Ailee
- Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Lee.
Ailee | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Amy Lee Lee Yejin (이예진) |
Kapanganakan | Denver, Colorado, Estados Unidos | 30 Mayo 1989
Pinagmulan | Timog Korea |
Genre | K-pop, dance, R&B, electropop |
Trabaho | mang-aawit, mananayaw, artista |
Instrumento | bokal, piano, plawta, tambol |
Taong aktibo | 2012–Kasalukuyan |
Label | YMC Entertainment (Timog Korea) Warner Music (Hapon) |
Website | Japanese Official Site |
Ailee | |
Hangul | 이예진 |
---|---|
Hanja | 李藝眞 |
Binagong Romanisasyon | I Yejin |
McCune–Reischauer | Yi Yejin |
Si Amy Lee (Pangalang Koreano: Lee Yejin; Hangul: 이예진; Hanja: 李藝眞), na mas kilala bilang Ailee (Koreano: 에일리), ay isang Amerikanang mang-aawit na kaanib ng YMC Entertainment sa Timog Korea.[1] Inilabas niya ang kanyang unang sensilyo na "Heaven" noong Pebrero 2012.
Buhay at Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Personal na buhay at pagsimula sa karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Ailee sa Denver, Colorado noong 30 Mayo 1989 ngunit lumaki sa New Jersey. Pumasok siya sa Palisades Park Junior/Senior High School bago lumipat sa Leonia. Nakapagtapos siya sa Scotch Plains-Fanwood High School at nag-aral ng komunikasyon sa Pace University[2] bago siya huminto upang ipagpatuloy ang karera sa musika.[1] Nakapag-simula siya sa pag-aawit sa paglikha ng YouTube channel na may pangalang "mzamyx3" at pagkatapos ay "aileemusic" sa dahilang nais niyang makalikom ng pagkakilanlan sa pamamagitan ng pag-awit sa web. Pumunta siya sa Timog Korea noong 2010 pagkatapos sumali sa isang awdisyon mula sa mga kaugnayan ng kanyang tiyuhin.[3] Inawit niya ang "Resignation" ng Big Mama at agaran ding nakuha.
Bago ang kanyang debut sa K-pop, nakalagda si Ailee sa Muzo Entertainment, isang nagsasariling ahensyang na nasa New York at New Jersey, kung saan nakipag-kolaborasyon siya sa maraming mang-aawit, katulad ni Johnnyphlo (na naka-kontrata rin sa Korea), at ni Decipher na taga-Philadelphia. Habang isa pa siyang aprendis (trainee) pa siya sa YMC Entertainment, tampok siya sa awit ni Wheesung na "They Are Coming" na inilabas noong 9 Oktubre 2011.[4] Itinampok din si Ailee sa awit ni Decipher na "Catch Me If You Can" kung saan tampok din si Jay Park. Naka-tanghal ni Ailee sila Jay Park, Art of Movement, Johnnyphlo, Decipher at Clara C "projectKorea III" na ginanap sa Rutgers University noong 2010.[5]
Noong 13 Setyembre 2011, nagtanghal si Ailee kasama si Wheeseung sa espesyal na kabanatang pang-Chuseok ng MBC na Singer and Trainee. Agad na nadama ng madlang mánonoód ang presensya ni Ailee dahil sa paghangang tila isa siyang propesyonal nang mang-aawit, kahit na hindi pa siya opisyal na nag-debut noon. Pagkatapos ng pagtanghal niya sa awit na "Halo" ni Beyoncé, ipinahayag ng mang-aawit na si BMK, "Kahit na saan man siya magpunta, mayroong siyang potensyal na maging isang malaking bituin. Sadyang may natatangi nga siyang tinig." Matapos bigyan ng mga hukom ang lahat ng kani-kanilang puntos, nanalo si Ailee sa unang puwesto.[6]
2012: "Invitation" Debut
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Pebrero 6, inilabas ang paunang tingin sa music video ng debut na awit ni Ailee na "Heaven", na sinulat ni Wheesung.[7] Sa pagsapit ng ika-9, inilabas ni Ailee ang awit at ang music video, na kung saan tampok si Gi Kwang ng BE2ST.[8][9] Noong araw ding iyon, itinanghal ni Ailee ang "Heaven" sa M.net M! Countdown sa kauna-unahang pagkatataon,[10] at saka sa SBS Inkigayo noong Pebrero 11.[11] Isang buwan makalipas ng kanyang debut, nanalo siya ng 2 gantimpala sa Cyworld Music Awards—"Song of the Month" at "Rookie of the Month".[12]
