Pumunta sa nilalaman

Palaro ng Timog Silangang Asya 2021

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ika-31 Palaro ng Timog Silangang Asya
Punong-abalang lungsodHanoi, Vietnam
Motto"For a Stronger Southeast Asia" (Biyetnames: Vì một Đông Nam Á mạnh mẽ hơn" Tagalog: "Para sa mas malakas na Timog Silangang Asya")
Mga bansang kalahok11
Mga atletang kalahok5,467
Palakasan40
Disiplina526 na kaganapan sa 40 isports
Seremonya ng pagbubukas12 Mayo 2022
Seremonya ng pagsasara23 Mayo 2022
Opisyal na binuksan niPunong Ministro Phạm Minh Chính
Panunumpa ng ManlalaroNguyễn Huy Hoàng
Panunumpa ng HukomNguyễn Thị Thanh Hoa
Torch lighterQuách Thị Lan
Main venueMỹ Đình National Stadium
WebsiteOfficial Website
Philippines 2019 Phnom Penh 2023  >

Ang Palaro ng Timog Silangang Asya 2021 (Biyetnames: Đại hội Thể thao Đông Nam Á 2021), na karaniwang kilala bilang 31st SEA Games o Vietnam 2021, ay ang ika-31 edisyon ng Palaro ng Timog Silangang Asya. , a biyenal na palarong rehiyonal na gaganapin sa 12 Mayo hanggang 23 Mayo sa Hanoi, Biyetnam. Orihinal na tinakdang ganapin ito mula 21 Nobyembre hanggang 2 Disyembre 2021, inilipat ito sa 12 hanggang 23 Mayo 2022 dahil sa pinsala ng pandemya ng COVID-19.[1] Ito ay magtatampok ng 40 mga isports, higit sa lahat ang mga nilalaro sa Palarong Olimpiko.[2] Ito ang ikalawang pagkakataon na ginanap sa Vietnam ang Mga Larong SEA mula noong 2003.

Pagpili ng Host

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Parehong Hanoi at Lungsod Ho Chi Minh ang nagsumite ng kani-kanilang mga bid upang ihost ang mga palaro. Samantala Lungsod Ho Chi Minh ang pinakapinapabor na punong-abalang lungsod, Hanoi is itinuring na pinakaunang lokasyon dahil sa sapat na mga kumpletong pasilidad na pang-isports. Lumabas ito pagkatapos utusan ni Punong Ministro Nguyen Tan Dung ang mga probinsya at mga lungsod na huwag nang magpatayo ng mga bagong pasilidad para sa mga kaganapan upang makatipid sa gastusin, ito ay matapos ang pagbawi ng bansa sa paghohost ng Palarong Asyano 2018 dahil sa problemang pampinansyal. [3][4]

Ayon sa plano ng Hanoi na sinumite Ministro ng Kultura, Isports at Turismo (MCST), ang lungsod ay gagastos ng 1.7 trilyon VND (US$77 milyon, Php 3.85 bilyon) sa paghahanda at pag-organisa sa 2-linggong Mga Palaro na itatakda sa katapusan ng Nobyembre hanggang Disyembre. 97 billion VND ($4.3 million) ang inaasahang kikitain mula sa karapatang pambrodkast, adbertisimento, mga isponsor at iba't ibang pang mga ambag.[5] Naka-arkibo 2019-12-14 sa Wayback Machine.

Lungsod Ho Chi Minh

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Disyembre 2017, Ang Komiteng Tumatayo ng Munisipyo Ho Chi Minh ng Partido Komunista ay inapruba ang plano ng lungsod sa paghost. Ayon sa plano, ang direktang gastos para sa paghohost ng Palaro is itinatayang nasa 7.48 trilyon VND (Php 16.93 bilyon) na kasamang 6.6 trilyon VND (Php 14.93 bilyon) na igagastos sa pagsasaayos ng mga pasilidad at 904 bilyon VND (Php 2.04 na bilyon) sa gastusin sa pag-organisa. Ngunit, karagdagang 8.2 trilyon VND (Php 18.56 bilyon) ang kinailangan sa konstruksyon ng Kompleks na Pang-isports na Rach Chiec at hindi itatayo ang isang nayong pang-atleta. Ang Mga Palaro ay tatakbo nang 12 araw sa kalagitnaan ng Agostos at 30-36 na isports ang igaganap. Ang mga lalawigan ng Đồng Nai at Bình Dương ay inasahan ding maghohost ng iilang kaganapan sa Mga Palaro.[6]

