Han Hyo-joo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Han Hyo-joo
Han Hyo-joo.jpg
Kapanganakan (1987-02-22) Pebrero 22, 1987 (edad 32)
Cheongju, Hilagang Lalawigan ng Chungcheong, Timog Korea
Pag-aaralPamantasan ng Dongguk - Teatro at pelikula
HanapbuhayArtista
Mga taon ng kasiglahan2003–kasalukuyan
AhenteBH Entertainment (Korea)
FlaMme (Hapon)
Pangalang Koreano
Hangul한효주
Hanja
Binagong RomanisasyonHan Hyo-ju
McCune–ReischauerHan Hyo-ju

Si Han Hyo-joo (ipinanganak Pebrero 22, 1987) ay isang artista sa mula sa Timog Korea. Kilalang-kilala siya sa kanyang nangungunang mga ginampanan sa serye sa telebisyon: Spring Waltz (2006); Brilliant Legacy (2009); Dong Yi (2010) at W - Two Worlds (2016); pati na rin ang pelikulang Cold Eyes (2013), kung saan siya ay nanalo ng Pinakamahusay na Aktres sa ika-34 na Blue Dragon Awards Film.

Maagang buhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Han Hyo-joo ay ipinanganak sa Cheongju, Hilagang Lalawigan ng Chungcheong. [1] Ang kanyang ina ay isang guro ng elementarya bago maging inspektor para sa mga pampublikong paaralan, at ang kanyang ama ay isang opisyal ng Hukbong Panghimpapawid. Bilang isang bata, siya ay mahusay sa palakasan, lalo na sa takbuhan. Sa kanyang ikalawang taon sa mataas na paaralan, lumipat siya sa Seoul at pumasok sa Bulgok High School, sa kabila ng mga pagtutol ng kanyang mahigpit at konserbatibong ama. Pagkatapos ay pumasok siya sa Dongguk University, kung saan siya sumali sa departamento ng teatro at pelikula.

Karera[baguhin | baguhin ang batayan]

2003-2006: Pagsimula[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Han ay unang natuklasan sa isang patimpalak sa kagandahan ng kabataan na inorganisa ng korporasyon ng pagkain na Binggrae noong 2003. Sinimulan niya ang kanyang karera sa pag-arte sa sitcom na Nonstop 5 at ang komedyang pelikula na My Boss, My Teacher. Sa bandang huli ay pinalaki ni Han ang kanyang ginawa sa pamamagitan ng pagbida sa Spring Waltz, ang ikaapat at huling pagtatapos ng serye ng drama ng director ng TV na si Yoon Seok-ho."[2]

Noong 2006, sinama ng direktor na si Lee Yoon-ki si Han bilang pangunahing bituin sa kanyang mababang-badyett na malayang pelikula na Ad-lib Night, na nilalahad ang kuwento ng isang kabataang babae na muling natuklasan ang sarili sa pamamagitan ng nakakatakot na magdamag na pakikipagtagpo sa mga estranghero. Nanalo siya ng mga parangal bilang Pinakamahusay na Bagong Aktress sa Korean Association of Film Critics Awards at Singapore International Film Festival para sa kanyang pagganap.

2007-2010: Mga ginampanang pambihirang tagumpay at katanyagan sa ibang bansa[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Han ay bumida sa dalawang napakalaking proyekto sa telebisyon at tumataas sa katanyagan - ang araw-araw na drama ng KBS na Like Land and Sky kasama Park Hae-jin noong 2007, [3] at nakamaskarang nakikipagsapalaran na serye na SBS Iljimae kasama si Lee Joon-gi noong 2008.[4] Ang parehong mga drama ang nakakuha ng solidong marka sa manonood sa buong bansa sa pagtakbo nito kasama ang mataas na marka ng manonood na naglunsad kay Han na maging pangalan sa mga sambahayan. Pagkatapos, bumida pa siya sa isang malayang pelikula na Ride Away, na unang lumabas sa 2008 Jeonju International Film Festival.

