Nasi goreng

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Nasi goreng
Nasi goreng indonesia.jpg
Indones na nasi goreng – sinangag at itlog, kropek at atsara.
PutahePangunahing putahe
PinanggalinganIndonesya[1][2]
Rehiyon o estadoPambansa sa Indonesya, Malaysia, Singgapura at Brunay; popular din ito sa Timugang Taylandia, Sri Lanka, Suriname at Olanda
Nakaugnay na pambansang lutuinIndonesya,[3] Malaysia, Brunay and Singgapur
Pangunahing sangkapSinangag na may karne, gulay at pampaanghang, kadalasang tinitimplahan ng matamis na toyo
BaryasyonSari-sari sa bawat kaukulang rehiyon
Cookbook: Nasi goreng sa Wikibooks 

Ang nasi goreng na literal na nangangahulugang "sinangag" sa mga wikang Indones at Malay,[4][5] ay isang lutuing Indones na may idinagdag na pira-piraso ng karne at gulay.[6] Maaari rin itong tumukoy sa sinagag na patiunang niluto, isang putahe na may kaning iginisa sa mantika or margarina, karaniwang tinitimplahan ng kecap manis (matamis na toyo), shallot, bawang, bagoong, sampalok at sili at sinasamahan ng ibang sangkap, lalo na ang itlog, manok at sugpo. Mayroon ding isa pang uri ng nasi goreng na gawa sa ikan asin (inasnan ng isda) na sikat din sa buong Indonesya. Paminsan-minsang inilalarawan ang nasi goreng bilang Indones na iginisang kanin,[1][2] ngunit sikat din ito sa Timog-silangang Asya. Maliban sa Kapuluang Malay, sumikat din ito sa pamamagitan ng impluwensyang Indones sa Sri Lanka[7] at sa pamamagitan Indones na imigranteng komunidad sa Suriname[8] at sa Olanda.[9] Naiiba ito sa mga ibang reseta ng Asyanong sinangag sa kanyang mabangong, makalupa at mausok na lasa, dahil marami ang kanyang nakaramelong kecap manis at bagoong, at mas matapang at maanghang ang kanyang lasa kumpara sa Tsinong sinagag.[10]

Naitawag ang nasi goreng bilang pambansang putahe ng Indonesya,[3][11][12] ngunit marami rin ang nakikipagpunyagi. Makakain ang simpleng bersyon nito sa mga plato sa kainan sa tabing-daan, makakain din sa porselana sa mga restawran, o makokolekta mula sa mga mesang hinainan ng mga panggabing pagdiriwang sa Jakarta.[13]

Noong 2011 pinili ng 35,000 katao sa online na surbey ng CNN International ang Indones na nasi goreng bilang ikalawa sa kanilang talaan ng 'World's 50 Most Delicious Foods' ("Ang 50 Pinakamasarap na Pagkain ng Mundo") kasunod ng rendang.[14]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang babaeng nagluluto ng nasi goreng sa Indonesya.

Pareho ang pasimula ng nasi goreng sa mga ibang uri ng sinangag; bilang paraan para hindi masayang ang kanin.[15] Maaaring pigilan ng pagprito sa kanin ang pagpapakalat ng mga mikrobyong mapanganib, lalo na sa Indonesya bago ang teknolohiya ng palamigan at pinaiwas din ang pagtatapon ng mahalagang pagkain.[16] Kinaugaliang inihahain ang nasi goreng sa bahay bilang almusal at kinaugaliang gawa ito mula sa tirang kanin noong nakaraang gabi. Maliban sa mga sangkap tulad ng shallot, kamatis, paminta at sili, piniprito ang kanin kasama ng mga piraso ng manok o baka; kadalasan mga tira-tira mula sa putaheng manok o baka.[17]

