Aphrodite
Si Aproditi o Afroditi (Griyego: Αφροδίτη; Latin: Aphrodite) ay ang diyosa ng pag-ibig sa mitolohiya ng mga Griyego. Kilala siya sa mitolohiyang Romano bilang si Venus, ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan.[1] Anak na babae si Aproditi ni Zeus at ni Dione, isang diwata.[1]
Ayon sa isang bersiyon ng salaysay ukol sa kanya, ipinanganak si Aproditi mula sa aphros o bula ng dagat.[1][2]
Lalaking anak niya kay Ares si Eros (Kupido). Siya rin ang ina ng bayaning Troyanong si Aeneas, mula sa pakikipag-ugnayan niya kay Anchises. Tinunton nina Julius Caesar at Augustus ang kanilang pinagmulang linyahe o ninuno mula kay Benus, sa pamamagitan ng pinagmulan ni Aeneas.[1][2]
Kapag nakadama ng pag-ibig ang mga lalaki at babae ng mundo, sinasamba nila sa Aproditi. Mayroon siyang matamis na ngiti at mahiligin sa paghalakhak. Mayroon siyang isang hindi magandang katangian: nagiging pagtuya at kanyang halakhak, at mayroon din siyang kakayahan at kapangyarihang lumipol o manira.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Aphrodite, Venus". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 107. - ↑ 2.0 2.1 2.2 "Aphrodite (Venus) at Cupid". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 361.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.