Pumunta sa nilalaman

Pekanbaru

Mga koordinado: 0°32′0″N 101°27′0″E / 0.53333°N 101.45000°E / 0.53333; 101.45000
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pekanbaru
Kota Pekanbaru
(Lungsod ng Pekanbaru)
Transkripsyong Iba
 • Jawiڤكنبارو
Opisyal na sagisag ng Pekanbaru
Sagisag
Palayaw: 
"PKU", "Pekan", "Pakan", "Pakanbaru", "Kota Pakanbaru", "Kota Bertuah"
Kinaroroonan ng Pekanbaru sa Indonesia
Kinaroroonan ng Pekanbaru sa Indonesia
Map
Pekanbaru is located in Indonesia
Pekanbaru
Pekanbaru
Kinaroroonan ng Pekanbaru sa Indonesia
Mga koordinado: 0°32′0″N 101°27′0″E / 0.53333°N 101.45000°E / 0.53333; 101.45000
Bansa Indonesia
LalawiganRiau
Itinatag22 Hunyo 1784
Pamahalaan
 • AlkaldeFirdaus
Lawak
 • Kabuuan632.26 km2 (244.12 milya kuwadrado)
Taas
12 m (39 tal)
Populasyon
 (2014)
 • Kabuuan1,093,416[1]
 • Kapal1,729/km2 (4,480/milya kuwadrado)
Mga demograpiko
 • Mga pangkat etniko[2]Minangkabau
Malay
Habanes
Batak
Tsino
 • Relihiyon[3]Islam 84.88%
Kristiyanismo 9.60%
Budismo 3.47%
Katoliko 1.26%
Hinduismo 0.03%
Konpusyanismo 0.03%
Iba pa 0.01%
Sona ng orasUTC+7 (WIB)
Kodigong postal
28131
Kodigo ng lugar+62 761
Plaka ng sasakyanBM
Websaytpekanbaru.go.id

Ang Pekanbaru ay ang kabisera ng lalawigan ng Riau, Indonesya, at isang pangunahing sentrong ekonomiko sa silangang bahagi ng pulo ng Sumatra. Mayroon itong lawak na 632.26 km² at populasyon na 1,093,416 katao.[1] Ito ay matatagpuan sa mga pampang ng Ilog Siak na dumadaloy papuntang Kipot ng Malacca. Mayroon itong tuwirang daanan papunta sa maabalang kipot sa pamamagitan ng ilog, at matagal nang kilala bilang pantalang nangangalakal. Unang itinayo ng mga mangangalakal na Minangkabau ang Pekanbaru bilang isang pamilihan noong ika-18 dantaon. Hango ang pangalan nito mula sa mga salitang Malay para sa 'bagong pamilihan' (ang pekan ay "pamilihan" samantalang ang baru naman ay "bago").

Nahahati ang lungsod sa 12 mga subdistrito (kecamatan). Pinaglilingkuran ito ng Paliparang Pandaigdig ng Sultan Syarif Kasim II at ng Pantalan ng Sungai Duku na nasa tabi ng Ilog Siak. Umiiral na ang pamayanan mula pa noong ika-17 dantaon. Noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon pinaunlad ang lungsod upang maglingkod sa mga industriya ng kape at batong karbón. Nagtayo ng mga daan ang mga mga Olandes upang maidala ang mga kalakal papuntang Singapura at Malacca.

Mga paghahating pampangasiwaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nahahati ang lungsod sa 12 mga distrito,[4] na nakatala sa ibaba:

Distrito Pook urbano
Bukit Raya Simpang Tiga
Lima Puluh Rinties
Marpoyan Damai Tangkerang Tengah
Payung Sekaki Labuh Baru Timur
Pekanbaru Kota Tanah Tinggi
Sail Cinta Raja
Senapelan Padang Bulan
Sukajadi Sukajadi
Rumbai Sri Meranti
Rumbai Pesisir Lembah Damai
Tampan Sudomulyo Timur
Tenayan Raya Kulim

Ang Pekanbaru ay may klimang tropikal na maulang gubat sa ilalim ng Köppen climate classification.[5] Tulad ng maraming mga lungsod na may klimang ekwadoryal, nag-iiba lamang nang kaunti ang temperatura sa buong taon. Ang pinakamainit na buwan ay ang May na may katamtamang temperatura na 27.6 °C (81.7 °F), habang Enero naman ang pinakamalamig na buwan na may katamtamang temperatura na 26.4 °C (79.5 °F). Hindi rin nag-iiba ang antas ng pag-ulan sa buong taon na may walang tunay na tagtuyo. Ang buwang may pinakamaraming pag-ulan ay Nobyembre na may kabuuang 312 millimetro (12.3 pul) ng pag-ulan, habang Hulyo naman ang may pinakakaunting pag-ulan na may kabuuang 123 millimetro (4.8 pul) ng pag-uulan.

