Surah Al-Qadr
القدر Al-Qadr | |
---|---|
Klasipikasyon | Makkan] |
Ibang pangalan | Fate, The Majesty, Destiny |
Posisyon | Juzʼ 30 |
Blg. ng talata | 5 |
Ang Sūrat al-Qadr (Arabiko: سورة القدر) (Kapangyarihan, Kapalaran) ang ika-97 sura o kapitulo ng Koran na may 5 ayat. Ito ay isang Meccan sura.
Mga bersikulo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Katiyakan, ibinaba Namin ang Qur’ân sa gabi ng ‘Qadr’ – na ito ay gabi ng karangalan, na ito ay sa buwan ng Ramadhan.
2. At ano ang makapagpapabatid sa iyo, O Muhammad, kung ano ang gabi ng ‘Qadr,’ na dakila at pinarangalan na gabi?
3. Ang gabi ng ‘Qadr’ ay gabi na biniyayaan, na ang katangian nito ay higit pa kaysa sa isang libong buwan na pagsamba, na wala sa ibang gabi ang ganitong katangian.
4. Na sa gabing yaon ay bumababa ang maraming mga anghel at si Jibril sa kapahintulutan ng kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha upang gawin ang anumang pinagpasiyahan ng Allâh sa taong yaon.
5. Na ang gabing yaon ay punung-puno ng kapayapaan, na walang anumang hindi kanais-nais na mangyayari hanggang sa pagsikat ng ‘Fajr.’