Kasaysayan ng Eurasya
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang kasaysayan ng Eurasya ay ang sama-samang kasaysayan ng ilang naiibang mga rehiyong nakapiligid sa baybayin: ang Gitnang Silangan, Timog Asya, Silangang Asya, Timog-silangang Asya, at Europa, na magkakaugnay sa pamamagitan ng panloob ng malawak na kapatagan ng Gitnang Asya at Silangang Europa. Habang magkahiwalay sa heograpiya sa isang lupalop, sinasama ang kasaysayan ng Hilagang Aprika sa kasaysayan ng Eurasya. Marahil na nagsimula noong kalakalan sa Daang Sutla, hinanahanap ng pananaw sa kasaysayan ng Eurasya ang henetiko, pang-kultura at lingguwistikang ugnayan sa pagitan ng mga lumang kulturang Europeo, Aprikano, Gitnang Silanganin at Asyano.
Sinaunang ruta ng kalakalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula pa noong unang panahon, may kalakalang namamagitan sa mga Europeo at Asyano. Naganap ito sa pamamagitan ng tatlong ruta:
- Hilagang ruta- nagmumula ito sa Tsina at dumadaan sa Samarqand at Bukhara ng Gitnang Asya hanggang sa Konstantinopla. Pati narin sa Pilipinas.
- Timog na ruta- bumabagtas ang sasakyang dagat ng mga mangangalakal mula sa Indiya at iba pang daungan sa Asia sa Karagatang Indiyano patungong Ehipto sa pamamagitan ng Dagat Pula.
- Gitnang ruta- mula pa rin sa mga lugar na ito sa Asia, tumutungo naman ang iba pang mangangalakal sa baybay ng Syria sa daang Golpong Persiko.
Ang mga produkto namang ibababa sa daungan na nagtatapos sa gilid ng Mediteraneo at Dagat Itim ay sasakamay naman ng mga Italyanong na siya namang nagsasalin at nagbibili nito sa mga mangagalakal sa Kanlurang Europa.
Mga dahilang ng pagdating ng mga Europeo sa Asya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nabatid natin na nagkaroon na ng pagtatagpo ang kanluranin at kabihasnang silangan noong unang panahon sa mga naganap na pagpapalawak ng kani-kanilang Imperyo. Hindi naglaon, nasundan pa ito ng maganap ang Krusada, ang mga relihiyosong kilusang nilunsad ng mga Kristiyano upang muling mapalaya ang pook Kristiyanong sinakop ng Muslim. Sa pangyayaring ito, nagkaroon ng ugnayan ang Europa sa Silangan. Nakilala nila ang mga gamit Asyano gaya ng mga rekado, porselana, mahahalagang bato at iba pa.
Hindi naglaon nagkaroon ng mga pagbabago sa mga alituntuning pang-ekonomiya ang Europa. Naganap ang panahong merkantilismo na nagudyok sa mga Kastila, Portuges, Pranses, at Ingles na pumalaot sa karagatan na mangalap ng ginto, pilak at rekado.
Bukod pa sa naganap na kaganapan, nagkaroon din ng malawakang pagbabago sa kabuhayan ng mga Europeo gawa ng paglaganap ng rebolusyong industriyal na pinangunahan ng Inglatera. Nagkaroon ng malawakang pagdami ng mga produkto na naging sanhi ng paligsahan sa industriya at komersyo. Ito ang nagbigay daan sa Kapitalismo.
Dahilan sa maraming produksiyon ng mga produkto, na di kayang ubusin sa kani-kanilang bansa. Nagsimulang maghanap ng mahihinang lupaing makokolonisa. Dito pumasok ang Imperyalismo.