Noong Marso 2012, lumahok si Ailee sa kanyang unang pagganap sa palabas ng KBS Immortal Songs 2 sa pagtanghal sa awit ni Patti Kim na “Light and Shadow” ng 1967.[13] Noong 19 Marso ng ikalawang bahagi ng ‘J.Y. Park' Special, inawit ni Ailee ang kauna-unahang awit ni J.Y. Park na "Don’t Leave Me". Natalo niya ng 1 puntos (419-418) si Lee Haeri ng Davichi, para sa pagka-panalo.[14] Sa kabanata noong 30 Hunyo, itinampok ng Immortal Songs 2 ang kompositor na si Yoon Il-sang. Inawit ni Ailee ang awit ni Lee Seung-chul na "Fate" at nanalo uli ng may kabuuang 402 boto.[15] Noong Agosto ng taon ding iyon, ipinahayag na pansamanatalang aalis muna si Ailee mula sa palabas upang mabigyang-panahon ang musika.[16] Huli siyang nagtanghal noong 6 Agosto, at isina-himpapawid iyon noong 1 Setyembre.[17]
Diskograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 2012: Invitation
- 2013: A's Doll House
- 2014: Magazine
- 2015: "Vivid"
- 2016: "A New Empire"
Pilmograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Drama sa telebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pamagat | Papel |
---|---|---|
2012 | Dream High Season 2 | Ailee |
Variety Shows
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pamagat | Himpilan | Mga tanda |
---|---|---|---|
2011-2014 | Immortal Songs 2 | KBS2 | Contestant |
2013-2014 | Great Marriage | JTBC | Cast |
2013 | Escape Crisis No.1 | KBS | Guest |
2014 | Laws of the City | SBS | Series regular |
2014 | MBC Music Ailee's Vitamin | MBC | Cast |
2014 | Running Man | SBS | Guest, episode 211-212 |
2014 | Tray Song Relay | KBS2 | Guest [18] |
2014 | One Fine Day | MBC | Season Regular |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "YMC Entertainment Official Website".
- ↑ "Ailee The K-pop and YouTube sensation". 23 Hulyo 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.hancinema.net/ailee-the-k-pop-and-youtube-sensation-45522.html
- ↑ "Wheesung unveils 'They Are Coming', final mini-album before enlistment". 9 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Jay Park, Art of Movement, Johnnyphlo, Decipher & more to perform at Rutgers University!". allkpop. Nakuha noong 31 Disyembre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Wheesung and Trainee Ailee Wow the Audience". Soompi. 16 Setyembre 2011. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 20 Enero 2012. Nakuha noong 8 Marso 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ailee releases "Heaven" MV teaser feat. B2ST's Kikwang". Allkpop. 6 Pebrero 2012. Nakuha noong 6 Pebrero 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ailee releases "Heaven" MV teaser". Soompi. 8 Pebrero 2012. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 19 Marso 2012. Nakuha noong 8 Marso 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lee Ki Kwang appears on Ailee's "Heaven" music video". Soompi. 7 Pebrero 2012. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 12 Marso 2012. Nakuha noong 8 Marso 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ailee makes an angelic debut with "Heaven" on 'M! Countdown'!". Allkpop. 9 Pebrero 2012. Nakuha noong 9 Pebrero 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ailee Makes Debut Inkigayo Performance". Soompi. 12 Pebrero 2012. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 16 Marso 2012. Nakuha noong 8 Marso 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rookie singer Ailee wins two titles from Cyworld Music Awards". Allkpop. 2 Marso 2012. Nakuha noong 17 Oktubre 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "John Park & Ailee make their first appearance on 'Immortal Song 2′". Allkpop. 24 Marso 2012. Nakuha noong 17 Oktubre 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ailee claims victory on Immortal Song 2". Allkpop. 19 Mayo 2012. Nakuha noong 17 Oktubre 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ailee claims victory + cast of 'Immortal Song 2′ cover the greatest hits by composer Yoon Il Sang". Allkpop. 30 Hunyo 2012. Nakuha noong 17 Oktubre 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Super Junior's Ryeowook and Ailee to exit 'Immortal Song 2′". Allkpop. 13 Agosto 2012. Nakuha noong 17 Oktubre 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Super Junior's Ryeowook and Soloist Ailee to Leave 'Immortal Song 2'". Kpopstarz. 13 Agosto 2012. Nakuha noong 13 Agosto 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://www.youtube.com/watch?v=M2zPgP0sx-I