Noong 9 Hulyo 2018, pinili ng gobyernong Biyetnames ang Hanoi bilang host ng ika-31 Palarong TSA (SEA) at 2021 Palarong Para ng ASEAN. Noong 13 Nobyembre 2019, Si Punong Ministro Nguyễn Xuân Phúc ang pumirma sa desisyong aprubahan ang paghost ng Hanoi sa Mga Palaro. Sa kabila ng pagpaliban ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020 sa Hulyo 2021, ang mga palaro ay nakatakdang pa ring ganapin sa katapusan ng Nobyembre hanggang simula ng Disyembre 2021 tatlong buwan pagkatapos ng nireskedyul na Olimpiko. Ang ika-11 Palarong Para ng ASEAN naman ay gaganapin mula 17 hanggang 23 Disyembre 2021. Sina Vietnam Television at Voice of Vietnam ang mga hinirang na mga brodkaster na host.[7] Naka-arkibo 2019-11-17 sa Wayback Machine.

Orihinal na itinakdang ganapin mula 21 Nobyembre hanggang 2 Disyembre 2021, [8] Naka-arkibo 2019-11-17 sa Wayback Machine. Ang 2021 Palaro ng Timog Silangang Asya ay ipinagliban hanggang mula 12 hanggang 23 Mayo 2022 dahil sa pandemya ng COVID-19.[9]

Ang SEA Games Organizing Committee (SEAGOC) ng Biyetnam ay ibinuo noong Abril 2020 na may awtoridad na ihanda, isumite at itupad ang mga plano upang itanghal ang Mga Palaro.

Ang minungkahing badyet na inalok ng gobyernong Biyetnames para sa itong edisyon ng Palarong SEA ay unang tinayang nasa 1.6 trilyon VND (₱3.63 bilyon). 980.3 bilyon VND (₱2.23 bilyon) naman ay gagamitin sa gastos sa pag-organisa habang 602.3 bilyon VND (₱1.37 bilyon) ay inalok sa mga pagsasaayos ng mga pasilidad na pinamamahalaan ng MCST. Ang mga awtoridad na panlalawigan ang mga responsable sa pagsasaayos ng mga pasilidad na nasa loob ng kanilang pamamahala. Bukod pa sa bagong karerahang pambisikleta Lalawigan Hòa Bình at maliit na kompleks na pantennis sa kampus ng Hanoi Sports Training and Competition Centre (hinahawakan by Hanoi People's Committee), wala na ibang pang dausan pang-isports ang itatayo para sa edisyong ito.

Ang kikitain sa organisasyon ay inasahang nasa 226.6 bilyon VND (₱514.78 milyon), kasama ang 136.6 bilyon VND (₱310.32 milyon) magmumula sa mga bayaring pantirahan ng mga delegado at 65 bilyon VND (₱147.66 milyon) mula sa karapatang pambrodkast.

Nang dahil sa Pandemya ng COVID-19, binawasan ang badyet ng Biyetnam sa Mga Palaro. Noong Enero 2022, inapruba ng gobyernong Biyetnames at badyet na pang-organisa na nasa 750 bilyon VND (₱1.7 bilyon) para sa Mga Palaro. Noong Abril 1, 2022, inapruba ng gobyernong Biyetnames ang karagdagang badyet na 449 bilyon VND (₱1.02 bilyon) para sa Mga Palaro. Ang pera ay kinuha mula sa pambansang badyet para sa mga isports at pagsasanay na pampisikal sa 2022. Apat na mga ministro at mga ahenteng sentral ang magbibigay ng 378.3 bilyon VND, habang ang Hanoi at 11 pang mga probinsya ang tatanggap ng karagdagang 70.7 bilyon VND.

