Diskargang elektrostatiko
Elektromagnetismo |
---|
Ang elektrostatikong diskarga o Electrostatic discharge (ESD) ang biglaang pagdaloy ng elektrisidad sa pagitan ng dalawang mga bagay na sanhi ng pagdidikit, isang sirkitong maiksi, o pagkabigong direlektriko. Ang ESD ay maaaring sanhi ng pagtitipon ng statikong elektrisidad sa pamamagitan ng tribo-pagkakarga o ng elektrostatikong induksiyon. Ang ESD ay kinabibilangan ng mga spektakular na elektrikong kislap gayundin ang mga anyong kaunting dramatiko na hindi makikita o maririnig ngunit sapat pa ring malaki upang magsanhi ng pinsala sa mga sensitibong kasangkapang elektroniko. Ang mga kislap elektriko ay nangangailangan ng isang lakas ng filed na higit sa mga 4 KV/cm sa hangin gaya ng mapapansing nangyayari sa mga pagtama ng kidlat. Ang ibang mga anyo ng ESD ay kinabibilangan ng diskargang korona mula sa mga matalas na elektrodo at diskargang brush mula sa mga mapurol na elektrodo. Ang ESD ay maaaring magsanhi ng isang saklaw ng mga nakapipinsalang epekto ng kahalagahan sa industriya kabilang ang mga pagsabog ng metanong gaas at alikabok ng coal gayundin ang pagkabigo ng mga solidong estadong kasangkapang elektroniko gaya ng mga integradong sirkito. Ang mga ito ay maaaring dumanas ng isang permanenteng pinsala kapag sumailalim sa matataas na mga boltahe. Kaya ang mga nagmamanupaktura ng mga elektronika ay naglalagay ng mga protektibong lugar na malaya sa statiko gamit ang mga hakbang upang maiwasan ang pagkakarga gaya ng pag-iwas sa mga mataas na nagkakargang mga materyal at mga hakbang upang maalis ang statiko gaya ng paglulupa(grounding) ng mga mangangawang tao, pagbibigay ng mga kasangkapang antistatiko at pagkokontrol ng humiditad. Ang mga simulador ng ESD ay maaaring gamitin upang subukin ang mga elektronikong kasangkapan halimbawa ng isang modelong katawan ng tao o isang modelong may kargang kasangkapan.