Madalas inilalarawan ang nasi goreng bilang bersyong Indones na sinangag.[16] At katulad ng mga ibang reseta ng sinangag sa Asya, iminungkahi na matutunton ang pinagmulan nito sa sinangag sa Timugang Tsina.[18][19] Gayunpaman, hindi malinaw kung kailan nagsimulang tularan ang Tsinong sinangag at gumawa ng sarili nilang bersyon. Lumago ang kalakalan sa pagitan ng Tsina at kapuluang Indones mula sa panahon ng Srivijaya noong mga ika-10 siglo at tumindi ito sa panahong Majapahit noong mga ika-15 siglo. Nang panahong iyon, nagsimulang manirahan ang mga imigranteng Tsino sa kapuluan, at dinala nila ang kanilang kultura at lutuin. Karaniwang gusto ng mga Tsino ang mga bagong luto, at sa kanilang kultura, bawal itapon ang mga tira-tirang pagkain.[15] Bilang resulta, kadalasang niluto muli ang mga tira-tirang kanin sa umaga. Dati, marahil ibinilad ng mga Indones ang mga tira-tirang kanin sa araw para gumawa ng intip o rengginang (ampaw). Maaari ring durugin ang tuyong kanin upang gumawa ng harinang-bigas.

Makikita ang impluwensya ng Tsina sa lutuing Indoes sa mie goreng na lumitaw kasabay ng pagpapakilala ng paggisa na nangailangan ng paggamit ng Tsinong wok.[20] Sa Tsina, sumikat nang sumikat ang paggisa sa dinastiyang Ming (1368–1644 PK).[21] Marahil nangyari ang pagpapakilala ng paggisa, Tsinong wok, at toyo sa panahong ito o pagkatapos, sirka ika-17 siglo. Nagmula ang karaniwang toyo sa ika-2 siglo PK sa Tsina, ngunit, nilinang ang kecap manis (toyong matamis) sa Indonesya na may maraming katutubong asukal-palma.[22] Ang nasi goreng ay napapaiba mula sa Tsinong sinangag dahil sa pagdaragdag ng toyong matamis at bagoong sa nauna.

Itinuring ang nasi goreng bilang bahagi ng kulturang Indyo noong panahong kolonyal. Lumilitaw ang pagbanggit ng nasi goreng sa panitikang kolonyal ng Hindia-Belanda, tulad sa Student Hidjo ni Marco Kartodikoromo, isang kwentong de-seryeng inilathala sa pahayagang Sinar Hindia noong 1918.[15] Binanggit ito sa 1925 aklat-panlutong Olandes Groot Nieuw Volledig Oost Indisch Kookboek.[23] Sumikat ang nasi goreng sa buong mundo dahil sa kalakalan sa pagitan ng Olanda at Hindia-Belanda noong panahon iyon.[24]

Pagkatapos ng kalayaan ng Indonesya, itinuring ang nasi goreng bilang pambansang putahe, ngunit di-opisyal. Ito ay nasa talaulamang ipinakilala, inalok at inihain sa Indonesian Theater Restaurant sa loob ng pabilyong Indones noong Tanghalan ng Mundo sa New York ng 1964. Sinabi ni Howard Palfrey Jones, ang Amerikanong embahador sa Indonesya noong mga huling taon ng pamamahala ni Sukarno sa gitna ng dekada 1960, sa kanyang talambuhay "Indonesia: The Possible Dream", na gusto niya ang nasi goreng. Inilarawan niya ang kanyang kagustuhan sa nasi goreng na iniluto ni Hartini, isa sa mga asawa ni Sukarno, at pinuri ito bilang isa sa mga pinakamasarap na nasi goreng na natikman niya.[15]

Malaganap ang nasi goreng sa Indonesya, at sikat din sa kalapit na Malayisa at Singgapura, pati na rin sa Olanda sa pamamagitan ng kanyang kaugnayang kolonyal sa Indonesya.[9] Ngayon, mayroong pinagyelong nasi goreng na iniinit sa microwave sa mga convenience store, tulad ng 7-Eleven at Lawson sa Indonesya.

