Matthew McConaughey
Matthew McConaughey | |
---|---|
![]() Si McConaughey sa Goldene Kamera, Berlin, 2014 | |
Kapanganakan | Matthew David McConaughey Nobyembre 4, 1969 Uvalde, Texas, U.S. |
Nagtapos | University of Texas at Austin |
Trabaho | |
Taóng aktibo | 1991–kasalukuyan |
Yaman | US $75 milyon (2014) |
Asawa | Camila Alves (k. 2012) |
Anak | 3 |
Si Matthew David McConaughey ( /məˈkɑːnəheɪ/;[1] ipinanganak 4 Nobyembre 1969)[2] ay isang Americanong aktor at prodyuser. Una siyang sumikat sa pelikulang komedya na Dazed and Confused (1993), at sumunod na lumabas sa mga pelikulang slasher na Texas Chainsaw Massacre: The Next Generation (1994), legal thriller na A Time to Kill (1996), historical drama ni Steven Spielberg na Amistad (1997), science fiction drama na Contact (1997), komedyang EDtv (1999) at ang war film na U-571 (2000).
Noong dekada 2000, sumikat siya sa pagganap sa mga romantic comedy,[3] kasama dito ang The Wedding Planner (2001), How to Lose a Guy in 10 Days (2003), Failure to Launch (2006), Fool's Gold (2008) at Ghosts of Girlfriends Past (2009). Simula 2010 iniwan niya ang mga romantic comedy at gumanap sa mga pelikulang The Lincoln Lawyer (2011), Bernie (2011), Killer Joe (2011), The Paperboy (2012), Mud (2012), Magic Mike (2012), The Wolf of Wall Street (2013) at Interstellar (2014). Siya ay itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na aktor ng henerasyong ito at may mga film critic at mamamahayag at nagsabing at ang panahong ito ng pelikula ay ang 'McConaissance'.[4]
Natamo ni McConaughey ang tagumpay noong 2013 sa pagganap nito bilang isang cowboy na-diagnose ng AIDS sa pelikulang biyograpiko na Dallas Buyers Club. Dito nanalo siya ng Academy Award for Best Actor at Golden Globe Award for Best Actor, at ilan pang gawad at nominasyon. Noong 2014, lumabas siya bilang Rust Cohle pinupuring crime anthology series ng HBO na True Detective. Dito nanalo siya ng Critics' Choice Award at nominado ng Primetime Emmy Award for Outstanding Lead Actor in a Drama Series.
Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ "NLS/BPH: Other Writings, Say How?
- ↑ "Matthew McConaughey".
- ↑ "Matthew McConaughey: from himbo to highbrow".
- ↑ Syme, Rachel (January 16, 2014).
Kawing Panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]
![]() |
May kaugnay na midya ang Wikimedia Commons tungkol sa artikulong: |
- Matthew McConaughey sa Facebook
- Matthew McConaughey sa Twitter
- Bidyo sa YouTube
- Matthew McConaughey sa IMDb
- Matthew McConaughey sa AllRovi
- Padron:Rotten-tomatoes-person
- Matthew McConaughey on Box Office Mojo
- Matthew McConaughey on NETFLIX
Mga Parangal at Natanggap | ||
---|---|---|
Inunahan ni: Daniel Day-Lewis |
Academy Award for Best Actor 2013 |
Sinundan ni: Eddie Redmayne |