Pumunta sa nilalaman

Surah Al-Qari'ah

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Quran 101)
Sura 101 ng Quran
القارعة
Al-Qāriʻah
KlasipikasyonMakkan
Ibang pangalanThe Shocker, The Striking Hour
PosisyonJuzʼ 30 ʿAmma yatasāʾalūna
Blg. ng talata11
Blg. ng zalita36
Blg. ng titik158

Ang Surah al-Qariah (Arabiko: سورة القارعة‎, Ang Malagim na Pangyayari) ang ika-101 kapitulo ng Koran na may 11 bersikulo. Ang pamagat nito ay hinago sa unang saliatng qariah na tumutukoy sa pananaw na wakas ng panahon at eskatolohiya. Ang qariah ay isinalin bilang kalamidad, katastropiya at iba pa.

Mga bersikulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

1. ‘Al-Qâri`ah’ – ang oras ng pagkagunaw ng daigdig, na kakalabugin ang mga puso ng mga tao sa pamamagitan ng kalagiman ng pangyayaring ito.

2. Ano bang bagay itong magpapakalabog sa mga puso ng mga tao?

3. Ano ba ang magpapabatid sa iyo hinggil dito?

4. Sa Araw na yaon ay napakarami ng mga tao na sila ay parang nagkalat na mga gamugamo na nagkakandalaglagan sa apoy.

5. At ang mga kabundukan ay magiging katulad ng mga nagliliparang balahibo na iba’t ibang kulay, na kapag ito ay napunta sa iyong kamay at iyong hihipan, ito ay magiging parang mga bula na maglalaho.

6. Pagkatapos, ang para sa kanya na naging mabigat ang timbangan ng kanyang kabutihan,

7. Ay magiging kalugud-lugod ang kanyang pamumuhay sa ‘Al-Jannah.’

8. Subali’t siya naman na naging magaan ang timbangan ng kanyang kabutihan at naging mas mabigat ang timbangan ng kanyang mga kasalanan,

9. Ang kanyang patutunguhan ay Impiyernong-Apoy.

10. At ano ang magpapabatid sa iyo, O Muhammad, kung ano ang kaila-ilaliman na ito na tinatawag.

11. Ito ay apoy na pinainit nang sukdulan sa pamamagitan ng paggagatong sa ibabaw nito.