Pumunta sa nilalaman

Samgyupsal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Koreanong barbikyu)
Samgyupsal
Hangul고기구이
Binagong Romanisasyongogigui
McCune–Reischauerkogikui

Ang Koreanong barbikyu (Koreano: 고기구이, gogi-gui, 'karneng inihaw'), o mas kilala rin bilang samgyupsal o samgyup sa Pilipinas,[1] ay tumutukoy sa sikat na paraan sa lutuing Koreano ng pag-iihaw ng karne, karaniwang baka, baboy, o manok. Madalas inihahanda ang mga nasabing putahe sa mga ihawang de-gas o de-uling na nakakabit sa hapag-kainan mismo. Kapag walang nakakabit na ihawan sa restoran, binibigyan ang mga mamimili ng bitbiting kalan para magamit ng mga nagsisikain sa lamesa. O kaya, may kusinerong nag-iihaw sa gitna ng restoran upang ihanda ang mga inorder.

Bulgogi ang pinakakinakatawang uri ng gogi-gui na kadalasang gawa sa maninipis na hiwa ng timpladong tapadera o solomilyo ng baka. Isa pang sikat na uri ang galbi na gawa sa timpladong tagiliran ng baka.[2] Gayunpaman, kabilang din sa gogi-gui ang iba pang mga uri ng timpladong at di-timpladong karne, at maaaring hatiin sa mga iba't ibang kategorya. Sikat ang Koreanong barbikyu sa inang bayan nito, ngunit sumikat din ito sa buong mundo dahil sa Hallyu, isang termino na naglalarawan sa pagsikat ng kulturang Koreano noong d. 1990 at d. 2000.[3]

Karne Timplado Di-timplado
Baka
  • Bulgogi (불고기) (kilala rin bilang 'karneng maapoy')
  • Galbi (갈비)
  • Jumulleok (주물럭), mga maikling isteyk na minarinada sa langis ng linga
  • Chadolbagi/chadolbaegi (차돌박이/차돌백이), manipis na hiniwang briskete
  • Deungsim (등심), tapadera
  • Kkot deungsim (꽃등심), rolyo ng ribeye steak
  • Ansim (안심), solomilyo
  • Salchisal (살치살), kadera
  • Galbisal (갈비살), kostilyas
  • Chae kkeut (채끝), strip loin
  • Buchaesal (부채살), top blade
  • Anchangsal (안창살), outside skirt steak
  • Chimasal yangji (치마살 양지), kamto
Baboy
  • Dwaeji bulgogi (돼지불고기), maanghang na bulgoging baboy
  • Dwaeji galbi (돼지갈비), galbing baboy
  • Dwaeji jumulleok (돼지주물럭), jumulleok na baboy
  • Samgyeopsal (삼겹살), liyempo
  • Moksal (목살), balikat ng baboy
  • Dwaeji kkeopdaegi (돼지껍데기), balat ng baboy
Manok
  • Dak galbi (닭갈비), maanghang na marinadong manok
  • Dak gui (닭구이), inihaw na manok

Timpladong karne sa barbikyuhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bulgogi (불고기) ang pinakasikat na uri ng karne sa samgyupan. Bago lutuin, binababad ang karne sa pinaghalong toyo, asukal, luya, tanduyong, langis ng linga, bawang at paminta.[4] Kinaugaliang sangkapin ang mga peras sa marinada na nakakatulong sa pagpapalambot ng karne, ngunit ginagamit na rin ngayon ang kiwi at pinya.[5] Ayon sa tradisyon, niluluto ito sa mga parilya o butas-butas na ihawan na hugis-bobida na nakapatong sa mga brasero, ngunit naging karaniwan na rin ang pagluluto sa kawali.

Sutbul (mga baga ng uling) na pambarbikyu

Gawa ang galbi (갈비) sa tagiliran ng baka na binadbad sa sarsa na maaaring maglaman ng mirin, toyo, tubig, bawang, pula ar puting asukal at mga hiniwang sibuyas. Pinaniniwalaang pinakamasarap ito kapag iniluto sa uling o agiw (, mga sunog na piraso ng kahoy).[6][7]

Ang jumulleok ay short steak na tinimpla ng mantika ng lingga, asin at paminta. Halos magkatulad ito sa di-timpladong gogigui at ang itinatanggi nito sa iba pang mga uri ay ang malaisteyk at makatas na pagkakahabi. Karaniwan ding ginagamit ang mga hiniwang pato para sa jumulleok sa halip ng baka.

Ang daeji bulgogi (maanghang na baboy) ay isang tanyag na ulam pang-gogigui. Naiiba ito sa beef bulgogi dahil hindi nagmumula sa toyo ang pambabad, ngunit sa halip, nakababad ito sa mga sarsang galing sa gochujang at/o gochu garu (Koreanong pinulbos na sili).

Di-timpladong karne sa barbikyuhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Koreanong barbikyung Galbi

Ang chadolbegi ay isang ulam na gawa sa mga maninipis na hiwa ng petso ng baka na di-timplado. Napakanipis nito kaya naluluto ito halos agad-agad sa sandaling nilalagay ito sa pinainit na kawali.

Ang samgyeopsal ay gawa sa mga mas makapal na hiwa ng di-inasnang liempo. Ito ay may taba at malambot. Sa Korea, mas madalas kinakain ang samgyeopsal kaysa sa chadolbegi dahil mas mababa ang presyo ng baboy roon. Karaniwan itong kinakain kasama ng soju (isang tradisyunal na alak).

Koreanong baribikyung liempo

Popular na pinagpipilian din bilang di-timpladong uri ng gogigui ang tapadera (deungsim, 등심) at tagilirang walang buto (galbisal, 갈비살).

Ang gogi-gui ay may kasamang iba't ibang uri ng banchan (mga pamutat). Sa mga restawran, halos palaging sinasamahan ang karne ng pajeori (ensaladang berdeng sibuyas) at isang sariwang putaheng gulay na may litsugas, pipino, at paminta. Ang isang kinaugaliang paraan ng pagkakain ng Koreanong barbikyu ay ang pagbalot ng karne sa litsugas at pagdaragdag ng mga pampalasa tulad ng pajoeri (maanghang na ensaladang tanduyong) at ssamjang (maanghang na masa na gawa sa doenjang na hinaluan ng gochujang).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Talababa
  1. "The Samgyup Craze in the Philippines". wheninmanila.com. Nakuha noong 2024-04-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Kahit galbi mula sa baka ang pinakakaraniwang uri ng galbi, maaari rin itong gawa sa mga tadyang ng baboy o manok.
  3. "Past, Present and Future of Hallyu (Korean Wave)" [Nakaraan, Kasalukuyan at Kinabukasan ng Hallyu (Along Koreano)] (PDF) (sa wikang Ingles).
  4. "Bulgogi (Korean Barbecued Beef)" [Bulgogi (Baka sa Koreanong Barbikyu)]. Food Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "A Brief History of Bulgogi, Korea's Most Delicious Export (Recipe)" [Isang Maikling Kasaysayan ng Bulgogi, Ang Pinakamasarap na Luwas ng Korea (Resipi)]. Smithsonian Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Watch: How to Do All-You-Can-Eat Korean Barbecue Like a Pro" [Panoorin: Paano Mag-All-You-Can-Eat na Samgyupsal na Parang Pro]. Eater (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-03-30.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Grilled Beef Galbi (Korean-Style Marinated Short Ribs) Recipe" [Resipi ng Inihaw na Bakang Galbi (Timpladong Tagiliran ng Baka sa Lutuing Koreano)]. www.seriouseats.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]