Habang ang Hanoi magiging pangunahing hub, ilang mga iba pang napapaligarang probinsya ang tutulong sa paghost ng ilang bahagi ng mga palaro. Hindi na itatayo ang mga baryo ng mga atleta, ang mga atleta at opisyal ay ilalagay sa mga hotel malapit sa kanilang mga lugar ng kompetisyon. Sa paunang plano, isang bagong kompleks pantennis ang binalak na itayo sa kampus ng Hanoi Sports Training and Competition Center at isang bagong itinayong Istadyum Hàng Đẫy ang magho-host ng isang grupo para sa putbol na panlalaki. Pareho sa mga proyektong ito ay hinarap ang pagkaantala at paghihirap sa pag-unlad at hindi na kayang kumpletuhin sa tamang oras para sa mga laro. Dahil dito, ang mga dausan ng tennis ay inilipat sa bagong itinayong pribadong dausan sa Lalawigang Bắc Ninh, at ang Istadyum Việt Trì ay magho-host ng isang grupo ng putbol na panlalaki sa tabi ng Istadyum Thiên Trường sa panahon ng tanghalang grupo.


Sona Lungosd/Lalawigan Dausan (mga) Kaganapan Kapasidad Ref.
Mga dausan sa Pamabsang Rehiyong Kabisera ng Hanoi
Hanoi Mỹ Đình National Stadium Opening and Closing Ceremony, Men's Football, Athletics 40,192 [1]
Mỹ Đình Aquatics Center Aquatics 5,700 [1]
Mỹ Đình Tennis Complex Tennis, Soft Tennis 4,000 [1]
Hanoi Indoor Games Gymnasium Tennis, Soft Tennis 3,094 [1]
Hanoi National Sports Training Centre No. 1 Shooting, Archery 5,500 [1]
Hanoi Sports Training and Competition Centre Chess, Fencing 3,375 [1]
Bắc Ninh Bắc Ninh Gymnasium Boxing, Wushu 3,000 [1]
Bắc Ninh Sports University Gymnasium Handball 1,500 [2]
Hà Nam Hà Nam Gymnasium Futsal 7,500 [1]
Hải Dương TBA Table Tennis [1]
TBA Pencak Silat [1]
Chí Linh Golf Course Golf [1]
Hòa Bình TBA Cycling [1]
Vĩnh Phúc TBA Muay Thai [3]
Other venues
Hải Phòng
Lạch Tray Stadium Women's Football 28,000 [4]
Minh Đức Boat Racing Training Center Canoeing, Rowing N/A [1]
Nam Định
Thiên Trường Stadium Men's Football 30,000 [4]
Ninh Bình
TBA TBA TBA
Quảng Ninh
Northeast Sports Center Indoor Arena Volleyball 6,105 [1]

Mga dausang hindi pangkompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Lalawigan/Munisipalidad Dausan Kaganapan/Designasyon
Hanoi Vietnam National Convention Center Sentrong Pandaigdig ng Pagbrodkast (IBC)
Sentrong Pahayagang Midya (MPC)

Mga boluntaryo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagplano ang komite sa pag-oorganisa na magsapi ng humigit-kumulang 3000 boluntaryo para sa Mga Laro na may 2000 sa kanila na nakabase sa Hanoi. Noong Pebrero 2022, nagsimulang magtrabaho ang SEAGOC sa mga lokal na kolehiyo sa Hanoi, pangunahin sa Unibersidad ng Hanoi at Unibersidad na Bukas ng Hanoi upang simulan ang proseso. Ang mga aplikante ay kailangang ganap na mabakunahan laban sa COVID-19. Ang mga piling boluntaryo ay makakatanggap ng oryentasyon at pagsasanay sa pagitan ng Marso at Abril bago italaga sa mga partikular na lugar sa Abril 2022.[23]

Relay ng sulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Magsisimula ang relay ng sulo 31 araw bago ang opening ceremony, na kumakatawan sa 31 edisyon Palaro ng Timog Silangang Asya. Magsisimula ang paglalakbay sa Templo Hùng sa Lalawigang Phú Thọ sa 11 Abril 2022, at dadaan sa lahat ng mga host na lalawiwigan bago makarating sa kuldron sa Pamabansang Istadyum ng Mỹ Đình sa 12 Mayo 2022.[24]

Hinikayat ng SEAGOC ang bawat komite sa pag-oorganisa ng probinsiya na payagan ang mga manonood na makapasok nang libre sa mga lugar ng kompetisyon. Gayunpaman, ang desisyon na i-release at/o singilin ang mga tiket ay nasa bawat lalawigan. Sa ngayon, ang Hải Phòng at Quảng Ninh ay nagpahayag ng mga interes sa libreng pagpasok para sa lahat ng mga manonood, na ang huli ay ang pinakamalaking kluster ng mga lugar sa labas ng Hanoi. Samantala, Phú Thọ, ang host para sa lahat ng mga laban ng Vietnam sa putbol na panlalaki, ay nagplano sa pagbebenta ng mga tiket.

