Reikiavik

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kabayanan ng Reikiavik sa pananaw mula sa Hallgrímskirkja.
Watawat

Ang Reikiavik (Islandes at Inggles: Reykjavík) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Islandia. Ang kinalalagyan nitong 64°08' pa-hilaga ay ang dahilan kaya ito ang pinaka-hilagang kabisera ng isang soberanong bansa. Matatagpuan ito sa timog-kanlurang Islandia, sa baybaying timog ng Faxafloi Bay. Sa populasyong 120,000 (at humigit sa 200,000 sa kalakhang Reikiavik), ito ang sentro ng mga gawaing pang-ekonomiya at pampamahalaan ng Islandia.

Ang Reikiavik ay pinaniniwalaan ng unang lugar na tinirahan na pangmatagalan sa Islandia, na sinasabing itinaguyod ni Ingólfur Arnarson noong bandang 870. Bago mag ika-18 siglo, walang mga estrukturang urbano sa kinatatayuan ng lungsod. Ang lungsod ay itinatag noong 1786 bilang opisyal na bayang pangkalakalan at unti-unting lumaki sa pagdaan ng mga dekada, at sa gayon ito ay naging sentrong panrehiyon, at sa kalaunan pambansa, ng mga gawaing pangnegosyo, pantao at pampamahalaan.

Mga Kawing Panlabas[baguhin]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.