Pumunta sa nilalaman

Hayop

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Animal)

Mga hayop
Temporal na saklaw: Ediakarano – Kamakailan
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
(walang ranggo): Filozoa
Kaharian: Animalia
Linnaeus, 1758
Phyla
Para sa ibang gamit ng salitang animal, tingnan ang animal (paglilinaw).

Ang mga hayop o metazoa (Ingles: animal[1]) ay isang pangunahing grupo ng mga organismo sa buong mundo. Tinatawag ang grupo bilang Kahariang Animalya o Kingdom Animalia. Ang tawag sa pag-aral ng mga hayop ay ang soolohiya.

Mga katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang lahat ng hayop ay nasa Saklaw na Eukarya. Nangahuhulugan ito na ang mga selula ng mga hayop ay mayroong saplot sa palibot ng ubod nito (nuclear envelope). Ang lahat ng mga hayop ay may maraming mga selula.

Nahahati ang kahayupan sa maraming mga kalapian (phyla). Ang lumang paghahanay ay hindi na gaanong ginagamit ng mga dalubhasa ngayon, ang Vertebrata at Invertebrata. Sa ngayon, lalong marami pa sa dalawampung kalapian ang nilikha upang maglulan ng maraming mga uri ng hayop.

Ang salitang "hayop", na sa wikang Ingles ay animal, ay mula sa salitang Latin na 'animale', neutro ng salitang 'animalis', na hango sa 'anima',na ibig sabihin ay buhay, hininga o kaluluwa. Sa araw-araw na wika, ang salitang ito ay karaniwang tumutukoy sa mga di-taong hayop. Sa kadalasang wika, ang tinutukoy nito ay mga malapit na kamag-anak ng mga tao gaya ng mga vertebrata o mammalia. Ang biyolohikong kahulugan ng salita ay tumutukoy sa lahat ng mga miyembro ng ang Kahariang Animalia kasama na ang mga tao.

Mga Uri ng Hayop

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kahariang Animalia ay hinati sa iba't ibang mga kalapian. Ang pagkakapangkat ay alinsunod sa kanilang mga katangiang panlabas at naaayon na rin sa pagkagawa ng kanilang DNA.

Kasama rito ang mga vertibrates o yaong mga hayop na may backbone o gulugod. Sila ay bahagi ng Phylum Chordata, dahil sa isang punto ng kanilang buhay ay nagkakaroon sila ng isang parang lubid na kung tawagin ay notochord. Kasapi sa grupong ito ang pinakamalaking uri ng hayop. Sila ay hinihiway sa tatlong grupo: Urochordata, Cephalochodata at Vertebrata.

10 mga uri

Ang mga ispongha'y mga payak at walang tangakay na mga hayop na walang totoong mga kalumpon (ng mga cells). Ang mga ito'y kumakain sa pamamagitan ng pagpapatibungan ng mga papantingin na nangapapasok sa mga panloob na daluyan ng kanilang mga organong seksuwal.

Isang uri

Isang uri lang ng hayop ang nasa kalapiang placozoa, ang Trichoplax adhaerens. Sa unang tingin, hindi nito kamukha ang isang hayop. Ito'y binubuo ng ilang libong mga selula na nakaayos sa isang baluting may dalawang patong, na ang kahabaa'y higit-kumulang sa dalawang milimetro (2mm). Kumakain ang hayop na ito ng nadurog na papantinging galing sa ibang mga hayop. Nagpaparami ito sa pamamagitan ng paghahati ng sarili sa dalawang pangisahan.

Platyhelminthes

[baguhin | baguhin ang wikitext]

20,000 mga uri

Ang mga bulating sapad ay mayroong pagkatapat ng dalawang pagkahati ng katawan (bilateral symmetry) at isang pangunahing kaayusang nerve na siyang tumatanggap at naglilinaw ng mga pahatid mula sa mga mata at mula sa ibang mga kabuuang pandama. Wala silang lungaw sa loob ng katawan ni mga kasangkapan para sa pagpapahatid ng dugo.

4,500 mga uri

Ang mga ektoprokta'y nabubuhay bilang mga walang tangakay na mga langkay at nababalutan ng isang matigas na balat-buto.

10,000 mga uri

Kasama sa mga sinadari ang mga korales, dikya (jellyfish), at haydra. Ang mga hayop na ito'y mayroong katangitanging balangkas ng katawan kung saa'y kasama ang isang lungaw para sa pagkain na mayroong iisang lagusan na siyang nagsisilbi bilang bibig at puwit.

150 mga uri

Ang lalong marami ng mga kinorinsa'y mas maliit kay sa isang milimetro. Naninirahan ang mga ito sa buhangin at putik ng mga karagatan sa palibot ng daigdig, hanggang sa kalalimang umaabot ng 8,000 metro. Ang katawan ng isang kinorinsa'y binubuo ng labintatlong bahaging natatakpan ng mga baluting.

1,800 mga uri

Datapuwa't mas maliit sa nakakayang makita ng mata, ang mga rotifera'y may mga natatanging kaayusang kasangkapan. Kumakain sila ng mga mikmi (microorganism) na nasa tubig.