Mga Regulasyong COVID-19

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa nagpapatuloy na pandemya ng COVID-19, lahat ng mga atleta at mga opisyal na papasok ng Biyetnam at kinailangan magpakita ng negatibong resulta sa pagsusuring RT-PCR COVID-19 sa loob ng 72 oras bago umalis. Sa loob ng 24 oras ng pagpasok at bago pumasok sa mga kaganapan, ang mga kalahok ay isusuri muli gamit ang rapid testing (pagsusuring mabilisan).

Kapag ang isang atleta ay nagpositibo sa COVID-19, siya ang ikukuwarantena sa kanyang itinalagang pasilidad, o ihahatid papuntang ospital kapag seryoso ang kaso. Para sa isang positibong kaso bago ang isang kaganapang sasalihan, ang NOC ay maaring palitan ang lalahok na atleta. Ngunit, kapag ang isang positibong kaso ay tumuloy habang nangyayari ang isang kaganapan, ang atlentang ito ay hindi na pwedeng lumahok at ang kanilang mga resulta ay hindi na tatanggapin.

Ang mga taganood sa anumang kaganapan ay hindi kailangan magpakita ng negatibong resulta upang pumasok. Ngunit, ang bilang ng mga taganood sa isang dausan ay nakaayon sa situwasyon ng COVID-19 sa lugar na iyon habang oras ng kompetisyon.

Seremonya ng Pagbubukas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang seremonya ng pagbubukas ay gaganapin nang alas-7 ng gabi sa 12 Mayo, 2022 (lokal na oras) sa Mỹ Đình National Stadium. Meritadong artista na si Trần Ly Ly, isang sikat na koreograpong Biyetnames at pinuno ng Kagawaran ng Sining ng Pagganap ng Biyetnam, ang hepeng direktor ng seremonya. Bawat 31 atleta mula sa bawat bansa lamang ang lalahok sa parada ng mga bansa bilang bahagi ng hakbangang pag-iwas sa COVID-19.

Kalahok na mga bansa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lahat ng 11 miyembro ng Pederasyong Palaro ng Timog Silangang Asya ay inaasahang sumali sa 2021 Palarong SEA. Sa ibaba ay ang listahan ng mga lalahok na mga NOC

Habang ang Tailandiya at Indonesiya ay unang pinagbawalang gumamit ng kani-kanilang mga pambansang watawat dahil sa mga sanksyon mula sa World Anti-Doping Agency, ang mga sanksyon ay tinanggal noong 3 Pebrero 2022.

Ang ika-31 Palarong TSA (SEA) ay magtatampok ng 40 mga isports na may kasamang 523 mga kaganapan, pangunahing ang mga nilalaro sa Palarong Asyano at Palarong Olimpiko.

Programang Pang-isports ng Palaro ng Timog Silangang Asya 2021
  • Aquatics
    • Diving (8)
    • Finswimming (13)
    • Swimming (40)
  • Archery (10)
  • Athletics (45)
  • Badminton (7)
  • Basketball
    • 3x3 Basketball (2)
    • 5x5 Basketball (2)
  • Billiards (10)
  • Bodybuilding (10)
  • Bowling (6)
  • Boxing (13)
  • Canoeing (11)
  • Chess (10)
  • Cycling
    • Mountain cycling (4)
    • Road cycling (8)
  • Dancesport (12)
  • Esports (10)
  • Fencing (12)
  • Football
    • Football (2)
    • Futsal (2)
  • Golf (4)
  • Gymnastics
    • Aerobic (5)
    • Artistic (14)
    • Rhythmic (2)
  • Handball
    • Beach handball (1)
    • Indoor handball (2)
  • Judo (13)
  • Jujitsu (6)
  • Karate (15)
  • Kickboxing (12)
  • Kurash (10)
  • Muaythai (11)
  • Pencak silat (16)
  • Pétanque (8)
  • Rowing (16)
  • Sepak takraw (8)
  • Shooting (22)
  • Table tennis (7)
  • Taekwondo (19)
  • Tennis (7)
  • Triathlon (4)
  • Volleyball
    • Beach volleyball (2)
    • Indoor volleyball (2)
  • Vovinam (15)
  • Weightlifting (14)
  • Wrestling (18)
  • Wushu (21)
  • Xiangqi (4)

