Sa Britanya, ang lakandula (o ang hari, batay sa kasarina ng nanunungkulang maharlika sa panahong iyon) lamang ang inaawitan ng kabuunan ng awiting ito. Pinaparangalan naman ng hanggang sa unang anim na taludtod lamang ang iba pang mga kasapì ng Liping Maharlika (gaya ng Lakan ng Gales).
Kapag lalaki ang nakaluklók, babaguhin ang salitang "Queen" o lakandula at ang lahat ng mga pang-uring Ingles na pambabae upang maging "King" o hari at mga pang-uring panlalaki. Dagdag pa dto, babaguhin nang bahagiyà ang mga titik ng ikatlóng taludtód upang magíng "With heart and voice to sing" ("Nang may puso't tinig umawit"). Ginagawâ ito upang tumugmâ ito sa salitáng "King" o hari.