Pisbol
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang mga pisbol (Ingles: "fish ball" o "fishball", literal na “itlog ng isda”) ay madalas na matatagpuan sa Timog Tsina at iba pang komunidad ng mga Tsino. Ito ay gawa sa surimi. Hindi lamang Pilipinas ang pinagbebentahan ng pisbol. Talamak din ang naturang pagkain sa mga kalsada ng Hong Kong, Singapore at Malaysia.
Produksiyon[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ginagamitan ng bola-bola ang ibang mga pisbol mula sa ibang bansa. Ang mga bola-bolang gawa ng mga Asyano ay ibang-iba ang teksto kung ikukumpara sa gawa ng mga Europeo. Sa halip na gilingin ang karne, ito ay binabayo kaya nagkakaroon ng mas makinis na anyo ang mga bola-bola. Ang pagbayo, hindi tulad ng paggiling ay may abilidad na kalasin at banatin ang mga dating nakapulupot at nakaikid na protina ng karne.
Fuzhou[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sa bahaging Fuzhou naman, ang Fuzhou fish ball ay gawa mula sa isda Mayroong tinadtad na karne sa loob ng kanilang pisbol.
Hong Kong[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mayroong dalawang uri ng pisbol sa Hong Kong. Ang unang uri ay mas maliit, kulay dilaw at gawa sa mas murang karne. Nakatuhog sa isang kawayan ang lima hanggang pitong piraso ng pisbol. Ito ay karaniwang mabibili sa mga kabalyerisa. Ang mga pisbol ay maaaring maanghang o hindi base na rin sa pipiliin mong bilhin. Ito ay isa sa mga pinakapopular na pagkain sa mga kalye ng Hong Kong.
Ang ikalawa naman ay mas malaki, kulay puti, gawa sa mas mamahaling karne, at may kakaibang teksto at lasa. Ang ganitong uri ng pisbol ay kinakain kasama ng bihon at cha chaan tengs. Karaniwang makikita ang ganitong uri sa mga tradisyonal na pamilihan sapagkat ito ay isa sa mga pangunahing sangkap ng hot pot.
Kilalang tagapagtustos ng pisbol na may sabaw ang On Lee Fish Ball Noodles sa Shau Kei Wan.
Thailand[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kilala rin ang pisbol sa Thailand. Karaniwan nang ipiniprito o iniihaw ito upang makain. Sa mga kainan sa Thailand na naimpluwensiyahan ng mga Intsik, niluluto ang pisbol nang may sabaw. Maaari ring kainin ito bilang curry tulad ng kaeng khiao wan luk chin pla.
Peninsular Malaysia & Singapore[baguhin | baguhin ang wikitext]
Maraming paraan ng pagluluto ng pisbol sa Peninsular Malaysia at Singapore. Maaari itong kainin ng may sabaw at may bihon tulad ng Chiuchow o maaari ring samahan ng Yong tau foo. Mayroon ding tinatawag na Fish Ball Mee Pok.
Pilipinas[baguhin | baguhin ang wikitext]
Karaniwan na ang pisbol sa Pilipinas. Kolokyalismo ang terminong fishballs na tawag ng mga Pilipino sa naturang pagkain. Kadalasang plat ito at gawa mula sa karne ng pugita. Ito ay mga bilog-bilog na isdang hinalo sa harina. Tinutuhog ito sa isang patpat matpos na iprito. Maaari itong kainin matapos isawsaw sa matamis ngunit medyo maanghang na sawsawan o di kaya ay sa matamis ngunit medyo maasim na sawsawan.
Sa Pilipinas, maraming nagtitinda ng pisbol gamit ang mga itinutulak na kariton na naglalaman ng mga sangkap, sawsawan at pati na rin mga gamit pangluto. Nakatuhog kung ibenta ang pisbol. Mayroong tatlong sawsawang maaaring pagpilian ng mga mamimili. Ang una ay maanghang (kulay dalandan) na pinaghalong suka, tubig, sibuyas at bawang. Ang ikalawa naman ay manamis-namis (kulay kayumanggi) na pinaghalong corn starch, ketsap, asukal at asin. Ang ikatlong pagpipilian ay medyo maasim (kulay dalandan ngunit mas matingkad kumpara sa naunang nabanggit) na mayroon namang maraming sili. Ang mga sawsawang mayroong sangkap na toyo ay hindi karaniwan pagkat ito may kamahalan. Kasalukuyang nauuso ang iba’t-iba pang uri ng pisbol: gawa sa manok, gawa sa pugita (squid balls) at kikiam. Ang kikiam ay mas mura ngunit hindi nalalayo sa orihinal na kikiam ng Tsina. Ang tatlong uring nabanggit ay may halagang apat na sentimos sa Estados Unidos. Samantala, ang mga ordinaryong pisbol ay nabebenta sa halagang isang sentimo sa Estados Unidos.[kailangan ng sanggunian]
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga kaugnayang palabas[baguhin | baguhin ang wikitext]
