Likurang patinig
Likurang patinig (Ingles: back vowel) ang mga patinig na sinasalita sa pamamagitan ng pagpuwesto ng pinakamataas na bahagi ng dila sa likurang bahagi ng bibig nang hindi gumagawa ng pag-ipit kagaya ng sa mga katinig.[1] Tinatawag din minsan ang mga likurang patinig bilang mga madidilim na patinig (Ingles: dark vowel) dahil sa pagiging mas "madilim" nito (kung papakinggan) kesa sa mga harapang patinig. Sa wikang Tagalog, [u] (hal. ulo) at [o] (hal. suntok) ang mga likurang patinig.[2]
PPA: Mga patinig | ||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| ||||||||||||||||||||||||||||||||
Ayos ng patinig: di-bilog • bilog |
Isang uri ng mga likurang patinig ang mga halos likurang patinig (Ingles: near-back vowel). Walang wika sa mundo ang gumagawa ng isang malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng mga likuran at halos likurang patinig.
Artikulasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]May dalawang kategorya ang mga likurang patinig ayon sa relatibong artikulasyon nito: nakaangat at nakaurong.
Nakaangat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakaangat na patinig (Ingles: raised vowel) ang mga patinig na nabubuo sa pamamagitan ng pagpuwesto ng dila paangat sa likurang bahagi ng bibig, patungo sa ngala-ngala o dorsum.[3]
[u ɯ] ang mga pinaka-nakaangat na mga patinig. Medyo nakaangat din ang mga patinig na [ʊ], [o ɤ], gayundin ang [ʉ ɨ].
Nakaurong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakaurong na patinig (Ingles: retracted vowel) ang mga patinig na na nabubuo sa pamamagitan ng pagpuwesto ng dila nang pahila sa likurang bahagi ng bibig, patungo sa ngala-ngala at lalamunan.[3]
[ɑ ɒ] ang mga pinaka-nakaurong na patinig: nakadikit na halos ang dila sa epiglotis at sa dingding ng lalamunan. Nakaurong din ang mga patinig na [ʌ ɔ].
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "back vowel" [likurang patinig]. Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Abril 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Llamzon, Teodoro A. (Enero 1966). "Tagalog phonology" [Ponolohiyang Tagalog]. Anthropological Linguistics (sa wikang Ingles). 8 (1): 30–31. Nakuha noong 21 Abril 2023.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Moisik, Scott; Czaykowska-Higgins, Ewa; Esling, John H. (2012). The Epilaryngeal Articulator: A New Conceptual Tool for Understanding Lignual -Laryngeal Contrasts [Ang Artikulator na Epilaryngeal: Isang Bagong Konseptong Kagamitan para sa Pag-unawa sa mga Pagkakaibang Lingual-Laryngeal] (PDF) (sa wikang Ingles).
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)