Pumunta sa nilalaman

Mababang Bicutan, Taguig

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Barangay Lower Bicutan,
Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
Barangay
Opisyal na sagisag ng Barangay Lower Bicutan, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
Sagisag
RehiyonKalakhang Maynila
LungsodTaguig
Pamahalaan
 • UriBarangay
 • Kapitan ng BarangayRoel "Weng" O. Pacayra
Sona ng orasGMT (UTC+8)
Zip Code
1632
Kodigo ng lugar02

Ang Barangay Lower Bicutan (PSGC: 137607008) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.

Noong mga unang panahon, ang Bicutan ay isang gubat. Walang nakatira doon. Naging taguan ng mga tulisan ang nasabing pook. Ang mga ito di-umano ay nakaiwan ng mga kayamanang ibinaon sa gubat. Nang sila’y umalis, maraming mamamayan ang nagtungo doon at “nagbikot” na ang ibig sabihin ay naghukay ng kayamanan. Naging bicotan o Bicutan ang tawag sa pook na yaon mula noon.

Bago magkadigma noong 1941, mayroon nang ilang naninirahan sa Lower Bicutan na lupang militar. Noong kapanahunan ni Pangulong Diosdado Macapagal, bumaba ang isang proklamasyon at ang nayon ay natatag. Hindi nalaunan naragdagan ng iba pang purok at sa nayon ang Bikutan ang pinakamalaking nayon sa Taguig. Ang kabuuan ng mga naninirahan sa Bicutan ay 67,238. Ang unang mga naninirahan dito ay taga karatig barangay ng Bagumbayan at Hagunoy. Subali’t sa kasalukuyan, marami na ang nangaling sa iba’t ibang lugar.

Marami sa mga barangay ay mangingisda at magsasaka, at sa kabila ng kanilang kahirapan at angkin kasipagan, napagtapos nila ang kanilang mga anak sa mga iba’t ibang propesyon. Marami sa kanila ngayon ay nasa ibang bansa.

Ang patrona ng Bicutan ay ang Sagrada Familia at sa nayon, ang Bicutan ay kasama na sa Parokya ng Banal na Rosaryo.

===Sangguniang Barangay===

  • Kapitan: Roel "Weng" O. Pacayra
  • Kagawad ng Barangay:
    • Camille Joy R. Adriano
    • Geronimo F. Baquiran
    • Alvar N. Cruz
    • Ricardo "Goma" R. Cruz IV
    • Ruben A. Conopio
    • Maximo S. Padilla
    • James L. Quela
  • Kalihim: Gemma Laarni Juana C. Baylon
  • Ingat-Yaman: Norman D. Sta. Ana
  • Barangay Administrator: Expedito "Peds" O. Padernal
  • Barangay Executive Officer/Tanod: Harry Isaac



Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]