Estasyon ng Baclaran
Baclaran | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila | |||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||
Lokasyon | Kanto ng Karugtong ng Abenida Taft at Abenida Park Pasay | ||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA) | ||||||||||
Linya | LRT Line 1 | ||||||||||
Plataporma | 1 gilid ng plataporma, 1 gitnang plataporma | ||||||||||
Riles | 2, 1 reserba | ||||||||||
Koneksiyon | LRT-1 Depot Baclaran Terminal Plaza | ||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||
Uri ng estruktura | Biyadukto | ||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||
Kodigo | BA | ||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||
Nagbukas | Disyembre 1, 1984 | ||||||||||
Serbisyo | |||||||||||
|
Ang Estasyong Baclaran ng LRT ay isang estasyon sa Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (LRT) o LRT-1. Matatagpuan ang estasyon sa huling kahabaan ng Abenida Taft sa Pasay na nasa hangganan ng lungsod at Baclaran, Parañaque. Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, ang Baclaran terminal ay nakaangat sa lupa sa biyadukto. Ipinangalan ito mula sa tanyag na distrito pasyalan ng Baclaran na matatagpuan sa mga hangganan ng Pasay at Parañaque.
Isa ang Baclaran sa mga apat na estasyon ng LRT na naglilingkod sa Lungsod ng Pasay, ang iba pa ay Gil Puyat, Libertad at EDSA. Ito ang katimugang dulo ng LRT-1, kung saan humihinto ang mga treng mula Roosevelt. Ang silungan (depot) ng linya, kung saan itinatago, pinapanatili at nililinis ang mga tren nito, ay matatagpuan malapit sa estasyon.
Malapit ang terminal sa isa sa mga tanyag na pook-palatandaan sa bansa, ang Dambana ng Baclaran na kinalalagyan ng Ina ng Laging Saklolo. Malapit din ito sa mga maraming tiyangge na nagbebenta ng mga samu't-saring bagay mula damit at elektroniks hanggang palamuting pambahay at pangnakagawiang panggagamot. Lubhang mainit sa loob ng estasyon.
Mga kawing pangpanlalakbay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang pangunahing pusod ng transportasyon ang Baclaran Terminal, at maraming mga bus at dyipni ang humihinto rito. Karaniwang patungo ang mga bus na mula sa himpilan na ito sa mga paroroonan sa katimugang Kamaynilaan at lalawigan ng Kabite. Ang mag dyipni na humihinto rito naman ay karaniwang tumutungo sa iba't-ibang mga paroroonan sa Kalakhang Maynila (Las Pinas, Paranaque, at Muntinlupa sa timog; Maynila, Pasay, Lungsod Quezon, at Caloocan sa hilaga), at sa lalawigan ng Kabite. Ang mga taksi ay dumaraan din malapit sa estasyon pag-inaarkila, at may dedikadong mga taksi na maaarkila ng mga pasahero na papuntang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino, na may layong dalawang kilometro lamang mula sa estasyon. May mga traysikel din upang makapunta sa panloob na mga kalsada ng Baclaran mula sa estasyong ito.
Sa hinaharap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinalaga ang estasyon para maging punto ng paglipat (transfer point) para sa Katimugang Karugtong ng Unang Linya (Line 1 South Extension), na kilala rin bilang South Extension Project o Cavite Extension Project. Oipsyal na nagsimula ang pagtatayo nito noong Mayo 7, 2019 dahil wala na umanong mga sagabal ang karapatan sa daan nito. Magsisimula ito sa Baclaran at magtatapos sa Sucat, at ipinapanukalang idugtong ang linya sa Bacoor, Kabite, kasama ang estasyong Redemptorist na magiging unang estasyon sa timog ng Baclaran.
Mga insidente
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nagliyab ang isang sunog sa isang pamilihan sa Baclaran noong ika-3 ng Enero 3, 2008, alas-5 ng umaga. Kumalat ang apoy dahil sa mahangin na panahon at nagdala ng usok sa Estasyong Baclaran hanggang sa kasunod na Estasyong EDSA.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "LRT sustains damage, loses rider revenue from mall fire". INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-07. Nakuha noong 2008-10-27.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)