
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at 104 kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Nobyembre 14, 1967
Halalan sa walong (8) Senador at mga lokal na posisyon sa mga lalawigan, lungsod, at bayan.
Espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan sa: unang distrito ng Ilocos Norte; at tig-iisang distrito ng Davao del Sur, Davao Oriental, Northern Samar at South Cotabato.
Nobyembre 11, 1969
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Nobyembre 8, 1971
Halalan sa walong (8) Senador at mga lokal na posisyon sa mga lalawigan, lungsod, at bayan.
Mayo 11, 1987
Halalan sa dalawampu't-apat na (24) Senador at mga Kinatawan sa Kongreso
Sa halalang ito, 22 Senador ang nahalal mula sa koalisyon ni Pangulong Corazon Aquino at dalawa mula sa oposisyong Grand Alliance for Democracy, sina Juan Ponce Enrile at Joseph Estrada.
Mayo 11, 1992
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, dalawampu't-apat na (24) na Senador, mga Kinatawan sa Kongreso at mga lokal na posisyon.
Marso 7, 1994
Espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan ng unang distrito ng Rizal
Mayo 8, 1995
Halalan sa labindalawang (12) Senador, mga Kinatawan sa Kongreso, at mga lokal na posisyon.
Mayo 11, 1998
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, (12) na Senador, mga Kinatawan at mga lokal na posisyon.
Mayo 14, 2001
Halalan sa labindalawang (12) Senador, mga Kinatawan sa Kongreso, at mga lokal na posisyon.
Espesyal na halalan para sa posisyong iniwan ni Teofisto Guingona, Jr na hinirang ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang Pangalawang Pangulo noong Pebrero 2001.
Mayo 10, 2004
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, (12) na Senador, mga Kinatawan at mga lokal na posisyon.
Mayo 14, 2007
Halalan sa labindalawang (12) Senador, mga Kinatawan sa Kongreso, at mga lokal na posisyon.

[baguhin] Mga Plebisito at Reperenda

[baguhin] Halalan sa Batasang Pambansa

Petsa Deskripsyon
Abril 7, 1978
Halalan sa pagka-Kagawad sa Pansamantalang Batasang Pambansa (sa Rehiyon)
Rehiyon I - 14
Rehiyon II - 8
Rehiyon III - 16
Rehiyon IV - 21
Rehiyon IV-A (Kalakhang Maynila) - 20
Rehiyon V - 12
Rehiyon VI - 16
Rehiyon VII - 13
Rehiyon VIII - 10
Rehiyon IX - 8
Rehiyon X- 9
Rehiyon XI - 10
Rehiyon XII -8
Abril 27, 1978
Halalan ng 14 na Sektoral na kinatawan sa Pansamantalang Batasang Pambansa.
Mayo 14, 1984
Halalan sa pagka-Kagawad sa Batasang Pambansa

[baguhin] Halalan sa ARMM

[baguhin] Mga Lokal na Halalan

[baguhin] Mga Talaan

  1. Artikulo VIII (K), Sek. 1 , Ang Saligang-batas ng Republika ng Pilipinas
  2. Ibid.
  3. Ibid.
  4. Artikulo VIII (K), Sek.2, Ibid.

[baguhin] Mga panlabas na kawing

  1. Opisyal na Pahina ng Komisyon sa Halalan
  2. Opisyal na Pahina sa Web ng National Movement for Free Elections (NAMFREL)
  3. Opisyal na Pahina sa Web ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting
Mga pansariling kagamitan
Mga ngalan-espasyo

Naiiba pa
Mga gawain
paglilibot
pakikihalubilo
Mga kagamitan
Sa ibang wika