Pumunta sa nilalaman

Nickelodeon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nickelodeon
BansaUnited States
Sentro ng operasyonLungsod ng New York, New York
Pagpoprograma
Anyo ng larawan480i (SDTV)
1080i (HDTV)
Pagmamay-ari
May-ariViacom
Kapatid na himpilanNick Jr., Nick@Nite, Nicktoons, TeenNick, NickMusic
Mga link
WebsaytOpisyal na Websayt sa Estados Unidos Opisyal na Websayt sa Southeast Asia
Mapapanood

Ang Nickelodeon ay isang masaganang himpilang-pantelebisyon na nagsimula noong 1 Abril 1979 bilang himpilang Pinwheel sa Columbus, Ohio sa Estados Unidos. Sa kasalukuyan, may maraming himpilan ngayon ang Nickelodeon sa iba't-ibang bahagi ng mundo tulad ng Timog-silangang Asya, Hapon, Australia, New Zealand, ang Nagkakaisang Kaharian, Scandinavia, ang Republika ng Irlanda, ang Netherlands, Espanya, Portugal, Belhika, Alemanya, Cyprus, Indiya, Italya, Pakistan, Turkiya, Hungary, Pransiya, Rusya, Aprika at ang Amerikang Latino. Katunggali nito ang himpilang Disney Channel at Cartoon Network.

Himpilan sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 11 Oktubre 2006, ang sangay ng Viacom na ang MTV Networks Asia Pacific ay gumawa ng bagong pangkat para sa pamamahala ng Nickelodeon South East Asia TV na naka-base sa Singapore.

RPN ,TV-5 at ABS-CBN

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang dalawang pangkat pantelebisyon ay kumuha rin ng mga lumang palabas sa Nickelodeon at inilathala. Natapos ang RPN at TV5 sa pag-eere ng mga palabas ng Nickelodeon noong 2005 at ang Nickelodeon on ABS-CBN ang nagpatuloy ng franchise para sa mga ng Nick Shows sa Pilipinas.