Galerya[baguhin | baguhin ang batayan]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Andrea Chesman (1998). 366 Delicious Ways to Cook Rice, Beans, and Grains. Penguin. ISBN 9781101075746.
  2. 2.0 2.1 Stein, Rick. "Indonesian stir-fried rice (Nasi goreng)". BBC Food Recipes. Sininop mula sa ang orihinal noong 19 August 2015. Nakuha noong 3 August 2015.
  3. 3.0 3.1 Media, Kompas Cyber. "Kemenpar Tetapkan 5 Makanan Nasional Indonesia, Ini Daftarnya". KOMPAS.com (sa Indones). Nakuha noong 18 April 2018.
  4. "nasi goreng | Indonesian to English Translation – Oxford Dictionaries". Oxford Indonesian Living Dictionary. Nakuha noong 23 July 2018.
  5. "Malay Dictionary Online Translation LEXILOGOS >>".
  6. "nasi goreng Meaning in the Cambridge English Dictionary". dictionary.cambridge.org. Nakuha noong 23 July 2018.
  7. Jayani Senanayake (1 January 2016). "Who doesn't like Nasi Goreng?". peckishme.com.
  8. "Indonesian rice dishes from the Surinam cuisine". tropilab.com.
  9. 9.0 9.1 Ena Scheerstra (30 October 2012). "Dutch East Indian Nasi Goreng". Honest Cooking.
  10. "A Bowl of Rice". The Patterned Plate.
  11. "Nasi Goreng: Indonesia's mouthwatering national dish". Sininop mula sa ang orihinal noong 6 July 2010. Nakuha noong 5 July 2010.
  12. Watson, Todd (20 July 2013). "Indonesian cuisine: An unduly underappreciated taste". Inside Investor. Nakuha noong 20 July 2013.
  13. Crossette, Barbara (6 July 1986). "Fare of The Country; Spicy Staple of Indonesia". The New York Times. Nakuha noong 7 July 2010.
  14. "World's 50 Most Delicious Foods". CNN. Sininop mula sa ang orihinal noong 11 November 2012. Nakuha noong 9 September 2011.
  15. 15.0 15.1 15.2 15.3 Sitompul, Martin (28 July 2017). "Pesona Nasi Goreng". Historia – Obrolan Perempuan Urban (sa Indones). Nakuha noong 19 September 2018.
  16. 16.0 16.1 Gregory Rodgers. "Nasi Goreng". About.com. Nakuha noong 21 October 2012.
  17. Eric Musa Piliang (14 November 2010). "By the way ... A tale of 'nasi goreng' — leftover rice and chicken scraps". The Jakarta Post. Nakuha noong 21 October 2012.
  18. Bruce Kraig; Colleen Taylor Sen (2013). Street Food Around the World: An Encyclopedia of Food and Culture. ABC-CLIO. p. 183. ISBN 9781598849554.
  19. Mutia Silviani Aflakhah (9 February 2017). "Akulturasi Budaya di Balik Makanan Nusantara". Good News from Indonesia (sa Indones).
  20. Heinz Von Holzen (2014). A New Approach to Indonesian Cooking. Marshall Cavendish International Asia Pte Ltd. p. 15. ISBN 9789814634953.
  21. Grace Young (2010). Stir-Frying to the Sky's Edge: The Ultimate Guide to Mastery, with Authentic Recipes and Stories. Simon and Schuster. p. 49. ISBN 9781416580577.
  22. William Shurtleff; Akiko Aoyagi (2011). History of Tempeh and Tempeh Products (1815–2011): Extensively Annotated Bibliography and Sourcebook. Soyinfo Center. p. 618. ISBN 9781928914396.
  23. van der Meijden, J.M.J. Catenius (1925). Groot Nieuw Volledig Oost Indisch Kookboek (PDF) (sa Olandes). Den Haag: Goor Zonen Den Haag. p. 1.
  24. "Standardisasi Perencah Nasi Goreng Masih Perlu Lokakarya Lanjutan". Selera. 3 (4): 39–42. April 1984.