Surah As-Saffat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Sura As-Saaffat (Arabiko: سورة الصافات‎) ang ika-37 sura ng Koran na may 182 ayat. Ito ay pinaniniwalaang inihayag sa Mecca. Ayon sa kronolohiyang Ehipsiyo, ito ang ika-56 sura na inihayag kay Muhammad. Ito ay inilagay ni Noldeke bilang ika-50 at inihayag sa ikalawang panahong Meccan. Ang panahong ito ay minamarkahan ng papataas na pagsalungat ng tribong Quraysh kay Muhammad at kanyang mga tagasunod. Ito ay natatangi sa pagtutuon nito sa interbensiyon ng diyos at inspirasyon at mga nakaraang propeta.