Pumunta sa nilalaman

Al-Qasas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Surah Al-Qasas)
Sura 28 ng Quran
القصص
Al-Qaṣaṣ
Ang Pagsasalaysay[1]
KlasipikasyonMakkan
PosisyonJuzʼ 20
Hizb blg.40
Blg. ng Ruku9
Blg. ng talata88
Pambungad na muqaṭṭaʻātṬā Sīn Mīm طسم
Nakita ng asawa ng Paraon at ng kanyang mga alipin ang sanggol na Moses sa Ilog Nilo. Illustrasyon mula sa Persang si Jami' al-tawarikh

Ang Al-Qasas (Arabe: القصص‎, ’al-qaṣaṣ; kahulugan: Ang Pagsasalaysay) ay ang ika-28 kabanata (sūrah) ng Qur'an na may 88 talata (āyāt).

Sang-ayon sa komentaryo ni Ibn Kathir, kinuha ng kabanata ang pangalan nito mula sa talata 25 kung saan matatagpuan ang salitang Al-Qasas. Sa leksiko, nangangahulugan ang qasas bilang ang pag-ugnay ng mga kaganapan ayon sa kanilang wastong pagkakasunud-sunod. Sa gayon, mula din sa pananaw ng kahulugan, naangkop ang salitang ito para sa surah na ito, para maiugnay ang detalyadong salaysay ni Propeta Moises, at kabilang dito ang kuwento ni Qarun mula talata 76 hanggang talata 83 na ipinapaliwanag kung papaano ipinagmayabang ni Qarun ang sarili na iniisip na ang kanyang malaking yaman ay naipon sa pamamagitan ng kanyang sariling agham, na tinanggihan ang grasya ng Diyos sa kanya at sa huli, winasak siya ng Diyos ng palihim kasama ang kanyang yaman.

  • 1-2 Natanggap ni Muhammad ang salaysayin ni Moises para sa pakinabang ng mga mananampalataya
  • 3 Pinahirapan ng Paraon ang mga Israelita
  • 4-5 Tinukoy ng Diyos na kaibiganin ang mahihina at puksain ang nagpapahirap
  • 6 Iniutos sa ina ni Moises na ipagkatiwala ang kanyang anak sa ilog
  • 7-8 Kinuha ng pamilya ng Paraon ang sanggol na si Moises
  • 9-10 Ang pagkabahala ng ina ni Moises-pinagmamasdan siya ng kanyang kapatid
  • 11-12 Tinanggihan ni Moises ang Ehipsyong nars, at pinapasok ang kanyang ina
  • 13 Ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang karunungan at lakas
  • 14-20 Pinatay niya ang isang Ehipsyo at tumakas papuntang Madian
  • 21-22 Sa pamamagitan ng dibinong direksyon, naabot niya ang mga balo ng Madian
  • 23-24 Binuhusan niya ng tubig ang kawan ng mga anak na babae ni Shuaib (Jetro)
  • 25 Nang nagtagpo sila ni Shuaib, iniugnay niya ang kanyang kasaysayan
  • 26-28 Binigyan siya ni Shuaib ng isa sa kanyang mga anak upang pakasalan
  • 29 Bilang katapuran ng kontrata ng kasal, naglakbay si Moises tungong Ehipto
  • 29-32 Nakita niya ang nagliliyab na punongkahoy, at natanggap niya ang propetikong komisyon at ang kapangyarihang makagawa ng himala
  • 33-35 Si Moises, na natakot sa Paraon, ay humingi ng tulong kay Aaron
  • 36 Ipinalagay ng mga Ehipsyo na mga salamangkero sina Moises at Aaron
  • 37 Binantaan sila ni Moises sa hatol ng Diyos
  • 38 Ang Paraon, na inaangkin na isang diyos, ay hiniling kay Hámán na magtayo ng tore patungong langit
  • 38-39 Nilapastangan ng Paraon at ng kanyang prinsipe ang Diyos
  • 40 Nilunod ng Diyos ang Paraon ang kanyang prinsipe sa dagat
  • 41-42 Tatanggihan nila ang Diyos sa muling pagkabuhay
  • 43 Natanggap ni Moises ang Pentateuco para sa isang direksyon sa kanyang bayan
  • 44-46 Nakaroon ng inspirasyon si Muhammad na magpangaral sa mga Arabe
  • 47 Nagiging hindi mapagpapaumanhinan ang mga walang pananampalataya sa kanyang pangaral
  • 48 Tinanggihan ng mga Quraysh ang parehong Pentateuco at Quran
  • 49 Hinamon sila na gumawa ng isang mas mainam na aklat kaysa sa mga ito
  • 50-53 Binalaan ang mga Makkan sa pananampalataya ng ilang Hudyo
  • 54 Gantimpala sa mga napalitan ang pananampalataya mula sa Hudyo at Kristiyano
  • 55 Karakter ng totoong naging Islam
  • 56 Ginagabayan ni Allah ang sinuman nais niya
  • 57 Natatakot ang Quraysh na sundan si Muhammad baka kasi paalisin sila mula Makkah
  • 58-59 Mawawasak ang mga lungsod para sa hindi paniniwala sa, at pag-uusig ng, mga totoong propeta ng Diyos
  • 60-61 Hindi tanda ng biyaya ng Diyos ang kasalukuyang kasaganaan
  • 62-64 Iiwan ng mga diyus-diyosan ang kanilang tagasunod sa araw ng paghuhukom
  • 65-67 Hindi makakapagsalita ang mga sumasamba sa diyus-diyusan, subalit maliligtas ang nagsisisi
  • 70-73 Ang Diyos, ang tanging totoong Diyos, ang makakagawa ng paulit-ulit na araw at gabi
  • 74-75 Makakagawa ang Diyos ng isang saksi laban sa bawat bansa sa paghuhukom
  • 76-82 Ang istorya ni Qárún
  • 83-85 Ibinigay ang kapatawaran sa mga mapagkumbaba at masunurin
  • 86 Hindi inaasahang matanggap ni Muhammad ang Quran
  • 86-88 Pinayuhan si Muhammad na maging matatag sa pananampalataya sa Islam[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Quran Tagalog Filipino in PDF Isinalin sa Wikang Tagalog nina Dr. Aboulkhair S. Tarason Ustadh Badi Udzaman S. Saliao at Muhammad M. Rodrigues Sinuri ni Dr. Muhammad Nadheer Ebil. Abril 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Wherry, Elwood Morris (1896). A Complete Index to Sale's Text, Preliminary Discourse, and Notes (sa wikang Ingles). London: Kegan Paul, Trench, Trubner, and Co.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naglalaman ang artikulong ito ng teksto mula sa isang lathalaing na nasa pampublikong dominyo.