Turon (lutuing Kastila)
- Para sa pangmeryendang Pilipino, tingnan ang Turon (lutuing Pilipino).
Ibang tawag | Turrón, Torró, torrone, torrão, turrone, nougat |
---|---|
Uri | Konpeksyon |
Pangunahing Sangkap | Pulot-pukyutan, asukal, puti ng itlog, almendras or iba pang nuwes |
|
Ang turon (Kastila: turrón; Balensyano: torró; Italyano: torrone) ay isang Timog Europeong dulseng likha sa nugat, tipikal na gawa sa pulot-pukyutan, asukal, at puti ng itlog, binalutan ng durog at tinostang almendra, at madalas isinasahugis bilang rektanggular na tableta o bilugang keyk. Sa panahong ito karaniwan itong kinakain bilang kinaugaliang himagas pam-Pasko sa Espanya at Italya pati na rin sa mga bansa na dating bahagi ng Imperyong Kastila, lalo na sa Amerikang Latino.
Pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kilala itong konpeksyong nugat sa pamamagitan ng magkatulad na pangalan sa mga iba't ibang wika.Turrón ito sa wikang Kastila (binibigkas na [tuˈron]). Sa Katalan, torró (binibigkas na [tuˈro]). Sa Italyano, torrone (pagbigkas [torˈroːne]). Sa Brasilenyong Portuges, torrone (binibigkas na: [toˈʁoni]). In Sardinian turrone (binibigkas na [tuˈrɔne]). Sa Europeong Portuges, torrão (binibigkas na: [tuˈʁɐ̃w]).
Resipi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Marahil na ang ika-16 dantaong Manual de mujeres (Muntaklat ng Kababaihan), isang manwal ng mga resipi para sa mga pampaganda at iilang mga pagkain ang naglalaman ng pinakalumang resipi ng turon.[1] Nagsusumamo ito ng pulot-pukyutan at mga puti ng itlog na niluto hanggang maging bitakin ang mga ito kapag nalamig na. Kapag karamelisado na ang pulot-pukyutan, iminumungkahi na resipi na dagdagan ito ng mga pinyon, almendras, abelyana na binalat at isinangag. Niluluto pa nang konti ang timpla, at sa wakas tinatanggal ang mga ito mula sa init at hinihiwa.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Marahil pinagmulan ng lahat ng baryante ng pangalan nito mula sa torrere ng Latin (tustahin). Ang modernong konpeksyon ay maaaring nagmula sa putaheng Muslim na laganap sa mga bahagi ng Islamikong Espanya na kilala bilang turun, [2] o kahit na mula sa isang sinaunang putaheng Griyego.[2] Maaari ring ituro ang isang kawangis na konpeksyon na tinatawag na cupedia o cupeto na ipinagbibili sa Sinaunang Roma at itinala ng mga Romanong makata.[3][4]
Tiyak na masasabi na may turon na kahit man lamang noong ika-15 dantaon sa lungsod ng Xixona sa hilaga ng Alicante. Sa ngayon madalas kinakain ang turon sa karamihang bahagi ng Espanya, sa iilang bansa ng Amerikang Latino, at sa Roussillon sa Pransya. May pagkahalintulad ang Italyanong torrone sa uring Kastila, at tipikal ito sa Cremona at Benevento sa Italya. Mayroong mga konpeksyong magkahawig na nililikha sa Pilipinas.
Mayroong mga baryante sa mga iilang rehiyon ng hilagang Mediteraneo.
Mga uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong mga iba't ibang kaligatan at itsura ang turon, ngunit ayon sa kaugalian, binubuo sila ng mga parehong kasangkapan; ang resulta ay maaaring matigas at malutong, o malambot at kayang nguyain. Tatlumpung taon na ang nakalipas pare-pareho ang mga resipi ng turon, ngunit magmula ng sari-saring uri ng produkto, mayroong mga dosenang baryante: tsokolate na may ampaw o buong almendras; lahat ng klase ng tsokolateng pralina, meron o walang alak, minatamis na pralina; at kahit mga baryasyon na walang asukal (pinapatamis ng pruktosa o artipisyal na pampatamis).
Kastilang turrón
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maaaring maisauri ang tradisyonal na Kastilang turon sa:
- Matigas, o uring Alicante: isang siksik na bloke ng buo-buong almendrang pinagdikit-dikit ng matigas na masa ng itlog, pulot-pukyutan, at askual; 60% almendras.
- Malambot, o uring Xixona: batay sa halong masa ng mantika, pulot-pukyutan, asukal, itlog, at almendra, na bumubuo ng isang madaling-makakaing bloke; 64% almendras[5]
Itong mga baryasyon sa kasangkapan at nagreresulta ng pagkatuyo ay sumasalamin ng kontinuum na makikita rin sa galyetas-amaretto (lasang almendras), mula merengge hanggang macaroon.
