Pumunta sa nilalaman

Palingkuran ng Pagpapaliwanag ng Mga Bansang Nagkakaisa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang United Nations Interpretation Service (Tagalog: Palingkuran ng Pagpapaliwanag ng Mga Nagkakaisang Bansa) ay bahagi ng Sangay ng mga Pagpupulong at Paglilimbag ng Kagawaran ng Panlahatang Pagtitipon at Pamamahala ng mga Pagpupulong ng Samahan ng Mga Bansang Nagkakaisa. Pinakapangunahing tungkulin nito ang pagpapaunawa sa mga nakikinig ng mga nagaganap na pagtatalumpati at paglalahad, mula sa at patungo sa mga wikang Arabo, Tsino, Ingles, Pranses, Ruso at Kastila. Mahalaga ang pagpapaunawa ng nilalaman ng mga talakayan at pakikipagunayan sa pagitan ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga pamahalaan.


Kasaysayan at pagunlad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May tuwirang kaugnayan ang pagkakalikha ng Palingkuran ng Pagpapaliwanag ng Mga Nagkakaisang at maging ng larangan sa mga sumusunod:[1][2]

  • sa pagunlad ng mga paraan ng pakikipagugnayang pansandaigdigan
  • sa pagtatatag ng Kapisanan ng mga Bansa
  • sa paghuhukom sa Nuremberg, Alemanya
  • sa pagtatatag ng Mga Nagkakaisang Bansa; at
  • sa pagsibol ng multilingwalismo

Mga unang panahon ng larangan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga likas na taong maalam sa maraming wika ang karamihan sa mga naunang tagapagpaunawang hinirang ng Mga Nagkakaisang Bansa. Lumisan ang mga ito mula sa mga pook na pinangyarihan ng digmaan at pag-aalsa. Karaniwang natatagpuan ang mga taong maalam sa maraming wika mula sa mga sumusunod: nakaririwasang mga pangkat ng lipunan, mga tauhan ng pamahalaan, mga dalubhasa ng mga kolonya ng mga imperyo, mga kawal ng mga hukbong pandigmaan, mga makapangyarihang bansa, mga politiko at ideyolohistang, mga mag-aaral na nangibang-bayan, at mula sa mga anak ng mga magulang na nagsasalita ng iba't-ibang wika.[1]

Makaraan ang 1960, nagkaroon ng pagbabago sa patakaran ng paghirang ng mga tagapagpaunawa. Nagsimula ang Mga Nagkakaisang Bansa na humanap at humubog ng mga maaaring maging tagapagpaunawa – yung mga taong bagaman iisang wika lamang ang nalalaman, subalit natutuo ng ibang mga wika sa mga paaralan. Nagkaroon din ng tuluyang pagdaragdag ng mga kababaihan sa loob ng larangan.[1]

Mga himpilan ng Mga Bansang Nagkakaisa na may palingkuran ng pagapapaliwanag

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Balangkas ng tanggapan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mga silid ng mga tagapagpaliwanag ng Mga Nagkakaisang Bansa (itaas, sa gawing kanan) sa likod ng isang pagpupulong ng Konseho ng Seguridad.

Binubuo ng mga sumusunod ang Palingkuran ng Pagpapaunawa ng Mga Bansang Nagkakaisang:[3][4][5]

  • Punong Tagapagpaliwanag
  • Mga Tauhang Tagapamahala (Mga Kalihim)
  • Pinuno ng mga Pangkat (nasa ibaba)
  • Mga Tagapagpaunawa (mga permanente at mga pansamantala)

Nahahati ang palingkuran sa mga sumusunod na bahagi:[3][4][5]

  • Pangkat ng Wikang Arabe
  • Pangkat ng Wikang Tsino
  • Pangkat ng Wikang Ingles
  • Pangkat ng Wikang Pranses
  • Pangkat ng Wikang Ruso
  • Pangkat ng Wikang Kastila

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Baigorri-Jalón, Jesús. Barr, Anne. Mga Taga-pagsalin sa Mga Nagkakaisang Bansa, Ediciones Universidad de Salamanca (Labas na Pangpamantasan ng Salamanca):2004, pahina 106. - ISBN 84-7800-643-5.
  2. Endrst, Elsa B. Mga Tagapagpaunawa: Sa Loob ng Silid na may Salamin, The UN Chronicle, Palimbagan ng Mga Nagkakaisang Bansa (1991), Grupong Gale (2004), isinangguni noong: Mayo 28, 2007 Naka-arkibo December 8, 2007[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  3. 3.0 3.1 Abud-Krafft, Salome at Elena Howard. Palingkuran ng Pagpapaunawa ng Mga Bansang Nagkakaisa, Kagawaran ng mga Gawain sa Panlahatang Pagtitipun-tipon at Paglilingkod sa mga Pagpupulong, New York:2000), May 02 2000, 15 mga dahon.
  4. 4.0 4.1 Mga Tagapagpaunawa ng Mga Bansang Nagkakaisa, UN-Interpreters.org Naka-arkibo 2007-10-07 sa Wayback Machine., isinangguni noong: Hunyo 08 2007
  5. 5.0 5.1 Pinuno ng mga Pangkat, New York, UN-Interpreters.org Naka-arkibo 2002-02-16 sa Wayback Machine., isinangguni noong: Hunyo 08 2007
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.