Bumida si Han sa telecinema na Heaven's Postman na magkasamang ginawa ng Koreano-Hapon, na nagtatampok din sa popstar na si Jaejoong mula sa TVXQ (JYJ ngayon ).[5] Matapos ang ilang mga pagpapaliban, nailabas ito sa mga sinehan noong huling bahagi ng 2009, at sinahimpapawid sa telebisyon noong 2010.

Ang pambihirang tagumpay ni Han ay dumating sa Brilliant Legacy kasama si Lee Seung-gi, na naging napakalaking tagumpay noong 2009, na umaabot sa 47.1% na marka sa mga manonood.[6][7][8] Nagdulot ito kay Han ng kasikatan, at pagkatapos ng konklusyon ng drama, naranasan niya ang isang matinding pagtaas sa mga kasunduan sa pag-endorso at mga kahilingan sa midya para sa mga panayam, pati na rin ang pagtaas ng popularida sa pan-Asyano. [9][10] Sa bandang huli ng taong iyon, bumida uli si Han bilang pangunahing bituin sa dramang pang-musika na Soul Special, na nailabas sa KBS Joy.

Noong 2010, kinuha ni Han ang pangunahing bida sa Dong Yi na ikag-49 na anibersaryong proyekto ng MBC.[11][12] Ang serye ay naging matagumpay sa panahon ng pagtakbo nito sa Timog Korea at sa buong Asya.[13][14] Nanalo si Han ng ilang mga parangal sa pag-arte para sa kanyang pagganap ng Choi Suk-bin, kasama ang Daesang (Malaking Premyo) na gawad sa MBC Drama Awards at ang Pinakamahusay na Aktres na gawad ng Baeksang Arts Awards.[15][16]

2011-2015: Mga ginagampanan sa pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 2011, si Han ay gumanap bilang isang bulag na telemarketer kasama ang dating boksingero na si So Ji-sub sa melodramang pelikula na Always.[17] Sa direksyon ni Song Il-gon, unang lumabas ito bilang pambungad na pelikula noong 2011 Busan International Film Festival.[18][19][20] Sa kalaunan, nag-ambag si Han ng kanyang boses sa pagsasalaysay sa "walang-hadlang" na bersyon ng pelikulang Hapon na My Back Page, na nagtatampok ng mapaglarawang awdyo at subtitulo para sa mga taong bingi at bulag.

Si Han ay gumanap bilang isang reyna sa Gwanghae ni Lee Byung-hun sa patok sa takilya noong 2012 na kapanahunang pelikula na Masquerade,[21] na naging isa sa pinakamataas ang kita sa mga pelikulang Koreano sa lahat ng panahon. Sinundan niya ito sa pagbida sa Love 911, isang pelikula na tungkol sa di-inaasahang pag-iibigan sa pagitan ng isang doktor at isang bumbero (Go Soo).[22][23]

Noong 2013, bumida si Han kasama si Sol Kyung-gu at Jung Woo-sung sa aksyon-katakutan na Cold Eyes, isang remake ng pelikula noong 2007 sa Hong Kong na Eye in the Sky. [24][25] Pumatok sa takilya ang pelikula matapos itong ilabas at naging isa sa pinakamalaking domestikong tagaumpay ng 2013.[26] Nakatanggap si Han ng pagkilala sa pag-arte para sa kanyang pagganap, nanalo siya ng Pinakamahusay na Aktres sa Blue Dragon Film Awards at Buil Film Awards.

