Pumunta sa nilalaman

Minandal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Meriyenda)
Ilang mga kilalang pangmeryenda sa Pilipinas: ginataang bilo-bilo, kutsinta, bibingkang malagkit, turon, bananaque, kalamay, nilupak, buchi-buchi, suman at puto bumbong

Ang pagkaing pangmerienda, pagkaing pangmiryenda, pagkaing pangmeryenda, pagkaing pangminindal, pagkaing pangmirindal, o pagkaing pangminandal, na tinatawag ding merienda, meryenda, miryenda, minindal, mirindal, o minandal[1] lamang (Kastila: merienda, Ingles: snack, snack food, na naging katumbas ng snack break kung kaugnay ng oras ng pagkain, iyong "pagpapahinga at kumain ng magaan") ay isang kaputol ng pagkain na kadalasang mas maliit kaysa sa isang karaniwang pagkain, na pangkalahatang kinakain sa pagitan ng pangunahing mga oras ng pagkain (halimbawa, sa pagitan ng agahan at ng pananghalian; at maging sa pagitan ng tanghalian at ng hapunan).[2][3] Mayroong sari-saring mga uri ng mga miryenda, kabilang na ang mga pagkaing nakapakete at napruseso at mga bagay mula sa sariwang mga sangkap sa tahanan.

Sa nakaugalian, ang mga minandal ay inihahanda magmula sa mga ingridyenteng karaniwang nakukuha sa loob ng tahanan. Kadalasang mga tira-tira, ang mga pinalamanang tinapay na pinalamanan ng mga malalamig na hiwang mga palaman, mga mani, mga prutas, at mga katulad ang ginagawang mga pangminandal. Ang pinalamanang tinapay na Dagwood ay orihinal na resultang nakakatawa ng pagnanais ng isang tauhang pang-cartoon sa malalaking bilang ng mga pagkaing pangmiryenda. Ang mga inuming katulad ng kape ay pangkalahatang hindi itinuturing na mga miryenda bagaman maaaring konsumuhin ang mga ito sa pagitan ng mga oras ng pangunahing pagkain na katulad ng isang tunay na pagmimiryenda, o kapiling ng mga pagkaing pangmiryenda. Ang inumin ay maaaring ituring na isang pagkaing pangminandal kapag may nilalaman itong isang bagay na pagkaing masustansiya (iyong mga presa, mga saging, mga kiwi) na tinimpla at hinalo upang maging isang smoothie ("malambot na inumin").

Ang payak na mga pagkaing pangminandal na katulad ng payak na mga angkak, pasta at mga gulay ay may katamtamang katanyagan, at ang salitang snack sa Ingles o "isnak" ay madalas na ginagamit upang tukuyin ang isang mas malaking dami ng pagkain na kinasasangkutan ng niluto o natirang mga bagay-bagay. Ang pagkain nang anim na ulit ay isang uri ng pagkonsumo ng pagkain na nagsisingit ng miryendang pangkalusugan Naka-arkibo 2012-04-21 sa Wayback Machine. sa pagitan ng mga pangunahing oras ng pagkain na may maliliit na dami, upang mapigilan o maiwasan ang pagkagutom at maitaguyod ang pagbabawas ng timbang.

Sa paglaganap ng mga tindahang pangkaluwagan o pangkaginhawahan, ang mga pagkaing pangmiryenda na nakapakete ay isa na ngayong mahalagang negosyo. Ang mga pagkaing pangminandal ay karaniwang dinisenyo upang maging nadadala saan man magpunta, mabilis kainin, at nakapagbibigay ng kasiyahan o nakakabusog. Ang pagpuproseso ng mga pagkaing pangmiryenda ay dinisenyo upang maging hindi gaanong tinatablan ng pagkasira, mas pangmatagalan, at mas nabibitbit kung saan-saan kaysa sa mga inihahanda o nilulutong mga pagkain. Kadalasan silang naglalaman ng sagana sa pampatamis, mga pangtinggal (mga preserbatibo), at nakasasamo o nakaaakit na mga sangkap na katulad ng tsokolate, mga mani, at lasang natatanging idinisenyo (katulad ng nilagyan ng lasa na mga tapyas ng patatas). Ang isang pagkaing pangmiryenda na kinakain bago ang pagtulog sa gabi o tuwing gabi ay maaaring tawagin bilang isang midnight snack sa Ingles o "pagkaing panghatinggabi" o "pagkaing pangmedyanotse".

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Mirindal atbp". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Merienda". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Definition of Snack at Dictionary.com". Nakuha noong 2011-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Pagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.