Estasyon ng Blumentritt (LRT)
Blumentritt | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
Lokasyon | Kanto ng Abenida Rizal at Kalye New Antipolo/Daang Blumentritt Santa Cruz, Maynila | |||||||||||||||||||||||||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA) | |||||||||||||||||||||||||||||||||
Linya | LRT Line 1 | |||||||||||||||||||||||||||||||||
Plataporma | Gilid ng plataporma | |||||||||||||||||||||||||||||||||
Riles | 2 | |||||||||||||||||||||||||||||||||
Koneksiyon | Maglipat sa PNR sa pamamagitan ng sidewalk ng Rizal Avenue patungong Blumentritt. | |||||||||||||||||||||||||||||||||
Konstruksiyon | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
Uri ng estruktura | Biyadukto | |||||||||||||||||||||||||||||||||
Ibang impormasyon | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kodigo | AS | |||||||||||||||||||||||||||||||||
Kasaysayan | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
Nagbukas | Mayo 12, 1985 | |||||||||||||||||||||||||||||||||
Serbisyo | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Ang Estasyong Blumentritt ng LRT (Ingles: Blumentritt LRT Station) ay isang estasyon ng Manila LRT (LRT-1). Katulad ng iba pang mga himpilan ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang himpilang Blumentritt. Nagsisilbi ang himpilan para sa Sampaloc sa Maynila. Ang mismong estasyon ay matatagpuan malapit sa Daang Blumentritt, kung saan ipinangalan ang himpilan. Ipinangalan naman ang daan kay Ferdinand Blumentritt, punong-guro sa isang paaralan sa Bohemya na isa sa mga pinakamatalik na kaibigan ni Jose Rizal at isa sa mga nagkikiisa sa Kilusang Propaganda.
Nagsisilbi bilang panlabing-apat na himpilan ang himpilang Blumentritt para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Baclaran at bilang panpitong himpilan para sa mga treng patungo sa Roosevelt. Isa rin ito sa limang estasyon ng LRT na naglilingkod sa distrito ng Santa Cruz, ang iba pa ay Tayuman, Bambang, Doroteo Jose, at Carriedo.
Ito ang ikalawa sa huling himpilan sa Abenida Rizal bago lumipat sa Karugtong ng Abenida Rizal sa himpilang Abad Santos.
Ang estasyon ng Blumentritt ay isa sa limang blast locations kung saan sumabog ang bomba sa loob ng tren ng LRT sa araw ng Rizal Day bombings noong Disyembre 30, 2000 na ikinamatay ng 22 katao at ikinasugat ng marami.
Sa patuloy na pagtatayo ng NLEX Connector (kilala rin bilang NLEX-SLEX Connector Road) sa lugar na ito, ang istasyon ay itinayo sa ilalim ng elevated expressway.
Mga kalapit na palatandaang pook
[baguhin | baguhin ang wikitext]Malapit ang estasyon sa Parokya ng San Roque De Manila, Tiyanggihan ng Blumentritt, at Chinese General Hospital and Medical Center. Katulad ng estasyong Tayuman sa timog, malapit ang himpilan sa lumang Hipodromo ng San Lazaro, na kinaroroonan ngayon ng SM City San Lazaro, Avida Towers, Celadon Residences at Vertex One. Malapit din ang estasyon sa Sementeryo Norte at La Loma ng Lungsod Quezon, na sinasabing "Lechon Capital of the Philippines".
Mga kawing pangpanlalakbay
[baguhin | baguhin ang wikitext]May Pambansang Daangbakal ng Pilipinas na himpilan na malapit sa himpilan, na kilala rin bilang himpilang Blumentritt. May mga dyipni, taksi, at mga bus na dumadaan sa Abenida Rizal na humihinto malapit sa himpilan.
Pagkakaayos ng Estasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]L2 Mga plataporma |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | |
Plataporma A | ← Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt | |
Plataporma B | → Unang Linya ng LRT patungong Baclaran → | |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | ||
L2 | Lipumpon | Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan |
L1 | Daanan | Estasyong Blumentritt ng PNR, San Roque De Manila Parish |