Pumunta sa nilalaman

Bizancio

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bisantiyum)

Ang Bizancio (Sinaunang Griyego: Βυζάντιον, romanisado: Byzántion; Latin: Byzantium) ay siyudad ng Sinaunang Gresya sa lugar na kalaunang naging Constantinopla (modernong Istanbul). Ito ay itinatag ng mga kolonistang Griyego mula sa Megara noong 657 BCE. Ang siyudad ay muling itinayo bilang bagong kabisera ng Imperyong Romano ni Emperador Constantino II noong 330 CE at kalaunang muling pinangalanang Constantinopla. Ang siyudad na ito ay nanatiling kabisera ng Imperyong Bizantino hanggang 1453 nang ito ay sakupin at naging kabisera ng Imperyong Ottoman. Simula ng pagkakatatag ng modernong Turkiya noong 1923, ang pangalang Turko ng siyudad na Istanbul ay pumalit sa pangalang Constantinopla sa Kanluran.

Di-alam ang etimolohiya ng Bizancio. Iminimungkahi na taga-Trasya ang pangalan. Puwedeng hango sa Trasyanong personal na pangalang Byzas (Sinaunang Griyego: Βῡ́ζᾱς, romanisado: Bū́zās) na nangangahulugan ng "lambayan, lalaking kambing". Tinutukoy ng sinaunang Gresyang alamat si Griyegong haring Byzas, ang lider ng mga kolonistang taga-Megara at tagapagtatag ng lungsod. Ang pangalang Lygos para sa lungsod, na malamang tumutugma sa isang dating Trasyanong kolonya, ay tinutukoy ni Plinio ang Nakatatanda sa kaniyang Naturalis Historia.

Ang Byzántios, pangmaraming Byzántioi (Sinaunang Griyego: Βυζάντιος, Βυζάντιοι, Latin: Byzantius, na may parehong pang-uri) ay tinukoy ang mga taga-Bizancio. Saka ginamit bilang isang etnonimo para sa mga tao ng lungsod at bilang isang apelyido. Sa Gitnang Kapanahunan, ang Byzántion ay din isang sinekdoke para sa Silangang Imperyong Romano. (Isang elipsis ng Griyegong Mediebal: Βυζάντιον κράτος, Byzántion krátos.) Sa wikang Ingles, ang Lating Byzantinus ay naging Byzantine, at kabilang sa mga baryante noong ika-15 at ika-16 na siglo, may mararaming tulad na porma: Byzantin, Bizantin(e), Bezantin(e), at Bysantin, at saka Byzantian at Bizantian. (Bakit napakaraming mga baryante? Bago na Repormang Protestante (na nagsimula noong 1648) mararaming tagapagsalita ng Ingles ay hindi nakabasa.)

Ang mga pangalang Byzantius at Byzantinus ay ginagamit mula sa ika-9 na siglo sa perang Bisantinong ginto, na may alingawngaw sa Pranses na besant (d'or), Italyanong bisante, Ingles na besant, besant, o bezant, at Kastilang besante. Ang Ingles na paggamit ay hango sa Lumang Pranses na besan (pangmaraming besanz) at, pagdating sa barya, nagmula sa ika-12 na siglo.

Pagkatapos, ang pangalang Byzantium ay naging karaniwan sa Kanluran para tukuyin ang Silangang Imperyong Romano, na may kabisera sa Constantinopla. Bilang isang termino para sa silangang Romanong estado bilang isang buo, ang Byzantium ay ipinakilala ng historyador na Hieronymus Wolf lang noong 1555, isang siglo matapos ang mga huling labi ng imperyo, na ang mga naninirahan ay patuloy na tinukoy ang kanilang polidad bilang Imperyong Romano (Sinaunang Griyego: Βασιλεία τῶν Ῥωμαίων, romanisado: Basileía tōn Rhōmaíōn, lit. na 'imperyo ng mga Romano') ay hindi na umiral.

Ang ibang mga lugar ay dating kilala bilang Byzántion (Βυζάντιον) — isang lungsod nasa Libya na tinukoy ni Stephanus ng Byzantium at iba nasa kanluraning baybayin ng Indiya na tinukoy ng Periplus ng Dagat Eritrea (huwag ikalito ang sinaunang Dagat Eritrea sa Dagat Pula). Sa parehong mga kaso ang mga pangalan ay malamang mga adaptasyon ng mga pangalan sa lokal na wika (malamang ilang wikang Berber sa Libya, at Kannada sa Karnataka, Indiya). Faustus ng Byzantium ay mula sa isang lungsod ng pangalang iyon sa Silisia.

Ang mga pinagmulan ng Bizancio ay nababalutan ng alamat. Ayon sa tradisyon, itinatag ni Byzas ng Megara (isang siyudad-estado malapit sa Atenas) kapag naglayag sa hilagang-silangan sa tapag ng Dagat Egeo. Ang petsa ay kalimitang ipinalalagay bilang 667 BK sa awtoridad ni Herodotus, kung sino nagsabi na ang lungsod ay itinatag noong 17 taon matapos ng Kalsedonya. Nagsabi si Eusebio ng Caesarea, kung sino nagsulat noong makalipas ang halos 800 taon, na itinatag ang Kalsedonya noong 685/4 BK, pero nagsabi din na itinatag ang Bizancio noong 656 BK (o ilang taon na ang nakararaan, depende sa edisyon). Ang petsa ni Herodotus ay minabuti ni Dakilang Constantino, kung sino nagdiwang ng ika-1000 na anibersaryo ng Bizancio sa pagitan ng mga taong 333 at 334.

