Napoleon Abueva
Napoleon Abueva | |
---|---|
Kapanganakan | Napoleón Isabelo Veloso-Abueva 26 Enero 1930 |
Kamatayan | 16 Pebrero 2018 | (edad 88)
Nasyonalidad | Pilipino |
Larangan | Paglililok |
Pinag-aralan/Kasanayan | Pamantasan ng Pilipinas, Akademiya ng Sining ng Cranbrook, Pamantasan ng Kansas, Pamantasang Harvard |
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas | |
Sining Biswal 1976 |
Si Napoleón Isabelo Veloso-Abueva (26 Enero 1930 - 16 Pebrero 2018), na higit na nakikilala bilang Napoleon Abueva o Nap Abueva,[1] ay isang tanyag na iskultor na Pilipino. Itinuring siyang Ama ng Makabagong Iskultura ng Pilipinas. Siya ang pinakabata sa taong 46, at kauna-unaha't natatanging Boholano na nabigyan ng parangal bilang Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng Sining Biswal.[2]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Billy Abueva, ang kanyang palayaw, sa Tagbilaran, Bohol noong 26 Enero 1930. Ang kanyang magulang ay sina Kinatawan Teodoro Abueva at Purificacion Veloso na parehong hinatulan ng mga Hapones noong 1944 dahil sa kanilang mga gawaing panggerilya. Noong bata pa lamang siya, si Abueva ay naturuan na ni Fidel Araneta, isang Cebuanong iskultor. Nang pingakalooban siya ng iskolarsip ni Pura Villanueva Kalaw, nag-aral siya sa Paaralan ng Pinong Sining ng Pamantasan ng Pilipinas, kung saan naging guro niya si Guillermo Tolentino. Pagkatapos, kumuha siya ng dalubhasaang pantas sa Akademiya ng Sining ng Cranbrook sa Michigan sa pamamagitan ng paggawad ni Smith Mundt-Fulbright. Nagpasanay siya bilang karagdagan sa iskultura at seramika sa Pamantasan ng Kansas at kumuha rin siya ng kursong pantag-init sa Harvard noong 1956. Nagpakasal siya kay Sergia Valles at nagkaroon ng tatlong supling, isa rito si Mulawin na isa rin siyang iskultor.
Pagkamapanlikhain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tumindig si Abueva ang hamon ng pagkamakabago sa kanyang guro na si Tolentino at sa pamamagitan ng kanyang palabunga at masigasig na likha, itiningadngad nang makabuluhan ang tuwanan sa ayon ng pagkamakabago. Ito'y nasa dekada 50 na itinatag nang lubos ang kanyang reputasyon bilang nangungunang modernista sa iskultura.
Sa katagalan nang 30 taon sa pagiging iskultor, ang mga likha ni Abueva ay naikalat na nang malawakan sa mga galerya, paaralan, gusaling pambayan, tahanan, kampus, at mga liwasan dito sa bansa at sa ibayong dagat. Ang kanyang bersatilidad sa parehong midyum at himanting ay tumatalilis sa maalwan na pag-uuri. Gumagawa siya ng iskultura sa malawakang saklaw ng pagpapahiwatig: sa metal tulad ng bakal, tansong dilaw, tansong kape, at aserong di-nangangalawang; sa bato tulad ng adobe, marmol, alabastro, at korales; at sa kahoy tulad ng mulawin, nara, kamagong, ipil, at kawayan. Nguni't umamin siya na nakasaya gumawa na may punungkahoy ng Pilipinas, ipinapakita ang kanilang mabutil na hilatsa at likas na alinangnang sa paraan ng tuwirang paglililok. Nakapaglilok siya na may pinagsamang iba't ibang materyales, tulad ng kahoy na may metal at bato, at nakapaggawa sa mga aghimong naaangkop sa mga materyales na ginagamit.
Bagama't kinilala niya ang kanyang likas na impluwensiya kay Brancusi, nakapagsalik si Abueva nang palagian para sa mga bagong anyo at pamamaraan ng pagpapahiwatig. Noong 1957 nakapaglikha siya ng ibay na krusipiho para sa Kapilya ng Banal na Sakripisyo sa kampus ng UP Diliman. Nang umuunlad ang kanyang likha sa kasaligutgutan at paggulang, lalo naging higit at higit na kinikilala ng mayaman na halo ng pang-unawa at kalidad ng haraya na sumasalunga mula sa makasining na pagkapangisahan na binibigyan siya ng pagkakataon upang hagarin ang kanyang sining na walang pagsansala o sariling kamalayan.
Isang mahalagang aspekto ng likha ni Abueva ay ang kanyang pag-aatim sa kapakanan sa panig na hinggil sa gawain ng iskultura. Sabi niya,
Ako ay gumagawa sa mga bagay hinggil sa gawain sa batayan ng mga suliraning pang-iskultura kaysa sa bagay na totoong ginawa upang magamit, isang pag-iiba mula sa likas na iskultura.
Kaagapay ng hilatsang ito, nakapaggawa siya ng mga pintuan sa tighaw, katangan, pungkuang pambulwagan, isang puno na may maraming anggulo, mga bukal, mga makinang pangkayod ng niyog, at isang kamangha-manghang karo kung saan siya ay sumasakay sa kumpletong regalya ng isang senturyong Romano. Naglalarawan ang iskultura bilang pangunahing manu-manong likha, binigyang-diin niya na ang iskultor ay isang ring dapat na karpintero, mason, tagapaghinang, tagapagkumpuni ng kuryente, at hanggang sa nagbubuhat ng mga mabibigat. Ang kanyang likha ay naglalarawan sa pamamagitan ng matatag na pakiwari ng anyo at kagamitan, sa pamamagitan, sa aligayot at imbensiyon, at sa pamamagitan ng mahinog na ngani-ngani, sa pagiging alungaling, pampanitikan, nakapagpapalibog, at kakatwa. Ang makasining na impluwensiya ni Abueva ay umiiral sa kakayahan bilang propesor at dating dekana ng Dalubhasaan ng Pinong Sining ng UP.
