Ika-6 na dantaon BC
Milenyo: | ika-1 milenyo BCE |
---|---|
Mga siglo: | |
Mga dekada: | dekada 590 BCE dekada 580 BCE dekada 570 BCE dekada 560 BCE dekada 550 BCE dekada 540 BCE dekada 530 BCE dekada 520 BCE dekada 510 BCE dekada 500 BCE |
Ang ika-6 na daantaon BC ay nagsimula ng unang araw ng 600 BC at nagtapos sa huling araw ng 501 BC.
Nilikha ni Pāṇini sa India ang isang balarila para sa Sanskrit sa siglong ito o mas kaunti pa sa kalaunan nito.[1] Ito ang nanatiling ang pinakamatandang kilalang balarila ng anumang wika. Sa Malapit na Silangan, ang unang kalahati ng siglong ito ay pinanaigan ng Imperyong Neo-Babilonyano o Imperyong Kaldeo na umakyat sa kapangyarihan noong huli bahagi ng siglo matapos na matagumpay na makapaghimagsik laban sa pamumuno ng Imperyong Asiryo. Gayunpaman, ang pamumunong Babilonya ay napabagsak at pinalitan noong mga 539 BC ni Dakilang Ciro na nagtatag ng Imperyong Akemenida (Imperyong Persa). Ang Imperyong Persa ay patuloy na lumawak at lumago sa pinamalaking imperyo ng mundo sa panahong ito. Sa Europang Panahong Bakal, ang paglawak na Seltiko ay nagpapatuloy. Ang Tsina ay nasa Panahong Tagsibol at Taglagas.
Pangkalahatang buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ika-5 at ika-6 na mga siglo BC ay panahon ng mga imperyo, ngunit mas mahalaga, isang panahon ng pagtututo at pilosopiya.
Mga pangyayari
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang pagbasak ng Kaharian ng Judah at ang pagwasak sa Unang Templo (586 BC) na tinatakda ang simula ng buong Pagbihag ng mga Babylonia sa mga Hudyo.
- Sinakop ni Ciro ang Dakila ang maraming bansa at nilikha ang Imperyo ng Persa.
- Natatag ang Republika ng Romano
- Itinatag ni Gautama Buddha ang Budismo sa India. Naging isang pangunahing relihiyon sa mundo.
- 590 BC: Dinambong ng mga Ehipsyong hukbo ang Napata, na napilit ang korteng Kush na lumpiat sa isa mas ligtas na lokasyon sa Meroe malapit sa ikaanim na Cataract.[2]
- 536 BC: Ayon sa tradisyon, nakatanggap ang Biblikal na propeta na si Daniel na bisitang mala-anghel.[3]
Mahahalagang tao
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinunong pampolitika
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Astyages, Hari ng Medes
- Cambyses II, Hari ng Persya
- Cyrus the Great, Hari ng Persya
- Darius I, Hari ng Persya
- Lucius Tarquinius Superbus, Hari ng Roma
- Nabonidus, ang huling Hari ng Babylonia
- Nebuchadnezzar, Hari ng Babylonia
- Necho II, Paraon ng Ehipto
- Servius Tullius, Hari ng Roma
Panitikan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Aeschylus, Griyegong manunulat ng dula
- Aesop, Griyegong manunulat ng pabula
- Pindar, Griyegong makata
- Sappho, Griyegong makata
- Sun Tzu, Tsinong manunulat at heneral, may akda ng The Art of War (Ang Sining ng Digmaan)
Pilosopiya at relihiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Confucius, tagpagtatag ng Confucianism
- Gautama Buddha, tagapagtatag ng Budismo
- Ezekiel, Hebreong propeta
- Laozi, tagapagtatag ng Taoismo
- Mahavira, tagapagtatag pilosopiyang Jain
- Pythagoras, Griyegong pilosopo, matematiko
- Thales, Griyegong matematiko
- Zoroaster, tagapagtatag ng Zoroastrianismo
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ritual and mantras: rules without meaning Google Books (sa Ingles)
- ↑ "History of the SUDAN" (sa wikang Ingles). www.historyworld.net. 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hulyo 2007. Nakuha noong 3 Agosto 2007.
- ↑ Daniel 10:4 Bible Online (sa Ingles)