Pumunta sa nilalaman

Pandaka pygmaea

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bia (Pandaka pygmaea))

Pandaka pygmaea (bia)
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Subpamilya:
Sari:
Espesye:
P. pygmaea
Pangalang binomial
Pandaka pygmaea
Herre, 1927
Kasingkahulugan

Pondoka pygmaea

Ang Pandaka pygmaea (Ingles: dwarf pygmy goby) ay isang uri ng isdang tropikal na nabubuhay sa tubig-tabang mula sa pamilyang Gobiidae. Isa ito sa dating itinuturing na pinakamaliit na isda sa mundo, kung susuriin ang masa, at isa rin sa mga pinakamaikling isdang pantubig-tabang. Ang mga may-gulang na mga lalaki ay umaabot hanggat sa 1.1 cm, habang ang mga babae naman ay lumalaki hanggang sa 1.5 cm. Ang karaniwang timbang nito ay mula 4 hanggang 5 mg. Tinatawag itong bia at tabyos sa Pilipinas.[1][2][3]

Pamamahagi at katatagpuan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangunahin ang P. pygmaea bilang isang uri ng isda sa Pilipinas na endemiko sa mga kailugan ng Malabon at Metro Maynila. Dating karaniwan itong namamalagi sa mga nalililimang mga pilapil ng mga ilog sa Lalawigan ng Rizal ng Luzon, Pilipinas. Nakukuha rin ang mga ito mula sa karagatan ng Pulo ng Culion, malapit sa Palawan, Pilipinas. Nabubuhay rin ang mga ito sa mga tubig na hindi gaanong maalat (brackish) at mga pook na may mga bakawan sa Indonesia at Singapore (1992). Naipadala rin ang mga ito sa Alemanya noong 1958.[1][2][3]

Namumuhay ang mga biang ito sa mga tubig na demersal, tubig-tabang, hindi-kaalatan at karagatan na may halagang pH mula 7.0 hanggang 8.4, na ang hangganang dH ay nasa 30, at may temperaturang pangtropiko mula 24 hanggang 30 °C.[1][2][3]

Anyo at anatomiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang walang-kulay at halos nanganganinang na uri, mayroong katamtamang mahaba at matipunong pangangatawan ang duwendeng pygmy goby. Mas payat ang mga lalaki na may halos tuwid na katangian panlikuran at pangharapan, habang mas mataba at may biluging anyo ang likod ng mga babae, may bantad na biluging tiyan, at mala-arko ang balangkas ng harapan.[1][2][3]

Malaki at pulpol ang ulo ng P. pygmaea. Hubad ang ulo at batok ng mga ito. Nagsasanib ang mga pangitaas at pangibabang mga bahagi at matulis kapag titingnan mula sa mga gilid. Katangitanging mas malapad sa halip na malalim ang ulo. Lubhang maikli ang ulo, malapad nga at mabilog. Masdayong nakahilig ang bibig, na may nakaungos na pang-ibabang panga at baba. Umaabot ang anggulong posteryor ng maksilarya (trianggulo ng baba) nito sa ilalim ng anteryor na bahagi ng mata, hanggang sa gitna ng mga mga pupil. Mayroon itong dalawang hilera ng mga ngipin sa bawat panga. Mas malaki ang panlabas na hilera ng mga ngiping nasa loob ng pang-itaas na panga, at mas malalaki ang puwang o pagitan ng mga ngipin dito. Habang katangi-tanging mas maliit naman ang mga nasa panloob na hilera. Mababa ang unang panlikod (dorsal) na palikpik, mas bungad ito kaysa pangalawang dorsal na palikpik; subalit hindi umaabot ang unang dorsal na palikpik sa pangalawang panlikod na palikpik kapag nakadiin. Matutulis ang mga palikpik na pektoral at ventral, na ang huli ay mga kasinghaba ng nauna o kaya mas mahaba. Maikling-maikli ang papilla ng puwit at mabilog sa mga kababaihan, ngunit mas mahaba at lubhang balingkinitan sa mga kalalakihan.[1][2][3]

Mga mga maiitim na mga tuldok ang P. pygmaea, na bumubuo ng 4 na linyang-pakrus, sa ibabaw ng mga gilid ng katawan. Lubos na pigmentado ng kulay ang mga paanan ng mga palikpik, maliban na lamang sa mga pangharapan. Mayroon itong mga 22 hanggang 25 mga kaliskis na nasa seryeng pang-longgitudinal.[1][2][3]

Itinuturing na nawawala na o nawala na sa Pilipinas ang mga uring ito dahil sa pagkakaroon ng polusyon sa mga katutubong katubigan at mga proyektong reklamasyon ng mga lupa.[1][2][3]

Kumakain ang mga uring ito ng mga plankton.[1][2][3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iba pang mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]