Pumunta sa nilalaman

Andrea Meza

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Andrea Meza
Si Meza noong 2021
Kapanganakan
Alma Andrea Meza Carmona

(1994-08-13) 13 Agosto 1994 (edad 30)
Trabaho
  • Modelo
  • Television presenter
  • Software engineer
Tangkad1.80 m (5 ft 11 in)
TituloMiss Chihuahua 2016
Miss Mexico 2017
Miss World Americas 2017
Mexicana Universal 2020
Miss Universe 2020
Beauty pageant titleholder
Hair colorKayumanggi
Eye colorKayumanggi
Major
competition(s)
Miss Mexico 2017
(Nagwagi)
Miss World 2017
(1st runner-up)
Mexicana Universal 2020
(Nagwagi)
Miss Universe 2020
(Nagwagi)

Si Alma Andrea Meza Carmona (ipinanganak noong 13 Agosto 1994) ay isang modelo at beauty pageant titleholder na Mehikano na kinoronahan bilang Miss Universe 2020.[1] Si Meza ang ikatlong babaeng Mehikano na nanalo bilang Miss Universe. Si Meza ang may pinakamaikling natapos na panunungkulan sa kasaysayan ng Miss Universe hanggang sa kasalukuyan.[2]

Dati na ring siyang kinoronahan bilang Mexicana Universal 2020 at Miss Mexico 2017, at nagtapos bilang first runner-up sa Miss World 2017.[3]

Buhay at pag-aaral

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Meza noong 13 Agosto 1994 sa Lungsod ng Chihuahua sa mga magulang na sina Alma Carmona at Santiago Meza. Lumaki siya sa Lungsod ng Chihuahua bilang panganay sa tatlong anak na babae na bahagyang may lahing Intsik.[4] Pagkatapos makatapos sa sekondaryang paaralan, lumipat si Meza sa Autonomous University of Chihuahua, kung saan siya nag-aral ng software engineering. Nagtapos siya ng kanyang degree noong 2017, at pagkatapos ay nagsimulang magtrabaho sa Mehiko bilang isang software engineer bilang karagdagan sa kanyang karera bilang isang modelo.[1] Sa kasalukuyan si Meza ay nakatira sa Miami kung saan siya ay nagtatrabaho bilang isang television presenter para sa kumpanyang Telemundo.[5]

Mga paligsahan ng kagandahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Miss Mexico 2017

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsimulang sumali sa mga patimpalak ng kagandahan si Meza noong 2016, nang nanalo ito bilang Miss Chihuahua 2016 at kinatawan ang Chihuahua sa Miss World Mexico 2016.[6] Nagwagi si Ana Girault ng Lungsod ng Mehiko bilang Miss Mexico 2016 at nabigyan ng oportunidad upang kumatawan sa Mehiko sa Miss World 2016. Si Meza naman na siyang nagtapos bilang first runner-up sa nasabing patimpalak ay iniluklok bilang Miss Mexico 2017 at siyang kakatawan sa Mehiko sa Miss World 2017.

Miss World 2017

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang Miss Mexico 2017, si Meza ang kumatawan sa Mehiko sa Miss World 2017. Naganap ang kompetisyon noong 18 Nobyembre 2017 sa Sanya, Tsina. Sa mga pre-pageant activity, isa si Meza sa mga nagwagi sa Head-to-Head Challenge na siyang nagpapasok sa kanila sa Top 40. Bukod pa rito, nagtapos siya bilang fourth runner-up sa talent competition.

Si Meza (pangalawa sa kaliwa) sa Pambansang Museo ng Indonesya.

Pagkatapos ng Top 10, napabilang si Meza bilang isa sa limang pinalista na kakalahok sa question and answer round. Itinanong ni Megan Young kay Meza: "What is the most important quality that a Miss World should possess?", kung saan ipinarating niya:[7]

"It is love--the love that she has for herself and expresses to the world. Miss World should be someone who can talk to everyone and meet everyone."

Nagtapos bilang first runner-up si Meza sa kompetisyon, na siyang pinalanunan ni Manushi Chhillar ng Indiya.[8][9] Bukod pa rito, itinanghal si Meza bilang Miss World Americas.[10]

Mexicana Universal 2020

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2020, kinoronahan si Meza bilang Mexicana Universal Chihuahua 2020, at kinatawan ang Chihuahua sa Mexicana Universal 2020 kung saan siya'y nagwagi. Naganap ang kompetisyon noong 29 Nobyembre 2020 sa lungsod ng Querétaro.[11][12]

Miss Universe 2020

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang Mexicana Universal 2020, si Meza ang kumatawan sa Mehiko sa Miss Universe 2020. Ang kompetisyon ay ginanap noong 16 Mayo 2021 sa Hollywood, Florida, Estados Unidos bunsod ng pandemya ng COVID-19.[13][14] Mula sa pitumpu't-apat na kandidara, napabilang si Meza sa labing-anim na dalawampu't-isang semi-finalist na sumabak sa swimsuit competition at sa sampung semi-finalist na sumabak sa evening gown competition.[15] Sinuot ni Meza para sa evening gown competition ang isang pulang gown na may low-back silhouette at cut-out bodice na dinisenyo ni Ivis Lenin.[16]

Pagkatapos ng evening gown competition, napabilang si Meza bilang isa sa limang pinalista na lalahok sa question and answer round at final question. Itinanong ni Miss Universe 1997 Brook Lee kay Meza: "If you were the leader of your country, how would you have handled the COVID-19 pandemic?", kung saan ipinarating niya:[17][18]

"I believe there is no perfect way to handle this hard situation such as COVID-19, but I believe what I would have done is to create the lockdown even before everything was that big, because we lost so many lives and we cannot afford that. We have to take care of our people, that’s why I would’ve taken care of them since the beginning."

