Pumunta sa nilalaman

An-Naml

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Quran 27)
Sura 27 ng Quran
الْنَّمْل
Al-Naml
Ang Mga Langgam[1]
KlasipikasyonMakkan
PosisyonJuzʼ 19 to 20
Blg. ng Ruku7
Blg. ng talata93
Blg. ng Sajdah1 (verse 26)
Pambungad na muqaṭṭaʻātṬā Sīn طس

Ang An-Naml[2] (Arabe: النمل‎, romanisado: ’an-naml, lit. 'Ang Langgam'[3][4]) ay ika-27 kabanata (sūrah) ng Qur'an na may 93 talata (āyāt).

Tungkol sa tiyempo at kontekstuwal na impormasyon na dapat na pahayag (asbāb al-nuzūl), mas nauna itong "Makkan na sura", na nangangahulugan na pinaniniwalaan ito na hinayag sa Mecca, imbis na sa Medina sa kalaunan.

  • 1-3 Ang Quran ay isang direksyon ng mabuting balita sa mga mananampalataya
  • 4-5 Talunan ang mga hindi sumasampalataya dito at sa kabilang buhay
  • 6 Tiyak na bingigay ng Diyos ang Quran kay Muhammad
  • 7-12 Ang kuwento ng Moises sa nagliliyab na punongkahoy
  • 13-14 Tinanggihan ng Paraon at ng mga taga-Ehipto si Moises bilang isang manlilinlang
  • 15 Sina David at Solomon ay pinuri ang Diyos para sa kanilang karunungan
  • 16-17 Pangingibabaw ni Solomon sa Djinn, mga tao, at ibon
  • 18-19 Nalulugod si Solomon sa matalinong langgam
  • 20-44 Ang kuwento ng Reyna ng Saba at pagpalit nito ng pananampalataya sa Islam
  • 45-48 Tinanggihan ng mga Thamoud si Sálih, ang kanilang propeta
  • 49-51 Binalak ng siyam na indibiduwal ang pagwasak ni Sálih at ng kanyang pamilya
  • 52-54 Nawasak ang mga Thamoudita at ang kanilang tagabalangkas, subalit naligtas si Sálih at kanilang mga tagasunod
  • 55-59 Ang kuwento ni Lot at ang pagkawasak ng Sodom
  • 60-68 Ang Diyos, ang manlilikha at tagapanatili, ay mas karapat-dapat ng papuri kaysa sa mga diyus-diyosan
  • 69-70 Kinutya ng mga walang pananampalataya ang mga babala ni Muhammad
  • 71-72 Tiyak na mawawasak sila tulad ng mga tumanggi sa mga dating propeta
  • 73-77 Nabimbin ang hatol sa mga masama sa pamamagitan ng awa ng Diyos
  • 78-80 Pinasyahan ng Qurán ang mga punto ng kontrobersiya sa mga anak ni Israel
  • 81 Naaliw si Muhammad ng katiyakan ng kanyang katapatan
  • 82-83 Itinakwil na mga taong walang pananampalataya ay nabulag sa kanilang kamalian ng kanilang mga gawi
  • 84-90 Mga tanda ng paghatol at wakad ng mga hindi nanampalataya
  • 91 Ligtas ang matuwid mula sa sindak ng hatol
  • 92 Mapaparusahan ang masama
  • 93-94 Iniutos ni Muhammad na sambahin ang Diyos, maging Muslim, at ipahayag ang Qurán
  • 95 Ipapakita ng Diyos ang kanyang mga tanda sa mga totoong nananampalataya[5]

Kinukuwento ng Sura 27 ang istorya ng mga propetang Musa (Moises), Sulayman (Solomon), Saleh, at Lut (Lot) upang bigyan-diin ang mensahe ng tawhid (monoteismo) sa mga propetang Israelita at Arabe. Ang himala ni Moises, na sinalarawan sa Aklat ng Exodo, ay binanggit na salungat sa pagmamataas at kufr (kakulangan ng paniwala) ng Paraon.[6]

Pinakadetalye ang kuwento ni Solomon: pinalitan ni Solomon ang pananampalataya ni Reyna Bilqis ng Saba' (Saba) sa "totoong relihiyon" pagkatapos mag-ulat ang isang hoopoe (isang makulay na ibon) sa kanya na ang isa siyang reynang sumasamba sa araw.[7] Malamang na inihayag ang sura na ito upang harapin ang ginampanan ng "mga Anak ni Israel" sa mga mananampalataya sa Mecca, upang bigyan-diin at ihabilin ang kabanalan ng mga nakaraang propeta, at upang ipagkaiba ang kasalukuyang mensahe ng Qur'an mula sa nakaraang mga tradisyon.[8]

Kabuluhan ng pamagat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakuha ang pangalan ng sura mula sa mga langgam kung saan ang pagpapanayam ay naunawaan ni Solomon.[9] Tulad ng Sura 13 (Ang Kidlat) o Sura 29 (Ang Gagamba), walang tematikong kabuluhan Ang Mga Langgam maliban sa isang pamilyar na parirala ito sa mga mananampalataya, isang paalala ng istorya ni Solomon sa sura.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Quran Tagalog Filipino in PDF Isinalin sa Wikang Tagalog nina Dr. Aboulkhair S. Tarason Ustadh Badi Udzaman S. Saliao at Muhammad M. Rodrigues Sinuri ni Dr. Muhammad Nadheer Ebil. Abril 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ibn Kathir. "Tafsir Ibn Kathir (English): Surah Al Naml". Quran 4 U (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Pebrero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Sale, AlKoran
  4. Gerrans, S
  5. Wherry, Elwood Morris (1896). A Complete Index to Sale's Text, Preliminary Discourse, and Notes (sa wikang Ingles). London: Kegan Paul, Trench, Trubner, and Co.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naglalaman ang artikulong ito ng teksto mula sa isang lathalaing na nasa pampublikong dominyo.
  6. Exodo 7:8-13 (NRSV).
  7. Haleem, M. A. S. Abdel (2008). The Qur'an: Sura 27:15-44 (sa wikang Ingles). New York: Oxford University Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Haleem. Qur'an 27:76-93.
  9. Haleem. Qur'an 27:18-19.