Liban sa mga kaugaliang uri mula sa Xixona at Alacant, mataas ding ikinalulugod din ang Torró d'Agramunt mula sa Lleida, Torró de Xerta mula sa Tortosa, torró de Casinos at ang torró de gat (isang uri mula sa Cullera na gawa sa binusang mais at pulot-pukyutan).
Sa kasalukuyan, pinalawak ang kahulugan ng turrón sa Espanya para isama ang mga iba pang pagkaing dulse na tulad ng tradisyonal turrón ay binebenta sa mga bloke ng mga 20 x 10 x 3 cm. Maaaring itampok ng mga blokeng ito ang tsokolate, marzipan, buko, karamelo, minatamis na prutas, atbp.
Pilipinong turon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang deribatibo ang turrones de casoy turrón (Kastila: turrones de anacardo) mula sa lalawigan ng Pampanga. Ito ay isang bloke ng marzipan na gawa sa kasoy, at binabalot sa puting apa. Hindi tulad sa ibang bahagi ng Hispanidad, hindi ito nauugnay sa kapaskuhan. Isa pang deribatibo ang turrones de pili, na gawa sa katutubong pili. Kahawig nito ang masareal ng Mandaue, Cebu na gawa sa mga ginadgad at pinakuluang mani, asukal o latik, at tubig. Gayunman, hindi ito ganoon katuyo tulad ng turon.[6][7][8][9]
Isang deribatibo pero napakaibang pagkaing kalye ang turon na isang panghimagas na bersyon ng Pilipinong lumpia. Ang pinakakaraniwan nito ay ang turon na saging na mga hinating saging o plantain na sinawsaw sa pulang asukal na binalot sa pambalot ng lumpia, and piniprito. Gayunpaman, mayroong mga iba pang posbileng laman ang turon, tulad ng ube, kamote, at kahit mani (turon de mani).[10][11][12]
Italyanong Torrone
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang torrone ay isang tradisyonal na konpeksyon pang-taglamig at pampasko sa Italya at mayroong mga iba't ibang uri. Naiiba ito sa Kastilang bersyon sa paggamit ng mas mababang hagway ng nuwes sa konpeksyon. Nag-iiba ang mga tradisyonal na uri mula sa Cremona, Lombardy, ayon sa pagkakahabi (morbido, malambot at mangunguya, hanggang duro, matigas at malutong) at sa lasa (iba't ibang mga lasang-sitrus, baynilya, atbp., na idinadagdag sa nugat) at maaaring maglaman ng mga buong kastanyas, almendras, at pistasyo o madagdagan lamang ng nut meal ang nugat. Isinasawsaw ang mga iilang komersyal na uri sa tsokolate. Pabago-bago ang mga sikat na resipi at nag-iiba rin ayon sa rehiyon. Ang torrone di Benevento mula sa Benevento, Campania, ay tinatawag minsan gamit ang makasaysayang pangalan Cupedia na nagpapahiwatig ng namumumuong bersyon na gawa sa kastanyas. Ang mas malambot na uri ay gawa sa almendras. Ang torrone di Benevento ay itinuturing bilang pinakalumang uri dahil nauuna ito sa mga panahon ng Romano at kilang-kilala ito sa mga teritoryo ng Samnium.[13][14] Kahit na orihinal na kahawig ng malagkit na kola, bahagya na lamang ang pagkakaiba nito ngayon sa mga baryante ng Torrone di Cremona.[15][16] Mayroon ding mga lokal na bersyon ang Abruzzo, Sicilia at Sardinia na maaaring magkaiba nang kaunti mula sa dalawang pangunahing bersyon mula sa Lombardy at Campania.[17]
- Torrone di Mandorle (kadalasang kinakain sa kapaskuhan): mga bloke ng tinadtad na almendras sa malutong na masa ng pulot-pukyutan at asukal.
- "Torrone di Bagnara Calabra " ay isang mabunying Torrone na iginawad ng makalidad na tatak ng I.G.P .
Ang kalidad na iginawad ay isang sinaunang resipi na dokumentado mula noong 1700. Gawa ito sa pulot ng bulaklak ng kahel (mula sa Calabria-Sicilia), almendres (mula sa Sicilia), puti ng itlog, asukal, kakaw at mahahalagang langis. Maaaring ibukod ito sa dalawang baryasyon. Ang una ay kilala bilang "martiniana" na nawisik nang kaunti sa butil na asukal. Ang ikalawa ay "Torrefatto" kung kailan pinapahid ito ng kakaw.