Noong 2014, si Han at ang kasama niya sa Love 911 na si Go Soo ay muling nagkasama sa Myohyangsangwan ("Tanaw ng Bundok Myohyang"), na kinukwento ang pagtatagpo ng isang taga-Timog Korea na pintor at isang taga-Hilagang Korea na tagapagsilbi sa isang restawran sa Hilagang Korea. Ang maikling pelikula ay isang pakikipagtulungan ng kontemporaryong mga artista na sina Moon Kyung-won at Jeon Joon-ho, at pinagsama ang isang drama sa teatro, pang-eksperimentong koleksyon ng imahe, sayaw at sining sa pagganap.[27][28]

Pagkatapos ay nakipagsapalaran siya sa merkado sa ibang bansa sa pamamagitan ng paglabas sa kanyang unang pelikulang Hapon na Miracle: Debikuro-kun no Koi to Maho ("Himalang Kuko ng Demonyo: 'Pag-ibig at Mahika'). Itinakda ang tagpo sa panahon ng Pasko, ang pelikula ay isang kuwento ng pag-ibig tungkol sa isang mabait na empleyado ng tinadahan ng aklat (ginampanan ni Masaki Aiba mula sa J-pop na boyband na Arashi) na nakilala ang tatlong babae.[29][30]

Noong 2015, bumida si Han sa isang biopic na musikal na C'est Si Bon, na naglalarawan ng mga pakipagsapalaran ng pangkat musikong pambayan na Twin Folio, na aktibo mula 1960 hanggang dekada 1980. Sikat sa mga pagtatanghal na live, ang C'est Si Bon ay ang pangalan ng isang tanyag na lounge o pahingaan ng musika na matatagpuan sa Mugyo-dong noong dekada 1970, kung saan ang Twin Folio ay nagsimula. Si Han ay gumanap bilang lakambini ng grupo.[31] Sinundan ito ng pelikulang romantikong komedya na The Beauty Inside, kung saan ang karakter ni Han ay umibig sa isang tao na nagbabago sa iba't ibang tao araw-araw.[32][33][34] Sa bandang huli ng taon, kasama muli ni Han sina Yoo Yeon-seok at Chun Woo-hee, parehong kanyang mga kasama sa The Beauty Inside, sa Love, Lies, isang pelikula na naglalarawan ng huling kuwento ng gisaeng sa panahon ng pananakop ng Hapon sa dekada 1940.[35][36]

2016-kasalukuyan: Ang pagbalik sa telebisyon at mga pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 2016, bumalik si Han sa telebisyon sa pagbida niya sa serye ng pantasya ng MBC na W kasama si Lee Jong-suk.[37] Ito ay dinirehe ni Jung Dae-yoon na nag-direhe ng She Was Pretty at sinulat ni Song Jae-jung na kabilang sa mga nakaraang gawa ang Nine: Nine Time Travels at Queen In-hyun's Man. Naging mataas ang mga inaasahan dito dahil ito ang muling pagbabalik ni Han sa telebisyon sa loob ng anim na taon.[38][39] Nanalo siya sa gawad sa Pinakamataas na Mahusay sa 5th APAN Star Awards at MBC Drama Awards para sa kanyang pagganap sa seryeng W.

Noong 2018, bumida si Han sa katakutan na Golden Slumber kasama si Kang Dong-won.[40] Siya rin ay lumabas bilang ang pangunahing babaeng gumaganap sa katakutan na aksyon na sci-fi na Illang: The Wolf Brigade na batay sa animasyong Hapong pelikula na may kaparehong pangalan.[41][42]

Pilmograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Pamagat Ginampanan Mga tanda
2006 My Boss, My Teacher Yoo Mi-jung
Ad-lib Night Bo-kyung Malayang pelikula
2008 Ride Away Im Ha-jung
My Dear Enemy Babae sa himpilan ng bus / boses sa telepono kameyo
2009 Heaven's Postman Jo Hana / Saki Tele Cinema
(umere din sa SBS)
2011 Always Ha Jeong-hwa
2012 Masquerade Queen Consort
Love 911 Mi-soo
2013 Cold Eyes Ha Yoon-ju
2014 Miracle Devil Claus' Love and Magic So-yeon Pelikulang Hapon
View of Mount Myohyang Oh Yeong-ran Maikling pelikula
2015 C'est Si Bon Min Ja-young (20s)
The Beauty Inside Yi-soo
2016 Love, Lies Jung So-yul
2018 Golden Slumber Sun-young
In-rang Lee Yoon-hee

Telebisyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Pamagat Ginampanan Himpilan
2005 Nonstop 5 Han Hyo-joo MBC
2006 Spring Waltz Seo/Park Eun-young KBS2
2007 Like Land and Sky Suk Ji-soo KBS1
2008 Iljimae Eun-chae SBS
2009 Brilliant Legacy Go Eun-sung
Soul Special Jin Mi-ah KBS Joy
2010 Dong Yi Choi Dong-yi (kalaunan Choi Suk-bin) MBC
2016 W - Two Worlds Oh Yeon-joo

Diskograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Pangalan ng kanta Kumanta Album
2005 "It's the First Time" Han Hyo-joo Nonstop 5 OST
2008 "Ride Away" Han Hyo-joo Ride Away OST
2009 "Sudden Burst of Tears" Gan-D tinatampok Han Hyo-joo Soul Special OST
"바람이 불어... 널 이별해 (Prologue)" Narration ni Han Hyo-joo Love Tonic
2010 "Oh Seoul" My-Q tinatampok Han Hyo-joo For This, I Was Born
"Don't You Know" No Reply tinatampok Han Hyo-joo Grand Mint Festival 2010
2011 "You" Browneyed Soul tinatampol Han Hyo-joo Brown Eyed Soul
"8 A.M." My-Q feat. Han Hyo-joo Ready For The World
"Alone in Love" Lee Seung-gi tinatampok Ra.D
(pagsasalaysay ni Han Hyo-joo)
2012 "I Love You" Han Hyo-joo tinatampok Sweet Sorrow LG Su:m37 5th Anniversary CF song
"Hide and Seek"[43] Han Hyo-joo tinatampok Broccoli, You Too?
2015 "Let us forget" Han Hyo-joo C'est Si Bon OST
"I'll Give It All To You" Han Hyo-joo tinatampok Jung Woo
2016 "Love, Lies" Han Hyo-joo Love, Lies OST
"Spring lady" Han Hyo-joo tinatampok Chun Woo-hee

