Pumunta sa nilalaman

Nobelang Pilipino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa pangkalahatan, ang Nobelang Pilipino o Nobela sa Pilipinas ay ang mga nobelang nalimbag sa Pilipinas na inakdaan ng mga may-akdang Pilipino tungkol sa mga Pilipino at sa Pilipinas. Maaari itong nasusulat sa wikang Tagalog, wikang Pilipino, o wikang Filipino, iba pang mga wika sa Pilipinas, at mga wikang dayuhan na katulad ng Ingles at Kastila.

Mga impluwensiya sa pagsulat ng Nobelang Pilipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon kay Virgilio S. Almario, naging impluwensiya sa ilang mga nobelistang Pilipino ang sumusunod na mga akdang banyaga: ang Hudeo Errante (1844) ni Eugene Sue, ang Conde de Montecristo (1844–46) at ang La Dama de las Camellias (1848) ni Alexandre Dumas, ang Les Miserables (1862) ng mga Kastila.

Kasaysayan ng Nobelang Pilipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong Panahon ng Kastila na may paksain tungkol sa relihiyon, kabutihang-asal, nasyonalismo, at pagbabago. Nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyang panahon.

Panahon ng Kastila

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Commission Permanente de Censura ang sumusuri ng mga akdang pampanitikan na nilalathala upang siguraduhin na walang ano mang paglaban sa pamahalaang Kastila.

Mga uri ng nobela sa panahon ng Kastila:

  • Nobelang panrelihiyon - nagbibigay diin sa kabutihang-asal
  • Nobelang mapaghimagsik - nagbibigay diin sa kalayaan, reporma, pagbabago, at diwang nasyonalismo

Halimbawa ng Nobela noong panahon ng Kastila:

  • Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal na tungkol sa paghihimagsik
  • Doctrina Christiana (1593) ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva na tungkol sa relihiyon
  • Urbana at Felisa ni Padre Modesto de Castro na tungkol sa kagandahang-asal at relihiyon
  • Barlaan at Josaphat (1703) ni Padre Antonio de Borja na tungkol sa relihiyon
  • Ninay ni Pedro Paterno (unang nobela)
  • Ang Bandido sa Pilipinas ni Graciano Lopez-Jaena noong panahon ng propaganda na tungkol sa paghihimagsik at pag - aaklas

Panahon ng Amerikano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nahahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng nobela noong panahon ng Amerikano, ang Panahon ng AklatanBayan (1900–1921), Panahon ng Ilaw at Panitik (1922–1934) at Panahon ng Malasariling Pamahalaan (1934–1942). Noong Panahon ng Akalatan, naging maunlad ang nobela na tumatalakay sa mga paksain tungkol sa pag-ibig, paghihimagsik, buhay lalawigan at karanasan. Inilalathala sa mga pahayagan ang mga nobela na payugtu-yugto o hinahati sa parte ang nobela sa mga kabanata. Si Lope K. Santos, ama ng Balarilang Tagalog ang nagsimula ng ganitong paglalathala.

Halimbawa ng mga pahayagan:

  • Ang Kapatid ng Bayan
  • Muling Pagsilang
  • Ang Kaliwanagan

Halimbawa ng nobela na nilathala sa pahayagan:

  • Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos
  • Unang Bulaklak ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kaliwanagan
  • Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kapatid ng Bayan
  • Mag-inang Mahirap ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Muling Pagsilang
  • Sampaguitang Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado

Noong Panahon ng Ilaw at Panitik, hindi naging maunlad ang nobela at nahalina ang mga nobelista na sumulat tula at maikling kuwento.

Halimbawa ng nobela sa pahanon na ito:

  • Mutyang Itinapon ni Rosalia Aguinaldo
  • Magmamani ni Teofilo Sanco

Noong panahon ng Malasariling Pamahalaan, bumaba ang urin ng nobela dahil sa pagkakahilig ng mga tao sa mga tula at maikling kuwento at pagbabago ng panahon.

Panahon ng Hapon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Noong Panahon ng Hapon, hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa kakulangan sa materyales (papel) at niliitan ang mga letra (sa Liwayway)

Halimbawa ng nobela sa panahong ito:

  • Tatlong Maria - Jose Esperanza Cruz (1944)
  • Sa Lundo ng Pangarap - Gervacio Santiago
  • Lumubog ang Bitwin - Isidro Castillo (1944)
  • Sa Pula, Sa Puti - Francisco Soc Rodrigo

Panahon ng Republika (1946–1972)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong panahon ng Ikatlong Repulika ng Pilipinas, walang pagbabago sa sistema ng pagsulat ng nobela at naging tradisyunal. Tumatalakay ng mga paksain tungkol sa nasyonalismo, isyung panlipunan at naglalayong mang-aliw ng mambabasa.

Halimbawa ng nobela sa panahon na ito

Bagong Lipunan (1972-kasalukuyan)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong panahon ng batas militar hanggang kasalukuyan, tumatalakay ang mga nobela ng mga paksain tungkol sa reporma, pag-ibig, ugaling Pilipino, pamilya, pangaraw-araw na pamumuhay. Nagbalik ang nobela sa romantisismo na nailalathala sa Liwayway at nasa pamantayang pangkalakalan (commercial).

Halimbawa ng nobela sa panahong ito:

  • Ginto ang Kayumangging Lupa - Dominador Mirasol
  • Maling Pook, Maling Panahon, Dito, Ngayon - Lualhati Bautista

Mga nobela sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kinathang nobela ng mga Pilipinong manunulat:

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]