Perubyanong turrón
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa lutuing Perubyano karaniwan na malambot ang turrón at maaaring pinalasa ng sangki. Binago ang orihinal na Kastilang resipi na naglaman ng mga kasangkapan na pambihira o mahal sa Peru (tulad ng almendres, tubig-rosas, tubig ng bulaklak ng kahel, pulot-pukyutan), sa mga iba't ibang paraan. Ang isang karaniwang uri na matatagpuan sa Lima ay ang Turrón de Doña Pepa, isang nugat na gawa sa sangki at pulot na tradisyonal na inihahanda para sa prusisyon ng Señor de los Milagros (o Senyor ng mga Milagro), tuwing Oktubre.
Portorikenyong turrón
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Puerto Rico, tinatawag ang turrón bilang Turrón de Ajónjolí (turon de-linga). Ang Portorikenyong turrón ay gawa sa tostadong itim at puting buto ng linga, dinurog na kanela, katas ng limon, na pinagsama-sama sa karamelisadong pulang asukal at pulot-pukyutan. Kabilang sa mga ibang uri ang almendras, balat ng dayap, buto ng mirasol kasama ng buto ng lino, balat ng kahel, at tostadong ginadgad na buko.
Kubanong turrón
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Kuba, ang turrón de maní (turon de-mani) ay isang tradisyonal na dulse. Kadalasang inilalako ang mga tihong pangmeryenda sa mga sakayan ng bus at madla, ngunit mayroon ding pakete pampamily na umaabot ng dalawang libra. Mayroong dalawang uri nito: blando, dinurog na mani na hinubog para maging bloke na may pulang asukal; at duro, tinadtad na tostadong mani na pinagsama-sama ng karamelisadong asukal at pulot-pukyutan.
Protektadong kalagayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga iba't ibang uri ng turrón/torrone na may protektadong heograpikal na estado sa ilalim ng batas ng EU ang:
- Jijona (PGI) (Komunidad ng Valencia)[18]
- Turrón de Alicante (PGI) (Komunidad ng Valencia)[19]
- Torró d'Agramunt (PGI) (Katalunya)[20]
Ang mga iba, tulad ng Torrone di Cremona (Italya) ay may protektadong estado sa (pero hindi limitado sa) bansang gumagawa nito.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Manual de mujeres en el cual se contienen muchas y diversas recetas muy buenas". Biblioteca Virtual Miguel de Cervantes. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-24. Nakuha noong 2010-01-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Origen del turrón" (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2019-12-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Torrone di Benevento". Regione Campania-Assessorato all'Agricoltura. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2011-02-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mario De Simone. "Il vero torrone -- napoletano". Edizioni Pubblicità Italia. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-15. Nakuha noong 2011-02-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-25. Nakuha noong 2011-11-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Masareal". Atbp.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Abril 2019. Nakuha noong 8 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cebu's Sweets: Masareal". Everything Cebu. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Agosto 2018. Nakuha noong 8 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Villavelez, Ronald P. "Mooning over masareal". Cebu Daily News. Nakuha noong 8 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Masareal – A Sweet, Nutty Treat From Mandaue". Lola Pureza's. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Abril 2019. Nakuha noong 8 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Turon Recipe (Banana Lumpia with Caramel)". Panlasang Pinoy. Nakuha noong 6 Enero 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Aspiras, Reggie. "Valencia 'triangulo,' sacred cookies and 'leche flan' cheesecake–more reasons to celebrate the season". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 10 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Palomar, Manuel K., pat. (1998). Peanut in the Philippine Food System: A Macro Study (PDF). Peanut in Local and Global Food Systems Series. Visayas State College of Agriculture, University of Georgia.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Torrone di Benevento". Regione Campania-Assessorato all'Agricoltura. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2016. Nakuha noong 23 Pebrero 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mario De Simone. "Il vero torrone -- napoletano". Edizioni Pubblicità Italia. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hulyo 2011. Nakuha noong 23 Pebrero 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Il torrone di Benevento". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-22. Nakuha noong 2011-02-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dolcezze beneventane". Corriere DemoEtnoAntropologico. Nakuha noong 2011-02-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Torrone". Gruppo Virtuale Cuochi Italiani. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-20. Nakuha noong 2011-02-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ EU Profile - Xixona Naka-arkibo 2012-10-23 sa Wayback Machine. (07/06/2009)
- ↑ EU Profile - Torró d'Alacant Naka-arkibo 2012-10-23 sa Wayback Machine. (07/06/2009)
- ↑ EU Profile - Torró d'Agramunt Naka-arkibo 2009-07-27 sa Wayback Machine. (07/06/2009)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mamamahalang Kapulungan para sa Xixona at Turon ng Alacant
- Xixona, website na may video ng lungsod at ng museo ng turon