Pumunta sa nilalaman

Politika ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pamahalaan sa Pilipinas)
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang Pamahalaang Pambansa o sangay Tagapagpaganap ng ating bansa ay binubuo ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, at ng mga kagawad ng Gabinete na binubuo ng iba’t-ibang kagawaran.

Mga katangian sa pagiging Pangulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sumusunod ang kailangan upang maging Pangulo ng Pilipinas.

  1. Siya ay pinanganak bilang isang Filipino,
  2. Isang rehistradong botante,
  3. Nakababasa at nakasusulat,
  4. 40 taong gulang sa araw ng halalan,
  5. Isang residente ng Pilipinas sa loob ng 10 taon bago mag-halalan.

Naninirahan ang Pangulo sa Malakanyang. Siya ay nagtatagal bilang pangulo sa loob ng 6 taon. Bago magsilbi ang Pangulo, siya ay nanunumpa sa kanyang tungkulin.

Mga tungkulin at kapangyarihan ng Pangulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sumusunod ay ang mga tungkulin ng Pangulo.

  1. Ipapatupad niya ang mga batas sa bansa.
  2. Maari siyang magpanukala ng batas sa kongreso.
  3. Magsusumite siya ng panukalang badyet.
  4. Humihirang siya ng mga opisyal ng bansa at opisyal ng militar.
  5. Tinitiyak niya ang patakarang pandayuhan.
  6. Maari siyang makipagsundo sa pag-utang sa ibang bansa.
  7. Maari siyang maggawad ng kapatawaran sa mga nagkasala sa bansa.
  8. Siya ang punong tagaatas ng Sandatahang Lakas.
  9. Pinuno ng Gabinete.
  10. Magpanukala ng bagong batas.

Ang Pangalawang Pangulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangalawang pangulo ay ang katulong ng pangulo kung wala siya. Maari siyang hirangin bilang kagawad ng gabinete.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.