Surah Al-Baqarah
Itsura
الْبَقَرَة Al-Baqarah | |
---|---|
Klasipikasyon | Madani |
Posisyon | Juzʼ 1–3 |
Blg. ng Ruku | 40 |
Blg. ng talata | 286 |
Pambungad na muqaṭṭaʻāt | Alif Lam Meem |
Ang Sura al-Baqarah (Arabiko: سورة البقرة, Sūratu l-Baqarah, "Ang Baka") ang ikalawang kapitulo ng Koran at ang pinakamahabang kapitulo nito. Ito ay isang Medinan Sura maliban sa talatang 281 na inihayag sa Pilgrimaheng Pagpapaalam. Ito ay itinuturing rin na isa sa mga unang kapitulo na inihayag pagkatapos ng Hijra mula sa Mecca tungo sa Medina. Ang kapitulong ito ay binubuo ng 286 talata ayon sa paghahati ni Ali na pinakamalawakang tinatanggap na pagbilang sa lahat ng mga denominasyong Muslim at kinabibilangan ng isang pinakamahabang talata sa Koran (2:282). Ang pangalan ng sura ay reprensiya sa talatang 66–72 na umaalala sa kuwento ng paghahandog ng baka ng mga Israelita.