Bagumbayan, Taguig
Barangay Bagumbayan, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila | ||
---|---|---|
Barangay | ||
| ||
Rehiyon | Kalakhang Maynila | |
Lungsod | Taguig | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Barangay | |
• Kapitan ng Barangay | Delio Javier Santos | |
Sona ng oras | GMT (UTC+8) | |
Kodigo ng lugar | 02 |
Ang Barangay Bagumbayan (PSGC: 137607002) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong panahon ng Kastila, palibhasa’y kagubatan ang lugar na ito. Walang mangahas manirahan dito maliban sa pamilya ng Tanyag at Garcia na galing pa sa nayon ng Tipas. Noon nagsimulang manirahan dito kaya’t ito'y itinatag ng pamahalaan ng kastila na isang barangay ng bayan ng Taguig, palibhasa’y huling natatag kaya’t ito ay tinawag na Bagong Bayan o Bagumbayan. Unang naging “Cabeza de Barangay” si Ginang Cererina San Juan at ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao dito ay ang pangingisda at pagsasaka. Sumunod na nanungkulan bilang Cabeza de Barangay o Tinyente del Barrio ay ang mga sumusunod: Tandoy Sta. Teresa, Lelay Sta. Teresa at Cepruto Marcelo. Noong panahon ng Amerikano at panahon ng hapon, si Laureano Garcia ang nanungkulan bilang Tinyente del Barrio at sinundan ng mga magigiting na lalaking ito: Victor Padsisihan, Segundo Magundayao, Arturo Tanyag, Francisco Javier, at Nicanor Garcia. Bagamat huling barangay na natatag, pinagkatiwalaan ng mga mamamayan ng buong Taguig na manungkulan bilang konsehal ng bayan ng mga taong ito, Elino Cruz, Benito Garcia, Cerilo P. Santos, Arsenio Javier, Jose Aquino, Francisco dela Rosa, Francisco Tortosa, Claudio Marcelo at Rufino Dacumos.
Taong 1958, ang nayon ay tinawag na “Sleeping Town” sapagkat napakabagal ng pagsulong ng kabuhayan ng mga tao.
Nang dumating ang taong 1959, nagkaroon ng ibang kasiglahan ang mga taga-nayon sapagkat biglang tumaas ang halaga ng lupa na dati’y pinagsasakahan o nakatiwangwang lamang. Ipinagawa ng pamahalaan ang South Super Hi-way at dahil dito ay maraming korporasyon ang bumili ng lupa upang pagtayuan ng pagawaan at ng tanggapan. Noong panahon na iyon nanungkulan si G. Augusto Ma. Garcia bilang Pangalawang Punongbayan at sinundan ng kanyang pinsang Nicanor Garcia. At mula noon ay umunlad at nakilala ang Barangay Bagumbayan.
Ang Patron ng Bagumbayan ay Sagrada Familia at sa kasalukuyan ang barangay na ito ay nasasakupan ng parokya ng Banal na Rosaryo
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mababang Paaralan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- C.M. School, Inc.
- C.P. Sta. Teresa Elementary School
Mataas na Paaralan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Bagumbayan National High School
- Mt. Moriah Christian Academy
- St. Francis of Assisi College System
- St. Ives School Private
Pamahalaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sangguniang Barangay
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kapitan: Delio Javier Santos
- Kagawad ng barangay:
- Jesus Jessie T. Concepcion
- Warren T. Delos Santos
- Edgardo T. Cruz
- Sergio B. Cruz
- Oscar C. Mariano
- Carmie M. Ogalinola
- Elmer A. Pagsisihan
Sangguniang Kabataan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Tagapangulo : Ejay A. Javier
- Mga Konsehal:
- Rovina Jane M. Santos
- Kady E. Gonzales
- Michael Angelo P. Lopena
- Elsha Precious C. Naoe
- Willie Johnson O. Dayot
- Martin Jhay S. Andrade
- Jhonniel E. Castillo
- Kalihim: Jay RJ Eric R. Bernal
- Ingat-Yaman: Alberto L. Cruz Sr.
Tingnan rin
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Barangay Bagumbayan, Lungsod ng Taguig Naka-arkibo 2009-09-13 sa Wayback Machine.