Turon (lutuing Pilipino)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Para sa dulseng Valenciano, tingnan ang Turon (lutuing Kastila).
Turon
05269jfFoods of Bulacan Philippinesfvf 45.jpg
Ibang tawagTurrón de banana, turrón de plátano, lumpiang saging
UriMinandal
LugarPilipinas
Pangunahing SangkapSaging, pulang asukal

Ang turon[1] (pagbigkas sa Tagalog: [tuˈɾɔn]; Kastila: turrón de banana o turrón de plátano), na kilala rin bilang lumpiang saging, ay isang tipikal na Pilipinong pangmeryenda. Habang may mga sari’t saring uri nito, ang turon sa pinakapayak na anyo ay saging na pinahiran ng muskovado, binalutan ng pambalot ng lumpia, at pinirito. Maaari ring gamitin ang mga ibang laman kasama ng saging, pinakamadalas ang langka, at kamote, mangga, kesong cheddar at buko.

Popular na minandal at pagkaing kalye ang turon sa mga Pilipino.[2] Kadalasang ibinebenta ito kabilang ang bananakyu,[3] kamotekyu, at maruya.

Sa Malabon, ang salitang "turrón" o "turon", ay tumutukoy sa pinritong panghimagas na binalot ng pambalot ng lumpia na nilalaman ng matamis na monggo; habang tumutukoy ang valencia sa baryante na may saging sa loob. Kadalasang ibinebenta ang turon ng Malabon bilang valencia trianggulo na may natatanging hugis-tatsulok.[4][5]

Pangalan[i-edit | i-edit ang source]

Dating tumuturing ang turon sa nougat at anumang maliliit na pagkain madaling isubo, ngunit naiba ang mga kahulugan nito sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, karaniwang tumutukoy ito sa pinipritong mga sahog na binalutan ng pambalot ng lumpya.[1]

Tingnan din[i-edit | i-edit ang source]

Talasanggunian[i-edit | i-edit ang source]

  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Turon". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
  2. Home Cooking Rocks Naka-arkibo 2010-11-23 sa Wayback Machine. website accessed on 16 November 2010
  3. Turon recipe
  4. "Recipe #43: BANANA TURON (Valencia)". Luto Ni Lola. Tinago mula sa orihinal noong 10 Abril 2019. Nakuha noong 10 April 2019.
  5. Aspiras, Reggie. "Valencia 'triangulo,' sacred cookies and 'leche flan' cheesecake–more reasons to celebrate the season". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 10 April 2019.


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.