Pumunta sa nilalaman

Lamok

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kiti-kiti)

Lamok
Temporal na saklaw: 99–0 Ma
Late Cretaceous (Cenomanian) – Recent
Female Culiseta longiareolata
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Arthropoda
Hati: Insecta
Orden: Diptera
Superpamilya: Culicoidea
Pamilya: Culicidae
Meigen, 1818[1]
Subfamilies
Dibersidad
41 genera
Ang Aedes aegypti na nagsasanhi ng maraming nakakamatay na sakit sa tao kabilang ang dengue, chikungunya, Zika, Mayaro, at yellow fever.

Ang lamok (Ingles: mosquito) ay isang espesye ng insekto ng maliliit na Diptera sa loob ng Culicidae. Mayroong 3,000 espesye ng lamok sa mundo. Ito ay itinuturing na peste na nagdadala ng mga nakakamatay na sakit sa mga tao at hayop

Ebolusyon ng lamok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pinakamatandang fossil ng lamok ay mula 79 milyong taon ang nakakalipas bagaman naniniwala ang mga siyentipiko na ang mga lamok ay unang lumitaw noong 226 milyong taon ang nakakalipas. Noong 2019, natuklasan ng mga siyentipiko ang sang bagong espesye ng lamok sa isang amber mula sa Myanmar at pinaniniwalaang mula sa panahong Kretaseyoso noong mga 145 hanggang 65 milyong taon ang nakakalipas. Ayon sa mga entomologo, noong 10,000 taon ang nakakalipas, ang pagkagat ng lamok sa mga tao ay walang pakinabang sa mga lamok bago ang pagunlad ng agrikultura at sedentaryong lipunan ng tao. Ayon rin sa mga siyentipiko, ang ebolusyon ng mga lamok ay nauugnay sa kasaysayan ng pag-iral ng tao. Ang mga lamok ay nag-ebolb kasabay ng pagbabago sa pamumuhay ng mga tao. Ang maliit na praksiyon ng mga lamok ay nag-ebolb ng espesyalisasyon upang kumagat sa mga tao at ito ang responsable sa karamihan ng mga sakit na dala dala ng lamok sa buong mundo.[2] Sa pagkukumpara ng mga gene ng mga lamok, ang lamok na Aedes aegypti ay nag-ebolb sa mga ninuno nito sa mga isla ng katimugang kanlurang Karagatang Indiyano noong 7 milyog taon ang nakakalipas. Ang mga lamok na ito ay lumaganap mula sa mga kapuluan tungo sa Aprika noong mga 25,000 hanggang 17,000 taon ang nakakalipas. Sa isang pag-aaral ng datos na kinabibilangan ng 1.38 bilyong baseng pares na naglalaman ng mga 15,419 gene na nagkokodigo ng mga protina, ang sekwensiya ay nagpapakitang ang Aedis aegypti ay humiwalay mula sa Drosophila melanogaster hoong 250 milyong taon ang nakakalipas at ang Anopheles gambiae at ang espesyeng ito ay naghiwalay noong 150 milyogn taon ang nakakalipas.[3][4] Natuklasan nina Matthews et al. noong 2018 na ang A. aegypti ay nagdadala ng malaki at iba't ibang bilang ng mga elementong transposable. Ang analisis ay nagmumungkahing ito ay karaniwan sa lahat ng mga lamok.[5]

Mga kasapi ng lamok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga lamok ay kasapi ng pamilyang langaw na nematoceran. Ang mga subpamilya ng lamok ang Anophelinae at Culicinae. Ang mga lamok ay inuuri sa 112 genera.

Tagapagdala ng sakit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga lamok ay mga vector o tagapagdala o nagpapasa ng maraming mga sakit na sanhi ng mga virus at parasito. Kabilang sa mga sakit na dala dala ng mga lamok ang malaria, dengue, West Nile virus, chikungunya, yellow fever, filariasis, tularemia, dirofilariasis, Japanese encephalitis, Saint Louis encephalitis, Western equine encephalitis, Eastern equine encephalitis,[7] Venezuelan equine encephalitis, Ross River fever, Barmah Forest fever, La Crosse encephalitis, and Zika fever,[7] gayundin ang bagong natukoy na Keystone virus at Rift Valley fever. Walang ebidensiya na ang COVID-19 ay maipapasa ng kagat ng lamok sa tao o kahit ang HIV.[8][9]

