Pumunta sa nilalaman

Ginatasang kape

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Café au lait)
Kapeng binubuhusan ng gatas

Ang ginatasang kape ay kategorya ng mga inuming kape na hinaluan ng gatas. Kinilala si Johan Nieuhof, ang kinatawang Olandes sa Tsina, bilang unang tao na uminom ng kapeng ginatasan noong ineksperimento niya noong 1660.[1]

Isa itong espresso na gawa sa pinasingawang halo ng kalahating gatas at kalahating krema (s.b., kalahati at kalahati); maaaring mag-iba ang laki – may kaugnayan ang pangalan sa paggamit ng krema at gatas.[2][3]

Café au lait

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Café au lait na inihain sa Oslo, Noruwega; ekspreso at pinasingawang gatas, na inihain sa mangkok

Ang café au lait ay paghahandang Pranses ng 'kapeng may gatas' sa bahay at sa mga kapihan sa Europa. Nagmumula ang café au lait sa parehong tradisyong kontinental ng caffè latte sa Italya, café con leche sa Espanya, kawa biała ('puting kape') sa Polonya, tejeskávé sa Unggarya, Milchkaffee sa Alemanya, Wiener Melange sa Austriya,[4] koffie verkeerd sa Olanda, at café com leite sa Portugal at Brasil, na may simpleng kahulugan na 'kapeng may gatas'. Sa hilagang Europa, café au lait ang pinakamadalas na ginagamit na pangalan sa mga kapihan para sa kapeng tinatawag na caffè latte sa mga ibang pook. Nagamit ang terminong café au lait para sa espresso at gatas mula noong d. 1950 sa mga lugar kabilang ang Reyno Unido, Olanda, Belhika, Alemanya, Dinamarka, Noruwega at Suwesya. Sa Estados Unidos, dinedepina ang café au lait bilang inuming kape na binubuo ng matapang na kape (minsan espresso) na hinaluan ng binanliang gatas sa rasyong halos 1:1.[kailangan ng sanggunian]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Claudia Roden (1994). Coffee: A Connoisseur's Companion [Kape: Isang Kompanyero ng Dalubhasa] (sa wikang Ingles). Pavilion Books. p. 95.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Robert W. Thurston (10 Oktubre 2013). Coffee: A Comprehensive Guide to the Bean, the Beverage, and the Industry [Kape: Isang Makabuluhang Gabay sa Butil, sa Inumin, at sa Industriya] (sa wikang Ingles). Rowman & Littlefield Publishers. p. 273. ISBN 9781442214422.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Thornton, Milli. "Espresso: The Art of the Perfect Breve" [Espresso: Ang Sining ng Perpektong Breve]. Milliver's Travels (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Nobyembre 2015. Nakuha noong 25 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Viennese Coffee" [Kapeng Biyenes]. vienna.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Setyembre 2015. Nakuha noong 3 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)