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 한효주. Nate (sa Koreano). Sininop mula sa orihinal noong Nobyembre 12, 2012. Hinango noong Oktubre 28, 2012.
  2. "Han reserves seat as next Jiwoohime". Hancinema (sa Ingles). The Korea Herald. Enero 30, 2006.
  3. "I want to try out for more extreme roles". The Dong-a Ilbo. Abril 5, 2007.
  4. "Drama `Iljimae` has tough act to follow". The Korea Herald. Abril 4, 2010.
  5. "TVXQ Hero hopes Postman will be assurance to fans". 10Asia (sa Ingles). Nobyembre 10, 2009.
  6. "Light-hearted romance joins weekend lineup". The Korea Herald (sa Ingles). Abril 24, 2009.
  7. "Brilliant drama leaving its own legacy". Korea JoongAng Daily (sa Ingles). Hulyo 16, 2009.
  8. "Han Hyo-joo: 'Good People Deserve to be Happy'". KBS Global (sa Ingles). Hunyo 5, 2009.
  9. "Lee, Han Picked as Rising Ad Models". The Korea Times (sa Ingles). Setyembre 24, 2009.
  10. "Korean Wave: The New Generation". 10Asia (sa Ingles). Abril 23, 2010.
  11. "Will Dong-yi Become Next Jewel in the Palace?". The Korea Times (sa Ingles). Marso 21, 2010.
  12. "Han Hyo-joo Changes Tack in Costume Drama". The Chosun Ilbo (sa Ingles). Abril 13, 2010.
  13. ""Dong Yi" dominates Mon and Tues night primetime lineup". 10Asia. June 16, 2010.
  14. ""Dong Yi" wins award as most popular drama in Hong Kong". 10Asia. October 1, 2010.
  15. "Kim Nam-joo, Han Hyo-joo win grand prize at MBC Acting Awards". 10Asia (sa Ingles). Enero 3, 2011.
  16. "Hyun Bin, Lee Byung-hun win top prizes at Paeksang". 10Asia (sa Ingles). Mayo 27, 2011.
  17. So Ji-sub, Han Hyo-joo start filming new pic. 10Asia. Abril 4, 2011. (sa Ingles)
  18. Song Il-gon hopes Always will be a reminder of true value of love. 10Asia. Oktubre 6, 2011. (Sa Ingles)
  19. Han Hyo Joo: 'My Best Decision Ever Is Becoming Actress'. KBS Global. Oktubre 10, 2011. (sa Ingles)
  20. Han Hyo-joo Seeking More Challenging Roles in Movies. The Chosun Ilbo. Oktubre 15, 2011.(sa Inlges)
  21. Han Hyo-joo to join Lee Byung-hun in historical film. 10Asia. Enero 4, 2012 (sa Ingles).
  22. "Finecut dials up Love 911". Korean Film Council. Marso 14, 2012.
  23. "Ko Soo, Han Hyo-joo Ask to Dial Love 911". 10Asia. Nobyembre 22, 2012.
  24. "Police Are Hot in Pursuit of a Kingpin in COLD EYES". Korean Film Council (sa Ingles). Pebrero 8, 2013.
  25. "Cold Eyes is a story of firsts for the cast". Korea JoongAng Daily (sa Ingles). Hunyo 6, 2013.
  26. "Cold Eyes Hits 5-Million Mark in Cinema Attendance". The Chosun Ilbo. Hulyo 29, 2013.
  27. "Mergers with pop culture good for art business". Korea JoongAng Daily (sa Ingles). Enero 16, 2014.
  28. "Myohyangsangwan". News From Nowhere (sa Ingles). Hinango noong Agosto 22, 2014.
  29. "HAN Hyo-joo to Take Lead Role in Japanese Film". Korean Film Council (sa Ingles). Disyembre 27, 2013.
  30. "Will Han Hyo-joo win Japanese fans?". The Korea Times (sa Ingles). Disyembre 2, 2015.
  31. "KIM Yun-seok, HAN Hyo-joo Board Music Biopic". Korean Film Council (sa Ingles). Marso 11, 2014.
  32. "Actresses lead Korean film industry this summer". Yonhap (sa Ingles). Hulyo 29, 2015.
  33. "Actress Han stars opposite 21 men". Korea JoongAng Daily. Agosto 14, 2015.
  34. "Herald Interview: Han Hyo-joo: Beauty Inside is chance of a lifetime". The Korea Herald. Agosto 23, 2015.
  35. "'Love, Lies' portrays gisaeng's life in 1940s". The Korea Times. Abril 5, 2016.
  36. "Actress Han Hyo-joo says baddie totally new experience". Yonhap (sa Ingles). Abril 4, 2016.
  37. "Lee Jong-suk and Han Hyo-joo in new drama 'W'". Kpop Herald (sa Ingles). Hinango noong Abril 7, 2016.
  38. "Han Hyo-joo to return to TV after 6 years". The Korea Times (sa Ingles). Hinango noong Abril 7, 2016.
  39. "Han Hyo Joo Confirms Her Comeback to the Small Screens in July". BNT News (sa Ingles). Hinango noong Abril 7, 2016.
  40. "GANG Dong-won & HAN Hyo-joo Headline Thriller GOLDEN SLUMBER". Korean Film Biz Zone. December 27, 2016.
  41. Jean Noh (Hulyo 17, 2017). "'The Good, The Bad, The Weird' director Kim Jee-woon sets cast, shoot date for new sci-fi". Screen Daily (sa Ingles). Hinango noong Hulyo 20, 2017.
  42. "KIM Jee-woon's Sci-fi Action INRANG Starts Shooting in August". Korean Film Biz Zone (sa Ingles). Hulyo 28, 2017.
  43. "Korean Starlets Fall in Love with Indie Musicians". 10Asia. November 21, 2012.