Mga parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ikalawang gantimpala, Ang Halik (iskulturang adobe), Ikaapat na Taunang Eksibisyon ng Kapisanan ng Sining ng Pilipinas (AAP) (1951)
- Unang gantimpala, Ina at Anak, hiwalay na eksibisyong iskultura (1951)
- Unang gantimpala, Pagtatanim ng Palay, Gawad AAP (1952)
- Ikalawang gantimpala, Ina at Anak, Gawad AAP (1952)
- Unang gantimpala, Kaganapan, Gawad AAP (1953)
- Binigyan ng parangal, Di-kilalang Bilanggong Pampolitika Pandaigdigang Paligsahan ng Iskultura, Linangan ng Kontemporaryong Sining, Londres (1953)
- Ikalawang gantimpala, Ama at Anak, Gawad AAP (1954)
- Unang gantimpala, Halik ni Hudas (kahoy), Eksibisyon sa Sining Panrelihiyon sa Detroit, Michigan (1955)
- Gantimpala ng pagkakamit, Anuwang (marmol), Taunang Palabas, St. Louis, Missouri (1968)
- Unang gantimpala, Pigura (kahoy), Gawad AAP (1958)
- Kapitagang gantimpala, Bagong Buhay, Gawad AAP (1974)
- Ikatlong gantimpala, Maynila: Ang mga Unang Taon, Gawad AAP (1977)
- Pinakanamumukod-tanging Alumnus ng Paaralan ng Pinong Sining, Ginintuang Hubeleo ng UP (1958)
- Gawad Republika para sa Iskultura (1959)
- Sampung Pangunahing Namumukod-tanging Ginoo ng Pilipinas (TOYM), binigyan ng parangal para sa Iskultura (1958)
- Nanalo, Paligsahan ng Disenyong Pultahan ng UP (1962)
- Nanalo, Gawad Pamanang Pangkultura ng Republika (1966)
- Gawad CCP para sa Sining (1976)
- Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal-Iskultura (1976)
- Mga Gawad ASEAN para sa Sining Biswal, Bangkok (1987)
- Ikaapat na Gawad ng Tagumpay ng ASEAN, Singapura (Hulyo 1995)
Mga likha
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga likha ni Abueva ay: ang nakulutang na iskulturang Moises, 1951, lumulutang sa tubig; Pagtatanim ng Palay, 1952, isang unang makabagong likha na may malaki, matipunong indayog; Salapang Alegorikal, isang likha gawa sa mulawin na lumahok para sa Pilipinas sa Ika-XXXII Dalawahang-Taunang Venesya noong 1964; ang naistilong Anuwang, 1968, sa tanso; Mga Ibon, 1971, sa magisok na marmol; ang maopalesensiya at pipis na Lungsod Alabastro, 1973; at ang kasinlaki ng taong Mula at Hanggang sa Dagat, 1978, na may mga gusgusing lalaki pigura na may buhat na bangka.
Nakapaggawa ng mga dambana gawa sa kahoy na may tabas na metal, pinagsamang makabago na may lipi sa tighaw na may maraming palamuti. Ang bilang ng mga aspekto ay gumigitaw mula sa kanyang likha: ang likas na patalinghaga, ang kamangha-mangha, ang konstruksiyonal, ang mataas na nagawing kumbensiyonal, ang basal, at ang hinggil sa gawain.
Ang makasining na impluwensiya ni Abueva ay umiiral sa kakayahan bilang propesor at dating dekana ng Dalubhasaan ng Pinong Sining ng UP.
Mga misyong pangkultura
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Eksposisyong Dantaong 21 sa Seattle, Washington (1962)
- Misyong pangkultura sa Indiya
- Misyong pangkultura sa Taipei
- Sangguniang Sining sa Ingglatera (1964) - tanging panauhin
- Dalawang-Taunan ng Venecia (1964)
- Ikalimang Pandaigdigang Konggreso ng Sining sa Tokyo (1966) - kinatawan
- Ikaanim na Pandaigdigang Konggreso ng Sining sa Amsterdam (1969).
- Biennale de Sao Paulo, Brasil (1969).
- Eksibisyong Sining ng Pabilyon ng Pilipinas sa Expo 70, Osaka, Hapon
Mga sinalihang organisasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sangguniang Seramika ng Pilipinas
- Sentrong Rizal
- Sabansaang Linangan ng Sining at Panitik (1959-61)
- Lupon ng Edikasyon sa Sining (1961)
- Pambansang Komisyon sa Kultura (1964-65)
- Kapisanan sa Sining ng Pilipinas, pangulo (1965-66)
- Samahan ng Iskultura ng Pilipinas, pangulo (1967-68)
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Maikling sanaysay ni Napoleon Abueva - NCCA Naka-arkibo 2013-10-12 sa Wayback Machine.
- Napoleon Abueva - globalpinoy.com Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine.
- Napoleon Abueva - Pambansang Alagad ng Sining Naka-arkibo 2011-01-10 sa Wayback Machine.
- National Artist Napoleon V. Abueva Functional Sculpture at Power Plant Mall Naka-arkibo 2010-12-19 sa Wayback Machine. (en)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Peplow, Evelyn. "Nap Abueva," THE PHILIPPINES Tropical Paradise, Passport Books, 1991, p. 78.
- ↑ Napoleon Veloso-Abueva the first and only Boholano National Artist Naka-arkibo 2008-10-12 sa Wayback Machine.. The Bohol Times 25 Enero 2004.