Ang kagat ng mga babaeng lamok ng genus na Anopheles ay nagdadala ng parasitong malaria. Ang apat na espesye ng protozoa na nagsasanhi ng malaria ang Plasmodium falciparum, Plasmodium malariae, Plasmodium ovale at Plasmodium vivax[10] (see Plasmodium). Sa buong mundo, ang malaria ang pangunahing sanhi ng maagang kamatayan lalo na sa mga bata sa ilalim ng edad na lima na may 207 milyong kaso ang higit sa kalahting milyong kamatayan noong 2012. Ang kamatayan sa kagat ng lamok na nagsanhi ng malaria ay umabot ng isang milyong noong 2018 ayon sa American Mosquito Control Association.[11]

Ang ilang espesye ng lamok ay nagsasanhi ng uod na filariasis na isang parasitong nagsasanhi ng elephantiasis na nagdudulot ng kapansanan sa mga tao.

Ang mga sakit na virus na yellow fever, dengue fever, Zika fever at chikungunya ay dulot ng kagat ng mga lamok naAedes aegypti mosquitoes.

Ang ibang mga sakit gaya ng epidemic polyarthritis, Rift Valley fever, Ross River fever, St. Louis encephalitis, West Nile fever, Japanese encephalitis, La Crosse encephalitis at ilang encephalitis ay sanhi ng ilang lamok. Ang Eastern equine encephalitis (EEE) at Western equine encephalitis (WEE) ay nangyayari sa Estados Unidos na nagsasanhi ng sakit sa mga tao, kabayo at ibon. Dahil sa mataas na kamatayan sa mga sakit na ito, ang EEE at WEE ay itinuturing na pinakaseryosong sakit sa Estados Unidos. Ang mga sintomas nito ay transkaso, coma at kamatayan.[12]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Harbach, Ralph (Nobyembre 2, 2008). "Family Culicidae Meigen, 1818". Mosquito Taxonomic Inventory. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 3, 2022. Nakuha noong Agosto 5, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link), see also Valid Species List Naka-arkibo 2022-03-15 sa Wayback Machine.
  2. https://www.princeton.edu/news/2020/07/23/taste-humans-how-disease-carrying-mosquitoes-evolved-specialize-biting-us#:~:text=%E2%80%9CThey%20evolved%20in%20response%20to,to%20specialize%20in%20biting%20humans.
  3. Heather Kowalski (Mayo 17, 2007). "Scientists at J. Craig Venter Institute publish draft genome sequence from Aedes aegypti, mosquito responsible for yellow fever, dengue fever". J. Craig Venter Institute. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-15. Nakuha noong 2007-05-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Vishvanath Nene; Jennifer R. Wortman; Daniel Lawson; Brian Haas; Chinnappa Kodira; atbp. (Hunyo 2007). "Genome sequence of Aedes aegypti, a major arbovirus vector". Science. 316 (5832): 1718–1723. Bibcode:2007Sci...316.1718N. doi:10.1126/science.1138878. PMC 2868357. PMID 17510324.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Cosby, Rachel L.; Chang, Ni-Chen; Feschotte, Cédric (2019-09-01). "Host–transposon interactions: conflict, cooperation, and cooption". Genes & Development. Cold Spring Harbor Laboratory Press & The Genetics Society. 33 (17–18): 1098–1116. doi:10.1101/gad.327312.119. ISSN 0890-9369. PMC 6719617. PMID 31481535.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Williston, Samuel Wendell (1896). "On the Diptera of St. Vincent (West Indies)". Transactions of the Entomological Society of London. 1896: 253–446, pls. 8–14. Nakuha noong 3 Hunyo 2018.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 "Diseases that can be Transmitted by Mosquitoes - Minnesota Dept. of Health". www.health.state.mn.us (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-02-15. Nakuha noong 2018-02-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "WHO | Myth busters". www.who.int. Nakuha noong 2020-04-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Service, Purdue News. "It's extremely unlikely mosquitoes can transmit COVID-19, Purdue professor says". www.purdue.edu (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-04-27. Nakuha noong 2020-05-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "WHO | Malaria". www.who.int. Nakuha noong 2018-02-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Mosquito-Borne Diseases - American Mosquito Control Association". www.mosquito.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-02-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Mosquito-borne diseases, infectious disease information, NCID, CDC". Nakuha noong 20 Agosto 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kulisap Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.