Pagtagas ng langis sa Oriental Mindoro
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (walang petsa)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Noong umaga ng Pebrero 28, 2023, lumubog ang petrolero na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro, na nagdulot ng malawakang pagdanak ng langis sa Kipot ng Tablas, na nakaapekto sa mga lalawigan ng Antique, Batangas, Oriental Mindoro, at Palawan. Sa daan mula Bataan pa-Iloilo, may dalang 900,000 litro na pang-industriyang langis panggatong ang petrolero bago ito lumubog.
Paliwanag
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pag-aari ng RDC Reield Marine Services ang MT Princess Empress, ang petrolero na sanhi ng pagdanak-langis.[1][2] Bago ito lumubog, may tripulanteng 20 ang petrolero at patungong Iloilo upang maghatid ng 900,000 litro[a] na pang-industriyang langis panggatong mula SL Gas Harbour Terminal sa Limay, Bataan. Ani ng isang eksperto mula sa sektor ng enerhiya, "lubhang nakalalason sa kalikasan" ang pang-industriyang langis panggatong, na kilala rin sa katawagang "langis na itim".[4]
Isang daanang tubig ang Kipot ng Tablas, kung saan dumanak ang langis, sa pagitan ng mga pulo ng Mindoro, Marinduque, Panay, at Tablas, na nagsisilbing pangunahing daan ng mga barko sa Pilipinas. Isa sa pinakasaribuhay sa bansa ang kipot at mga karatig nitong anyong tubig, kabilang ang Kipot ng Pulong Verde.[5][6] Hindi bababa sa 21 lugar na protektado sa marina ang maaaring maapektuhan ng pagdanak-langis ayon sa Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR).[6][7] Bukod dito, umaasa sa pangingisda at iba pang aktibidad sa dagat para sa kabuhayan, ang mga naninirahan sa tabing-dagat ng Oriental Mindoro at mga kalapit na lalawigan.[5]
Paglubog at pagdanak ng langis
[baguhin | baguhin ang wikitext]Humigit-kumulang 2 n.u. Pamantayang Oras ng Pilipinas ( UTC+8 ) noong Pebrero 28, 2023, habang binabagtas ang tubigan ng Naujan, Oriental Mindoro, nakaranas ng maalon na kondisyon ang MT Princess Empress . [8] Sa 4:16 n.u., iniulat ito na kalahating lubog. Kalaunang apat na minuto, niligtas ng MV Efes, na may watawat ng Panama, ang mga tripulante ng petrolero at dinala sila sa Subic, Zambales, [9] [10] kung saan dumating sila bandang 6 n.h. nang walang pinsala. [11] Mula sa inisyal nitong posisyon, inanod ang MT Princess Empress tungo sa ligid ng Punta Balingawan bago tuluyang lumubog pagka 8 n.u. [12] [13] Kalaunan sa araw ding iyon, ipinadala sa lugar ng Tanod Baybayin ng Pilipinas (PCG) ang BRP Melchora Aquino at isang helikopter na Airbus upang mag-imbestiga. Isang pagdanak-langis na may limang kilometro ang haba at 500 metro ang lapad ang natagpuan malapit sa nilubugan, bagamat nilinaw ng tanod baybay na galing ito sa panggatong na diesel na ginagamit sa pagpapatakbo ng petrolero, hindi sa pang-industriyang langis panggatong na dala nito. [14] [15]
Noong Marso 1, lumawak ang pagdanak-langis sa humigit-kumulang anim sa apat na kilometro. [16] Inilarawan ng tanod baybay ang linab bilang "itim at makapal, na may masangsang na amoy". Manipis ang mga tipik ng langis kumpara sa panggatong na diesel mula sa petrolero, na nagdulot ng paunang pagdanak-langis. [17] Sa bandang 2 n.h., nakarating sa lugar ng pagdanak-langis ang MTUG Titan – isang bangkang panghila na may dalang kagamitang panlinis ng pagdanak-langis at mga miyembro ng Marine Environmental Protection Unit (MEPU) ng PCG, Environmental Management Bureau (EMB) ng DENR, at Malayan Towage and Salvage Corporation (MTSC) – at nagsimulang magsaboy ng mga pangwahi-langis. [18]
Epekto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Apektado ng pagdanak-langis ang siyam na bayan sa Oriental Mindoro: Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria, Basud, Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulalacao, isa sa Antique, Caluya ; [19] at dalawa sa Palawan, Taytay, at Agutaya. Tinataya ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) na mahigit 137,000 indibidwal ang apektado ng pagdanak-langis. [20] Sa Oriental Mindoro lamang, mahigit 99,000 katao ang apektado. 122 sa kanila ang nagkasakit, may ilan na nakakaranas ng mga sintomas sa paghinga, pagsusuka, pagtatae, pagkahilo, pangangati ng mata, at lagnat. [21] [22] Ayon sa mga mangingisda ng Naujan, malaki ang naging epekto ng trahedya sa kanilang pamumuhay na ang tanging pinagkakakitaan ay ang pangingisda. Bagamat may tulong na nagmumula sa iba't ibang sangay ng pamahalaan at pribadong sektor, ang mga ito ay hindi sapat upang tustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain, edukasyon, kalusugan, pangangailangan sa bahay, at iba pang mga bayarin (kuryente at tubig).[23]
