Pampalasa
Ranggo | Bansa | 2010 | 2011 |
---|---|---|---|
1 | Indya | 1,474,900 | 1,525,000 |
2 | Bangladesh | 128,517 | 139,775 |
3 | Turkiya | 107,000 | 113,783 |
4 | Tsina | 90,000 | 95,890 |
5 | Pakistan | 53,647 | 53,620 |
6 | Iran | 18,028 | 21,307 |
7 | Nepal | 20,360 | 20,905 |
8 | Kolombya | 16,998 | 19,378 |
9 | Etiyopiya | 27,122 | 17,905 |
10 | Sri Lanka | 8,293 | 8,438 |
— | Mundo | 1,995,523 | 2,063,472 |
Sanggunian: UN FAO[1] |
Sa sining-pagluluto, ang pampalasa (Ingles: spice) ay tuyong buto, bunga, ugat, banakal o kahit na anumang gawa sa gulay ginagamit nang may nalaang dami bilang panagdag para pampalasa, kulay, o isang pampatagal ng pagkain na pumapatay ng mga bakterya o tumutulong sa pagpigil sa pagtubo nito.[2]
Ginagamit ang mga rekado sa panggagamot, mga ritwal panrelihiyon, pampaganda, pabango o bilang pagkain bilang gulay. Halimbawa, ginagamit ang luyang-dilaw para pamapatagal ng pagkain; ang anis bilang pang-medisina; ang bawang bilang gulay. Sa ibang pagkakataon, may iba't-ibang silang pangalan. Kadalasang inuuri sila sa pampapalasa, butong pampalasa, ay mga kategoryang yerba.[3] Halimbawa, karaniwang ginagamit ang baynilya bilang sangkap sa pagmamanupaktura ng pabango.[4] Hindi tinuturing na pampalasa ang mga pampatamis mula sa halaman tulad ng asukal.
Sa kusina, may ibang ibig-sabihin ang mga damong-gamot o yerba sa mga rekado, na madahon, kulay luntian na halaman na ginagamit bilang panlasa. Maaaring gamitin ng hilaw ang mga yerbang tulad ng albahaka o oregano, at madalas na kinukutsilyo sa mas maliliit na piraso. Sa kabilang banda, pinapatuyo ang mga rekado at madalas na ginagawang pulbura. Maaaring gamiting bilang buo o bilang pulbura ang mga malilit na buto, tulad ng haras at buto ng mustasa.
Walang sapat na ebidensyang pangklinika upang ipahiwatig na nakakaapekto ang pagkain ng mga pampalasa sa kalusugan ng tao.[5]
Nag-aambag ang Indya sa to 75% ng pandaigdigang produksyon ng pampalasa.[6] Sumasalim ito sa kalinangan nila sa pamamagitan ng kanilang lutuin. Sa kasaysayan, umunlad ang kalakalan ng pampalasa sa buong subkontinenteng Indiyo gayon din sa Silangang Asya at Gitnang Silangan. Ang pangangailangan ng Europa para sa mga pampalasa ang isa sa mga kadahilanang pang-ekonomiya at pangkalinangan na himimok sa eksplorasyon noong maagang makabagong panahon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Production of Spice by countries" (sa wikang Ingles). UN Food & Agriculture Organization. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 13, 2011. Nakuha noong Disyembre 20, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Food Bacteria-Spice Survey Shows Why Some Cultures Like It Hot". ScienceDaily (sa wikang Ingles). 5 Marso 1998.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Spice and herb | Types, Uses, & Facts | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). 2024-03-08. Nakuha noong 2024-04-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ahmad, Hafsa; Khera, Rasheed Ahmad; Hanif, Muhammad Asif; Ayub, Muhammad Adnan; Jilani, Muhammad Idrees (2020). "Vanilla". Medicinal Plants of South Asia (sa wikang Ingles). pp. 657–669. doi:10.1016/B978-0-08-102659-5.00048-3. ISBN 978-0-08-102659-5. S2CID 241855294.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vázquez-Fresno, Rosa; Rosana, Albert Remus R.; Sajed, Tanvir; atbp. (22 Mayo 2019). "Herbs and Spices - Biomarkers of Intake Based on Human Intervention Studies – A Systematic Review". Genes and Nutrition (sa wikang Ingles). 14 (18): 18. doi:10.1186/s12263-019-0636-8. PMC 6532192. PMID 31143299.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Spices Board". www.indianspices.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-07-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)