Pumunta sa nilalaman

Kontrasepsiyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Birth control)

Ang kontrasepsiyon[1] (sa Ingles: birth control, contraception) ay ang kusang pagtaban at pagtitimpi ng tao sa kanyang kakayahang magkaroon ng anak. Tumutukoy din ito sa sinasadyang paglalagay ng agwat sa pagkakaroon ng mga supling, sa pamamagitan ng mga pamamaraang mekanikal o may kemikal. Isang halimbawa ang paggamit ng mga gamot, o iba pang bagay, na panglaban sa pagdadalantao. Naging kasingkahulugan din ang pagpigil sa pagkakaroon ng anak ang kontrasepsiyon na nangangahulugang "pangontra sa pagbubuntis".[2][3] May mga bansa ay may batas tungkol dito, isa rito ang Republikang Popular ng Tsina.

Ang kontrasepsiyon ay gumagamit ng mga pamamaraan at mga aparato para maiwasan ang pagbubuntis. Pagpaplano ng pamilya ang tawag sa paghahanda at paggamit ng kontrasepsiyon. Makakatulong ang ligtas na pagtatalik, kagaya ng paggamit ng kondom, para maiwasan ang mga impeksyong naililipat sa sekswal na paraan. Ang mga pamamaraan sa pagkontrol sa panganganak ay ginagamit na, maging sa sinaunang panahon, ngunit ang pag-usbong ng mga mabisa at ligtas na paraan ay ginamit lamang sa ika-dalawangpung siglo. Linilimitahan o pinagbabawalan ang paggamit ng kontrasepyon sa ibang kultura o grupo ng tao dahil itinuturing nila itong masama o hindi kanais nais.

Ilan sa mga paraan ng pagpigil sa pag-aanak ay isterilisasyon sa pamamagitan ng vasectomy sa lalaki at tubal ligation sa babae, paggamit ng mga aparato na pumipigil sa pertilisasyon at mga kontraseptibong bagay. Ang paggamit ng pamatay binhi (spermicide) at pagtanggal ng ari ng lalaki bago pa man labasan ay hindi masyadong epektibo. Hindi tulad ng ibang paraan ng kontrasepsiyon, ang isterilisasyon, kadalasan, ay hindi na naibabalik sa dati o nananatiling permanente ang lahat. Ang pagkabuntis dulot ng pagtatalik nang walang proteksyon ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng paggamit ng mga kontraseptibong pang-emerhensiya tulad ng mga pildoras. Ang pag-iwas sa sekswal na gawain ay itinuturing na isang paraan ng kontrasepsyon ngunit ang pagpapalaganap ng kaalamang sekswal na walang konsepto ng kontrasepsyon ay maaaring magdulot ng pagtaas sa bahagdan ng maagang pagbubuntis.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://diksiyonaryo.ph/search/kontrasepsiyon
  2. Robinson, Victor, pat. (1939). "Birth control". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 101.
  3. Gaboy, Luciano L. Contraception, kontrasepsiyon - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.