Pagtugon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kumuha ng dalawang kontratista—Harbor Star Shipping Services at Malayan Towage and Salvage Corporation—ang RDC Reield Marine Services, may-ari ng MT Princess Empress, upang tumulong sa paglilinis. [2]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Yong, Nicholas (Marso 7, 2023). "Philippines oil spill: Residents report nausea and dizziness in affected villages". BBC News. Nakuha noong Marso 7, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 de Leon, Dwight (Marso 6, 2023). "Tanker owner guarantees 'commitment' to Oriental Mindoro oil spill cleanup". Rappler. Nakuha noong Marso 7, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang900k
); $2 - ↑ "MT Princess Empress insured for $1 billion, says MARINA official". Rappler. Marso 7, 2023. Nakuha noong Marso 12, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 de Galicia, Darcie; Espina-Varona, Inday (Marso 4, 2023). "Oriental Mindoro oil spill threatens Philippine, global diversity". Rappler. Nakuha noong Marso 7, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Cabico, Gaea Katreena. "Oriental Mindoro oil spill could affect 21 marine protected areas — DENR". The Philippine Star. Nakuha noong Marso 15, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mangaluz, Jean (Marso 1, 2023). "21 protected marine areas may be affected by Mindoro oil spill". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Marso 12, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MT Princess Empress Incident Information Centre". Princess Empress. Nakuha noong Marso 23, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Multiple citations:
- ↑ Tividad, Maria (Pebrero 28, 2023). "20 rescued from partially-submerged oil tanker in Mindoro". Philippine News Agency. Nakuha noong Marso 12, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Noriega, Richa (Marso 1, 2023). "Oil tanker off Mindoro Oriental totally sinks". GMA Integrated News. Nakuha noong Marso 17, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gregorio, Xave (Pebrero 28, 2023). "Tanker carrying 800,000 liters of fuel sinks off Oriental Mindoro". The Philippine Star. Nakuha noong Marso 7, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fernandez-Brojan, Connie; Marzan, Joey; Virola, Madonna T. (Marso 5, 2023). "Tablas Strait oil spill reaches Antique". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Marso 7, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PCG spots possible oil spill from sinking tanker off Oriental Mindoro". CNN Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 13, 2023. Nakuha noong Marso 13, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Angelo, Francis Allan (Marso 1, 2023). "Low odds of Oriental Mindoro oil spill reaching Boracay - Coast Guard". Rappler. Nakuha noong Marso 16, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Atienza, Kyle Aristophere T. (Marso 2, 2023). "Mindoro oil spill hits marine protected areas". BusinessWorld. Nakuha noong Marso 16, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sadongdong, Martin (Marso 1, 2023). "Sinking of MT Princess Empress: 'Black, thick' oil with foul odor emerges in Mindoro's waters". Manila Bulletin. Nakuha noong Marso 8, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dela Cruz, Raymond Carl (Marso 1, 2023). "Oil spill recovery begins after tanker sinks off Oriental Mindoro". Philippine News Agency. Nakuha noong Marso 8, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ramirez, Robertzon; Rendon, Jennifer. "Mindoro oil spill reaches 3 barangays in Antique". The Philippine Star. Nakuha noong Marso 17, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "DSWD: More than 137k persons affected by oil spill". The Philippine Star. Marso 12, 2023. Nakuha noong Marso 15, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ombay, Giselle (Marso 13, 2023). "Almost 100K people affected by oil spill in Oriental Mindoro —gov". GMA Integrated News. Nakuha noong Marso 15, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Magramo, Kathleen (Marso 9, 2023). "Residents hit by dizziness and fever as oil spill blankets coast of Philippine island". CNN. Nakuha noong Marso 15, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Agaton, Casper Boongaling; Guna, Charmaine Samala; Labog, Russel Añonuevo; Collera, Angelie Azcuna (2023-04-17). "Immediate Socio-Economic Impacts of Mindoro Oil Spill to Fisherfolk in Naujan, Philippines". www.researchsquare.com (sa wikang Ingles). doi:10.21203/rs.3.rs-2828018/v1.
{{cite web}}
: CS1 maint: date and year (link) CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
Kawing palabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) – Department of Social Welfare and Development (DSWD)
- Mga Epekto ng Oil Spill sa CALABARZON, MIMAROPA, at Rehiyon VI (Western Visayas) Naka-arkibo 2023-03-22 sa Wayback Machine. – National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
- Oil spill sa Pilipinas, isang activation ng International Charter 'Space and Major Disasters'
- MT Princess Empress Incident Information Center
- MT Princess Empress oil spill updates – Department of Environment and Natural Resources (DENR)
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito. |