Opisyal na paglulunsad at pagba-brand

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 30 Agosto 2019, naglunsad ang Komiteng Olimpiko ng Biyetnam ng isang nationwide paligsahang pambansa upang mahanap ang opisyal na logo, maskot, slogan, at kanta para sa parehong ika-31 Palarong TSA at Palarong Para ng ASEAN 2021. Ang paligsahan ay tumakbo hanggang 30 Oktubre 2019. Ang nangungunang 3 sa bawat kategorya ay nilayon na itampok sa isang balota at ang mga Biyetnames ay maaaring bumoto para sa nanalong paglikha. Noong 20 Oktubre 2019, isang mascot na pinangalanan sa asong karakter na si Vàng sa sikat na maikling kuwento ni Nam Cao na Lão Hạc ay ginawaran ng People's Choice Award ng mga organisador. Noong Oktubre 26, 2019, inihayag ang huling nangungunang 3 maskot, na pinili ng isang panloob na panel. Ang mga maskot na ito ay nakakuha ng inspirasyon mula sa iba't ibang mga hayop na Biyetnames: ang mga nanganganib na uri ng hayop na si saola, ang likhang mitolohiya na "con nghê", at mga tigre. Ang mga napiling disenyo ay nagtanggap ng labis na negatibong pananaw mula sa mga publikong Biyetnames. Tinawag ng marami ang mga disenyo na "luma", "hindi kasiya-siya sa astetiko" at "hindi kinatawan ng espiritu ng Biyetnam." Nang maglaon ay binawi ng organizer ang anunsyo, sinabi na ang mga disenyo ay paunang at sila ay sasailalim sa karagdagang mga pagsasaayos. Dahil dito, nabigo ang orihinal na petsa para sa pag-anunsyo ng mga nanalong pagsusumite noong 31 Oktubre. Ang pagbubunyag ay ipinagpaliban sa Nobyembre 2019, at pagkatapos ay muling ipinagpaliban nang walang katiyakan pagkatapos.


Noong 19 Nobyembre 2020, sa wakas ay inanunsyo ang mga nanalong entri. Walang napiling temang kanta mula sa paligsahan. Nagpasya ang komite sa pag-organisa na utusan ang kompositor na si Quang Vinh, na dating nagsulat ng temang kanta na Vì một thế giới ngày mai para sa ika-22 Palaro ng TSA noong 2003, na magsulat ng bagong temang kanta para sa edisyon.

Ang logo ng ika-31 Palaro ng TSA ay dinisenyo ni Hoàng Xuân Hiếu. Ang logo ni Hiếu ay inspirasyon ng pinagsamang mga larawan ng kalapati at kamay ng tao upang lumikha ng "V" na hugis, na kumakatawan sa "victory" (tagumpay sa Ingles) at "Vietnam" (Biyetnam sa Ingles). Ang ideyang ito ay nagmula sa larawan ng isang atleta na inilalagay ang kanyang kamay sa kanyang kaliwang dibdib, na umaawit ng pambansang awit bago ang bawat sagradong laban. Bilang karagdagan, ang mga pakpak ng ibon ay isang simbolo ng hindi pangkaraniwang kalooban, pagnanais na manakop at mahusay na pagkamaginoo.

  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 1.13 Nhật Duy. "Xem SEA Games 31 Việt Nam ở những địa điểm thi đấu nào?". Báo Thanh Niên (sa wikang Biyetnames). Nakuha noong 22 Mayo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. "Trường Đại học TDTT Bắc Ninh đăng cai tổ chức thi đấu Môn Bóng ném SEAGames 31 năm 2021". Trường Đại Học TDTT I. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Septiyembre 2020. Nakuha noong 8 July 2019. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  3. "Tổng cục TDTT ấn định sơ bộ địa điểm tổ chức các môn thi tại SEA Games 31". Vietnam Sports Portal. Vietnam's Ministry of Culture, Sports and Tourism. Nakuha noong 22 Mayo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  4. 4.0 4.1 "Hà Nội dự kiến chi gần 2.000 tỷ đồng cho SEA Games 31". YAN News. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2018. Nakuha noong 9 Oktubre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Padron:Sequence