Ang Bizancio ay pangunahing isang pankalakalang lungsod dahil sa kaniyang pook sa nag-iisang entrada ng Dagat Itim. Mamayang sumakop ang Bizancio ng Kalsedonya, sa tapat ng Bosporo sa Asyatikong tabi.

Ang lungsod ay kinuha ng Imperyong Persa habang kampanya ng mga Eskito (513 BK) ng Hari Dario I ng Persiya (n noong 522–486 BK) at nadagdag sa administratibong lalawigang Skudra. Hindi matatag ang kontrol ng mga Akemenida kumpara sa ibang mga lungsod sa Trasya, pero ang Bizancio ay ipinalagay, kabilang sa Sestos, bilang isa sa pangunahing mga puwertong Akemenido sa baybaying Europeo ng Bosporo at Helesponto.

Noong huling Helenistikong o maagang Romanong panahon (ika-1 na siglo BK) ang motif ng bituin at gasuklay ay mas o menos iniugnay sa Byzantium, maski mas malawak na ginamit bilang maharlikang sagisag ni Mithridates VI Eupator (na saglit lang isinama ang lungsod sa kaniyang imperyo).

Ang ilang mga baryang Bisantino, ng ika-1 na siglo at mamaya, ay naglarawan ng ulo ng Artemis na may pana at panginginig, at saka ng isang gasuklay na may parang bituin na may walong sinag sa ilalim ng barya. Ayon sa mga salaysay, na nag-iiba sa ibang mga detalye, noong 340 BK ang mga Bisantino at alyadong mga Ateniyano ay inatake ng mga sundalo ng Felipe II ng Macedonia. Sa isang partikular na madilim at basang gabi, tinangka ni Philip ang isang sorpresang pag-atake, pero nahadlangan siya ng paglitaw ng isang maliwanag na liwanag sa kalangitan. Ayon sa iba't ibang kasunod na mga interpretasyon, ang liwanag ay puwedeng isang bulalakaw, buwan, o kahit tahol. Gayunman, tinutukoy ng mga orihinal na salaysay lamang ang isang maliwanag na liwanag sa kalangitan, nang hindi tinutukoy ang Buwan. Para magpagunita ng pangyayari, nagtayo ang mga Bisantino ng isang estatwa ng Hecate bilang lampadephoros (Sinaunang Griyego: λαμπαδηφόρος, Tagalog: tagapagdala ng liwanag). Nabuhay ang itong salaysay sa mga obra ni Hesikio ng Mileto, na malamang nabuhay habang paghahari ni Justiniano I. Nabuhay ang kaniyang mga obra lamang sa mga kaputol na pinanatili ni Photios I ng Constantinople at ensiklopedyang Suda mula sa ikasampung siglo. Ikinuwento din nina Stephanus ng Byzantium at Eustathius ng Tesalonica.

Lalo na minabuti ng mga Bisantino ang panata sa Hecate dahil sa kaniyang patuloy na pag-aalaga mula sa mga pagsalakay ni Felipe II ng Macedonia. Ang mga sagisag ni Hecate ay gasuklay at bituin, at ang mga pader ng lungsod ay kaniyang sakop.

Malabo kung paano ang sagisag na Hecate / Artemis, isa (dahil sa sinkretismo) sa mararaming diyosa, ay nilipatan sa mismong lungsod, pero malaming dahil sa kaniyang pamamagitang nahiwatigan kontra Felipe at kasunod na mga karangalan. Ito ay karaniwang proseso sa Sinaunang Gresya, bilang sa Atenas kung saan ang lungsod ay ipinangalan kay Athena sa karangalan ng ganiyang pamamagitan sa panahon ng digmaan.

Ang mga lungsod sa Imperyong Romano ay madalas na nag-isyu ng nilang sariling pera. "Sa mararaming tema na ginamit sa lokal na pera, madalas na lumitaw ang mga sagisag ng kalangitan at mga bituin, at ang karamihan ay mga bituin o buwang gasuklay."[1] Ang malawak na barayti ng mga baryang ito, at mga iba't ibang paliwanag para sa kahulugan ng bituin at gasuklay sa mga Romanong barya ay masyado itong malawak para pag-usapan dito. Maliwanag, gayunman, na sa panahon ng mga Romano, hinding-hindi pambihira ang mga barya na may bituin at/o gasuklay sa ilang kumpigurasyon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Molnar, Michael R. (1999). The Star of Bethlehem (sa wikang Ingles). Rutgers University Press. p. 48. Of the many themes that were used on local coinage, celestial and astral symbols often appeared, mostly stars or crescent moons.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

HeograpiyaKasaysayanTurkiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya, Kasaysayan at Turkiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.