Sa final statements round, nabunot ni Meza ang paksang "changing beauty standards", kung saan ipinarating niya:[19]

"We live in a society that more and more is more in advanced, and as we advanced as a society we’ve also advanced with stereotypes. Nowadays beauty isn’t only the way we look, for me beauty radiates not only in our spirit but in our hearts, and the way that we conduct ourselves. Never permit someone to tell you you are not valuable."

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Zozibini Tunzi ng Timog Aprika si Meza bilang Miss Universe 2020. Ito ang pangatlong tagumpay ng Indiya sa kasaysayan ng kompetisyon, kasunod nina Lupita Jones noong 1991, at Ximena Navarrete noong 2010.[20][21] Sa panahon ng kanyang katungkulan bilang Miss Universe 2020, nakapaglakbay si Meza sa iba't-ibang lungsod sa Estados Unidos, Timog Aprika, Bahamas, Israel, at ang kanyang sariling bansang Mehiko.[22][23]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Ponce, Norma (20 Marso 2021). "Concursos han sido plataforma de empoderamiento: Andrea Meza Carmona". Grupo Milenio (sa wikang Kastila). Nakuha noong 7 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Mexico's Andrea Meza wins Miss Universe 2020". Rappler (sa wikang Ingles). 17 Mayo 2021. Nakuha noong 19 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Solares, Pepe (25 Pebrero 2020). "Se prepara chihuahuense para ser Mexicana Universal 2020". El Diario (sa wikang Kastila). Nakuha noong 7 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Rocha, Kika (21 Mayo 2021). "Miss Universo Andrea Meza: nuestra reina". People en Español (sa wikang Kastila). Nakuha noong 19 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Andrea Meza comparte en Hoy Día sus momentos personales más duros" [Andrea Meza shares her hardest personal moments in Hoy Día]. Telemundo (sa wikang Kastila). 8 Disyembre 2022. Nakuha noong 5 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Andrea Meza, Miss Chihuahua 2016". El Heraldo de Chihuahua (sa wikang Kastila). 6 Setyembre 2016. Nakuha noong 5 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "These are the questions that the top 5 contestants were asked at Miss World 2017". India Today (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 2017. Nakuha noong 7 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Manushi Chhillar begins beauty with purpose tour in Hyderabad". The Times of India (sa wikang Ingles). 2 Pebrero 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Disyembre 2021. Nakuha noong 4 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Ranjan, Richa (18 Nobyembre 2017). "Manushi Chhillar crowned as Miss World 2017". Femina (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Disyembre 2021. Nakuha noong 7 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "India's Manushi Chillar crowned 'Miss World 2017'". India TV. 18 Nobyembre 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Disyembre 2021. Nakuha noong 7 Mayo 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Andrea Meza se corona como Mexicana Universal 2020". Diario Presente (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Disyembre 2020. Nakuha noong 7 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Ortega, David (25 Marso 2021). ""No al acoso y a la violencia": Andrea Meza, lista para el Miss Universo". El Debate (sa wikang Kastila). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Miss Universe competition will return in May after a year-and-a-half delay". USA Today (sa wikang Ingles). 3 Marso 2021. Nakuha noong 13 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Bracamonte, Earl D. C. (4 Marso 2021). "Miss Universe 2020 date, venue announced; 2021 pageant also reportedly set". Philippine Star. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "WINNERS: Miss Universe 2020". Rappler (sa wikang Ingles). 14 Mayo 2021. Nakuha noong 13 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Buyo, Carla (17 Mayo 2021). "IN PHOTOS: The Top 10 Best Gowns At Tonight's Miss Universe 2020 Coronation Night". Metro Style (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Zinampan, Tristan (17 Mayo 2021). "TRANSCRIPT: Miss Universe 2020 Q&A". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Severo, Jan Milo (17 Mayo 2021). "FULL TEXT: Miss Universe 2020 Q&A portion". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Lopez, Jacinda A. (17 Mayo 2021). "Miss Universe 2020: Top 5 Final Question And Statement Transcript". Cosmopolitan Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Reilly, Kaitlin; Vulpo, Mike (16 Mayo 2021). "Miss Mexico Andrea Meza Crowned Miss Universe 2021". E! News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Mayo 2021. Nakuha noong 7 Mayo 2024. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Goldstein, Joelle (16 Mayo 2021). "Miss Mexico Andrea Meza Wins Miss Universe 2020". Yahoo! (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Mayo 2021. Nakuha noong 7 Mayo 2024. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Morkel, Graye. "Reigning Miss Universe Andrea Meza to judge Miss South Africa 2021". Life (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Oktubre 2021. Nakuha noong 7 Mayo 2024.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Miss Universe talks about COVID-era reign on visit to Israel". The Jerusalem Post (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2023. Nakuha noong 7 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga Parangal at Natanggap
Sinundan:
Ana Girault
Miss Mexico
2017
Susunod:
Vanessa Ponce
Sinundan:
Estados Unidos Audra Mari
Miss World Americas
2017
Susunod:
Panama Solaris Barba
Sinundan:
Republikang Dominikano Yaritza Reyes
Miss World 1st runner-up
2017
Susunod:
Thailand Nicolene Limsnukan
Sinundan:
Sofía Aragón
Mexicana Universal
2020
Susunod:
Débora Hallal
Sinundan:
South Africa Zozibini Tunzi
Miss Universe
2020
Susunod:
India Harnaaz Sandhu