Datos ng klima para sa Pekanbaru
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 36
(97)
37
(99)
37
(99)
38
(100)
37
(99)
40
(104)
37
(99)
38
(100)
37
(99)
37
(99)
34
(93)
38
(100)
40
(104)
Katamtamang taas °S (°P) 31.0
(87.8)
31.6
(88.9)
32.1
(89.8)
32.5
(90.5)
32.6
(90.7)
32.2
(90)
32.0
(89.6)
32.0
(89.6)
31.9
(89.4)
32.0
(89.6)
31.7
(89.1)
31.2
(88.2)
31.9
(89.4)
Arawang tamtaman °S (°P) 26.4
(79.5)
26.7
(80.1)
27.1
(80.8)
27.5
(81.5)
27.6
(81.7)
27.2
(81)
26.9
(80.4)
26.9
(80.4)
26.9
(80.4)
27.0
(80.6)
26.9
(80.4)
26.6
(79.9)
27.0
(80.6)
Katamtamang baba °S (°P) 21.8
(71.2)
21.9
(71.4)
22.2
(72)
22.6
(72.7)
22.7
(72.9)
22.2
(72)
21.9
(71.4)
21.9
(71.4)
22.0
(71.6)
22.0
(71.6)
22.2
(72)
22.1
(71.8)
22.1
(71.8)
Sukdulang baba °S (°P) 18
(64)
18
(64)
21
(70)
17
(63)
21
(70)
19
(66)
16
(61)
18
(64)
20
(68)
13
(55)
21
(70)
20
(68)
13
(55)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 240
(9.45)
199
(7.83)
262
(10.31)
257
(10.12)
203
(7.99)
133
(5.24)
123
(4.84)
177
(6.97)
224
(8.82)
280
(11.02)
312
(12.28)
286
(11.26)
2,696
(106.13)
Sanggunian #1: Climate-Data.org (average temps and precip)[6]
Sanggunian #2: Weatherbase (extremes)[7]

Mga kambal at kapatid na lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga kambal at kapatid na lungsod Bansa
Lungsod ng Malacca Malaysia Malaysia
Lungsod ng Zamboanga Pilipinas Pilipinas
Lungsod ng Dabaw Pilipinas Pilipinas
Chongqing Republikang Bayan ng Tsina Tsina
Liuzhou Republikang Bayan ng Tsina Tsina
Lungsod ng Quebec Canada Canada
Suwon Timog Korea Timog Korea
Lungsod ng Fukushima Hapon Hapon
Daegu Timog Korea Timog Korea
San Jose Estados Unidos Estados Unidos
Utrecht Netherlands Olanda
Atlanta Estados Unidos Estados Unidos
Da Nang Vietnam Vietnam
Batam Indonesia Indonesya
Cirebon Indonesia Indonesya
Bandung Indonesia Indonesya
Bandar Lampung Indonesia Indonesya
Jeddah Saudi Arabia Arabyang Saudi

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-01-19. Nakuha noong 2019-07-05.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Indonesia's Population: Ethnicity and Religion in a Changing Political Landscape. Institute of Southeast Asian Studies. 2003. ISBN 9812302123
  3. Data Sensus Penduduk 2010 - Badan Pusat Statistik Republik Indonesia <http://sp2010.bps.go.id/index.php/site/tabel?tid=321&wid=1400000000&lang=id>
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-02-17. Nakuha noong 2019-07-05.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Climate Pekanbaru: Temperature, Climograph, Climate table for Pekanbaru - Climate-Data.org". en.climate-data.org. Nakuha noong 7 Abril 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Climate: Pekanbaru". AmbiWeb GmbH. Nakuha noong 14 Hunyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "PAKANBARU, INDONESIA". Weatherbase. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 27 Septiyembre 2015. Nakuha noong 14 June 2016. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gabay panlakbay sa Pekanbaru mula sa Wikivoyage