Dalawampung mga uri

Ang mga poronida'y mga bulating pandagat. Naninirahan ang mga ito sa mga lungga ng palapag ng karagatan.

335 mga uri

Ang mga brakyopoda'y kadalasang napagkakamalian bilang mga halaan. Ang malaking pagkakaiba'y ang lalong karamihan ng mga brakyopoda'y may katangi-tanging palapa na pumupundo sa kanila sa kanilang substratum (substrate).

Acanthocephala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

1,100 mga uri

Ang mga akantosepala'y mas kilala bilang mga bulating matalas ang ulo dahil sa mga lundong kawit na nasa ulo ng katawan ng mga ito. Lahat ng mga uri nito'y parasito.

Helix pomatia

93,000 mga uri

Ang mga moluska (kasama ang mga kuhol, halaan, pusit) ay may malalambot na katawan na sa maraming mga uri'y nababalutan ng matigas na talukab.

Sampung mga uri

Ang mga lorisipera'y mga hayop na ang kahabaa'y nasa o nasa pagitan ng isang milimetro o apat na milimetro. Naninirahan ang mga ito sa kalaliman ng karagatan.

900 mga uri

Ang mga bulating ito'y may mahahabang nguso. Nangaglalangoy ang mga ito sa tubig o nangaghuhukay sa buhangin, at kanilang itinutuwid ang kanilang nguso upang makakuha ng makakain. Wala silang totoong lungaw sa loob ng katawan, nguni't may daluyan ng pagkain.

100 mga uri

Ang katawan ng mga sitenopora'y may dalawang patong ng selula, tulad ng mga sinidaria.

16,500 mga uri

Ang mga nabahaging bulati ay nakikilala mula sa ibang mga bulati sa pamamagitan ng pagkakabahagi ng kanilang mga katawan. Ang mga bulating lupa ay ang pinakakilalang annelida.

16 mga uri

Ang mga priapula'y mga bulati na may malking, mabilog na nguso sa harapang dulo ng kanilang katawan. Ang mga ito'y nasa pagitan ng limang milimetro hanggang dalawampung sentimetro (20 cm).

25,000 mga uri

Ang mga nematoda'y sagana sa kapwa malupa't tubigang pook. Ang marami sa mga uri nito'y parasita sa halaman at hayop. Ang pinakakatangi-tanging anyo ng nematoda ay ang matigas na blanban na pumapalibot sa katawan nito.

Isang uri

Ang natatanging uri ng sikliyopora ay ang Symbion pandora, na natagpuan sa bibig ng isang banagan noong 1995. Ito ay maliit at kahugis ng plorera.

110 mga uri

Kinikilala din ang mga ito bilang bulating malapelus. Sa ngayo'y sa mga mabasang kagubatan na lang maaaring manahan ang mga ito. Ang mga onikopora'y may malamang sungo't ilang dosenang mga pares ng mga malasupot na paa.

Echinodermata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

7,000 mga uri

Ang mga ekinodermata (gaya ng mga trepang) ay mga hayop na naninirahan sa tubig. Ang kahilang mga katawa'y mayroong pabilog na pagkatapat ng katawan. Sila'y nangaggagalaw at nangagkakain sa pamamagitan ng panloob na mga kanal na siyang nagbobomba ng tubig sa iba't ibang bahagi ng katawan nito.

Aculepeira ceropegia

1,000,000+ mga uri


ga

Ang mga artropoda ang pinakamalawak na karamihan ng mga uri ng hayop, kasama na rito ang mga insekto, krastasan, at mga gagamba. Lahat ng mga artropoda'y may nababahaging balat-buto at mga sugpungang galamay (jointed appendages)

800 mga uri

Ang mga tardigrada ay mga hayop na mabilog at nasakwa ng mga galamay. Ang karamihang mga tardigrada ay mas maliit pa sa limang milimetro. Ang ilan ay nakatira sa karagatan o sa tubig-tabang, ngunit ang iba naman ay nananahan sa mga halaman o hayop. Kinakaya ng mga tardigrada na mabuhay sa mga mababalasik na kalalagyan (na kung saan ang karamihan ng mga nabubuhay ay mamatay) kung sila'y nasa kalagayan ng pansamantalang pananahimik (state of dormancy).

walompu't limang mga uri

Tulad ng mga ekinodermata at kordata, nauuna sa mga hemikordata ang pagkakaroon ng puwit kaysa bibig. May mga katangian din silang mayroong iilang mga kordata, tulad ng hasang.

Komunikasyon sa hayop

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang komunikasyon sa hayop ay kahit anong asal ng isang bahagi ng isang hayop na may epekto sa kasalukuyan o hinaharap na asal ng isa pang hayop. Soosemiotika ang tawag sa pag-aaral sa komunikasyon sa hayop (pinag-iiba sa antroposemiotika, ang pag-aaral sa komunikasyon sa mga tao) na gumaganap sa isang mahalagang bahagi sa pagsulong ng etolohiya, sosyobiyolohiya, at ang pag-aaral ng kognisyon ng hayop.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
Ang Millipede ay isang invertibrate sa grupong Arthropods o Arthropoda.
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.